Chapter 3

64 1 0
                                    

Ilang araw ko siyang hindi kinausap,sobrang sakit ng ginawa niya.

He's trying hard to make it up to me but I kept rejecting his presence dahil nangingibabaw ang galit ko sa kanya.

Nong magpasukan na,medyo nawala rin ang hilig ko sa pagsusugal dahil natuon naman ngayon ang atensiyon ko sa isang lalaking unang nagpatibok ng puso ko.

Siya si Christian.

Nakilala ko siya noong bakasyon,medyo malapit lang din kasi yong bahay nila sa bahay namin.

Dati ko pa siyang nakikita nong mga bata pa lang kami pero dahil sa City sila nakatira,hindi kami nagkaroon ng pagkakataong magkakilala.

Gwapo sya at matangkad,walang halong biro pero kamukha niya talaga si Harry Potter.

Napansin ko na may gusto rin si Christian sa'kin,palagi kasi syang lumalapit sa'kin at nakikipagkwentuhan.

Madalas rin niya akong puntahan sa bahay namin at nagyayayang pumunta sa beach.

Masaya ako pag kasama ko siya,sa kanya ko natagpuan ang pagmamahal ng isang tunay na lalaki.

Malambing siya at maalaga at naging mag-MU kaming dalawa.

Actually ngayong pasukan dito siya sa school namin mag-aaral,para daw mas madalas pa kaming magkita.

Kaya palagi akong excited napumasok sa school.

Hindi kami sabay kung pumasok kasi iba ang schedule ng klase niya pero tuwing uwian inaabangan niya ako sa may gate at sabay kaming naglalakad pauwi.

Hindi maganda ang love story kong 'to dahil si Christian ay pinsan ko.

Oo,tama kayo umibig ako sa pinsan ko. Minsan nga naiisip ko na sana ampon na lang ako ng mga magulang ko o di kaya'y siya ang ampon para magkatuluyan kaming dalwa.

Pero hindi talaga eh,kahit baligtarin ko ang mundo,,

iisa pa rin ang lahing pinanggalingan namin.

Marami akong naaririnig tungkol sa magpinsang nagkaibigan,akala ko okay lang...

pero hindi pala.

Nalaman ng auntie ko na nagkakamabutihan kaming dalawa  ni Christian kaya pinagsabihan niya akongwag na ulit lalapit sa kanya.

Una nagalit ako,mahal ko siya eh pero naisip ko rin nakakahiya kapag pinagpatuloy ko ang relasyon naming dalawa.

Ganon din ang payo ni kyla sa'kin nong sbihin ko sa kanya ang tungkol do'n,isang malaking kasalanan ang magagawa ko kapag hindi ko 'yon itinigil.

Pinangako ko sa best friend ko na kakalimutan ko na si Christian at maghahanap na lang ng iba but it's not that  easy.

Hindi madaling kalimutan ang first love di ba?

Minsan natatanong ko sa isip ko,

bakit hindi pwede gayong iyong ibang lahi nga pinapakasalan nila ang sariling kapatid para hindi mapunta sa iba ang kayamanan nila,pero bakit kami ni Chris hindi pwede?

Lumipas ang ilang araw na pinilit kong iwasan si Chris,at alam ko namang nahalata rin niya 'yon pero alam din niya kung ano'ng dahilan.

Kahit gano'n he still chose to be with me,hindi na kami sabay umuuwi pero hinihintay niya ako sa may eskinita at hinahatid pa rin niya ako kahit hindi na talaga sa harap ng bahay namin.

Dinadala niya ang mga gamit ko,at palagi niyang hinahawakan ang kamay ko kapag naglalakad kami.

Para sa'kin,kahit ganon lang masaya na ako dahil alam kong hindi talga darating ang panahong magkakasama kami habang buhay.

At dahil nga don,nasisi ko na naman ang papa ko.

