CHICHAY'S POV
I can't move. Nakita ko sa dalawang mata ko na nahalikan ni Lia si Joaquin. Nag-tinginan sila Jade at yung mga boys sa akin. Alam nilang nasasaktan ako. Pero bakit? Meron ba kaming 'us' na relasyon? There was never an us. :)
Nakita ni Joaquin kaming lahat. Mukha syang gulat at di parin nags-sink in sa utak nya lahat ng nangyare. Si Lia naman, nag-smile sa akin. "It was great." sabi nya.
Ang mga girls naman simula na lumapit. Pinigilan ko sila. I smiled, "Talaga?" tanong ko. Nagulat sya kasi di ako nagalit. "Y-yes." sabi nya.
"Ngayon, naka-ganti ka na? Ano na next mong gagawin? Angkinin sya--" sunod sunod kong sabi. Nilapitan naman ako ni Joaquin, "Chay, tama na. Di ko sinadya yun." paliwanag nya.
I smiled ulit, "Wala naman akong pakielam kung naghalikan kayo eh. Kasi, Joaquin, there was never an us. Ine-expect mong magagalit ako? Magwawala ako? Bakit, meron ba naging 'tayo'?" sabi ko.
Lahat sila naka-tingin sa akin. I'm smiling, dying inside. "Ch-chichay." sabi ni Joaquin. Mukhang wala sya sa tino nya para mag-salita. "And Lia. Bagay kayo." sabi ko at tumalikod na.
Hindi pa naman ako nal-luha. Pero nasasaktan ako, nili-ligawan nya ako pero ginawa nya sa akin yun? Edi sana di nalamg sya nanligaw kung ganun rin naman ang gagawin nya sa akin. Masakit lang, nag-promise sya sa akin na di nya ako sasaktan pero ginawa nya.
Iniwanan ko silang lahat at dumerecho ulit sa loob ng venue. Nakita ko si Dominic, nilapitan ko sya. "Hi." sobrang lungkot kong sabi. He smiled, "Hello! What's with the face, Miss Bernardo?"
"Nakita ko ba naman yung pinsan mong may kahalikan na iba. At sobrang sakit lang, si Joaquin pa." sabi ko sabay uminom ng drink. Nagulat naman sya, "Shit. I'll be back." sabi nya.
Pinigilan ko sya, "Pupuntahan mo pa? Kung kailan nangyare na?" naluluha na ko, damn. "She's probably drunk. I need to see her." sabi nya.
Hindi ako maka-isip ng maayos. Isang side ko ang nagsasabing tama ang ginawa ko. I dumped Joaquin. Pero sa isipan ko naman, matagal mo ng hinihiling yan. Bakit sinayang mo lang?
Pero tanga rin 'tong isang side ko eh. MALAMANG SINAKTAN NYA KASI AKO KAYA SINAYANG KO. Siya rin ang may kasalanan nyan, hindi ako.
*****
JOAQUIN'S POV
She left. Chichay left. My girl left.
"I have to go." sabi ni Lia pero pinigilan sya ng girls at sinampal sya. "Wow, nanira ka pa ng relasyon. Thank you ah?" sabi ni Charlene. "At grabe nga naman talaga. Sa lahat ng pwedeng landi na ginawa mo, HALIKAN pa ang in-aksyon mo." sabi ni Jade.
"Just drop it." sabi ko. Lumapit naman sa akin si Seth at sinuntok ako. "Pare, hindi ko man gustong suntukin ka pero sana lang alam mo kung ano mga iniisip mo." sabi nya.
Lumapit naman sa akin si Dovan, this time, tumabi lang sya sa akin. "Next time, Joaquin. Wag mong liligawan ang babaeng hindi mo pa sigurado na di mo talaga sasaktan. Nag pangako ka na di mo sya sasaktan. Pero ano ginawa mo? Wala pang kayo, sinaktan mo na agad."
"Mahirap lang kase, niligawan mo agad. May nilalandi ka pang iba." sabi ni Anikka at umalis na yung girls. Naiwan kaming mga lalake dito. "HINDI NYO KASI NAIINTINDIHAN EH." sigaw ko.
Sinuntok ko yung pader sa inis ko, "Oo, nilapitan ko sya. PERO HINDI KO NAMAN GINUSTO NA HINALIKAN NYA AKO AT HINDI AKO MAKA-ALIS. Hawak nya ang kamay ko, hindi ako makapalag. Nang dumating kayo, bigla syang bumitaw at ngumiti sainyo!" sigaw ko.

BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Lover
FanfictionAko yung GirlBestFriend nya na umaasang maging BestGirlFriend nya. - Chichay. // Si Cristina Bernardo o kilala natin sa 'Chichay' ay may lihim na pag-tingin sa kanyang matalik na bestfriend na si Joaquin Padilla. Paano nya ito aaminin sa bestfriend...