She used to ignore him,she doesnt know how much he loves her.
Later he found out who he really is...A King!!!
INTRODUCTION:
Ako si Riza.16 years old.Lumaki ako sa isang medyo magulong pamilya.
Tatay ko pinakasalan lang ang nanay ko dahil buntis ito sa'kin.
Hindi umuuwi si papa sa amin nuon,dun siya umuuwi sa babae niya.
Pero mabuti na rin yun kasi pag nandiyan siya,lagi lang din naman silang nag aaway ni mama.
6 years old palang ako alam ko na'ng nangyayari sa pamilya namin.
Unbelievable di ba?pero totoo yun,maaga akong nag mature.
Hindi mahal ng papa ko si mama ko at galit ako sa kanya.
Gabi-gabi naririnig ko na umiiyak si mama dahil sa sama ng loob,hindi niya alam na alam ko yun.
Kahit wala siyang sinasabi sa'kin tungkol sa pinanggagagawa ng papa ko sa kanya.
Dahil dun,sinabi ko sa sarili ko, hiding-hindi ako aasa sa papa ko,magsisikap ako para sa mama ko at sa kapatid kong bunso.
Ako ang tatayong haligi sa pamilya namin....
at mula no'n,kinamumuhian ko na ang papa ko.
Hindi lang 'yun ang dahilan kung bakit galit ako sa kanya,
bukod sa alam kong inabandona na kami ni papa,
nong 6 years old ako muntik na rin akong ma-rape ng uncle ko.Walang nakakaalam non...
AKO lang.
Do'n mas lalong tumindi ang galit ko sa tatay ko,
siya ang sinisisi ko sa nangyari sa'kin dahil kung nandun lang siya sa amin,
baka hindi ako pinagtangkaan ng uncle ko.
Marami din naman akong kaibigang lalaki,mga pinsan ko nga lang.
At don din nagsimula'ng kumilos at mag-asal lalaki ako.
Hindi ko pinapakita ang kahinaan ko,ni hindi ako umiiyak sa harap ng kahit sino,maski sa mama ko.
Noong 7 years old ako,lumipat kami ng ibang bahay.
Nagpatayo ang lola ko (nanay ng papa ko)ng bagong bahay namin do'n malapit sa kanila para daw matutukan nila ang paglaki naming magkapatid.
Pumayag si mama ko dahil gusto niyang magbalikan sila ni papa.
Ewan ko ba sa kanya,martyr kasi heheh.
HIniwalayan naman ni papa ang babae niya,
pero wala din namang nangyari,don nga siya umuuwi pero lagi namang lasing at nagsisigawan lang silang dalawa palagi.
My mom still end up leaving the house at umuwi nalang sa parents niya.
Habang ako naman halos gabi-gabing naghahanap sa mama ko kahit madaling-araw na.
Umiiyak ako habang naglalakad sa kalagitnaan ng gabi,
takot sa dilim at takot na iwanan kami ng tuluyan ng mama ko.
Please comment po kung ano'ng tingin nyo sa story..salamat pows!!!