Sana kasi hindi na lang niya ako naging anak at hindi siya naging tatay ko eh di sana,baka kami pa ni Christian ang nagkatuluyan.

Hindi nakaligtas kay Kyla ang patago-tagong pagkikita namin ng pinsan ko,

kaya naman kinausap niya talga ako. ''Riza,hindi ba sinabi ko na sayo nuon,bawal ang relasyon ninyong dalawa...'' naalala ko pang sabi  niya sa'kin.Hindi ako umimik,

''...kaibigan kita at ayokong mapasama ka,marami pang lalaki diyan na hindi mo ka ano-ano.. bakit di  na lang sila ang maahalin mo?''dagdag pa nito.

''Kyla,hindi mo nman ako naiintindihan'' sabi ko sa kanya,

''...hindi mo alam kung ano'ng pinagdaanan ko nuon."sabi ko sa kanya,

"...Alam mo ba'ng siya pa lang ang unang lalaking nagparamdam sa'kin ng pagmamahal na kahit kailan hindi ko naramdaman sa kahit sino,kahit sa papa ko?Alam mo bang inakala ko nuon na kahit kailan hindi ako iibig sa lalaki dahil akala ko pare-pareho lang sila,mga walang kwenta! pero nong dumating siya,binago niya ang pagtinginko  sa ibang lalaki...dahil sa kanya natuto akong magmahal at dahil sa kanya naramdaman kong mahalaga ako...'' hysterical kong sabi sa kaibigan.

Hinawakan ako ni Kyla sa balikat,

'' mali ka Riz...there 's still that SOMEONE who truly loves you and has never left you even before...hindi mo lang siya napapansin dahil masyado kang maraming iniisip,masyado kang maraming tinitingnan,masyado kang maraming galit sa papa mo kaya hindi mo maramdaman na mahal na mahal ka ng taong 'to na sinasabi ko sa'yo.''

kumunot ang noo ko,hindi ko naintindihan ang sinasabi niya...

''nagpapatawa ka ba Ky?at sino naman 'yang taong yan na sinasabi mo?''

''...You've known him even before you've realized that you love Christian...sayang at mas una mong pinapasok si Christian sa puso mo bago siya.'' sabi niya na mas lalong nagpagulo sa'kin.

May nagkakagusto ba sa'kin nang hindi ko alam at ang kaibigan ko lang ang nakakaalam non?ang gulo talaga.

''ano bang ibig mong sabihin,Kyla?''

Bumuntong hininga ito at bahagyang ngumiti,

''naalala mo ba yong taong sinasabi ko sayo noon na nagligtas sa mundo at nagligtas sa'kin?''anito.

''...siya rin ang taong sinasabi ko sayo ngayon na nagmamahal sayo ng totoo,na kahit gano ka pa ka makasalanan o kahit ano pa'ng pinanggalingan mo,tinanggap at minahal ka niya at gusto niya na tangapin mo rin sya diyan...''at itinuro niya ang puso ko.

Doon ko naalala ang mga sinabi nya sa'kin nong second year pa lang kami,yung tungkol kay Jesus Christ.

Noong sumali ako sa DVBS malapt sa'min,ito rin ang kinukwento ng mga teachers namin doon.

Pero hindi ko pa talga lubusang maintindihan ang lahat,marami akong gustong itanong sa kanya...

at ngayon gusto kong maintindihan kung ano at sino siya.

Ang sabi ni Kyla sa'kin dati,Dios siya na nagpakatao para iligtas ang mundo mula sa kasalanan nito.

Kapag tinanggap mo siya sa puso mo,mapapatawad ka ng Dios sa mga kasalanan mo.

Pero sa isip ko,wla naman akong masyadong nagawang kasalanan ah,

'yong papa ko yata ang dapat tumanggap sa kanya dahil masyadong marami ang kasalanan niya.

Sa tingin ko hindi pa panahon para tanggapin ko siya o intindihin ang mga salita niya...I'm still young.

The King and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon