Ilang beses kung basahan ako ng bibliya ni Kyla,hinahayaan ko na lang siya.
Nakakamangha nga eh,lahat ng sinasabi niya sa'kin ay tumutugma sa mga tanong ko rin sa buhay ko.
Parang may super powers tong si Kyla pagdating sa bibliya,,sobrang galing kung magsalita,para ba'ng kabisado niya ang lahat ng nakasulat do'n.
PEro kapag namn pinupuri ko siya,lagi niyang sinasabi,''it was'nt me,best..it's Gods''hmmm humble lang talaga siya:)
To be continued...
Please tell me kung dapat ko pa po ba'ng ituloy ang story...:) salamat po (^.^)
Salamat po sa mga nagbasa ng storyang ito...:) Ito na po yung continuation...hope you enjoy and be inspired din po(n_n)
Di nagtagal ay na engganyo na rin akong magbasa ng bible,pinahiram ako ni Kyla at dahil likas na mahilig akong magbasa ay na-enjoy ko ang Old Testament. Cool talaga ang storya,para lang akong nanonood ng movie at sobrang ganda.May action,may love story at kung ano-ano pa,,parang ang bible na yata ang book of all books para sa'kin.:D
Isang gabi ay nagbabasa ako ng book of Joshua sa Bible nang biglang dumating ang papa ko. Lasing na lasing siya...tinatawag niya ang pangalan ko..
"Riza! Riza!" tawag niya.
Hindi ako sumagot...nagsimula na namang mag init ang ulo ko sa kanya...galit ako pag nakikita siyang ganito...para talaga siyang demonyo.
Maya-maya'y narinig ko na lang ang mga basag na pinggan at mga baso...
"Mga bwesit kayong lahat!"
narinig kong sigaw ng papa ko...hindi ako lumabas ng kwarto,,aaminin ko,takot ako sa papa ko kapag galit siya.
"Riza! nasa'n ka ba?!" patuloy na sigaw niya. Hindi pa rin ako sumagot. Pinuntahan niya ako sa kwarto at nang makita niya ako ay agad niya akong hinila palabas.."Andito ka lang pala,ba't di ka sumasagot,,bingi ka na ba hah!"sabay hagis niya sa'kin. Nasubsob ako sa sahig,
"ano ba!" sigaw ko. Hinawakan niya ang buhok ko at hinila patayo. "Papa.." ani ko sa sobrang sakit.
"Ikaw na bata ka,wala kang galang sa'kin.Akala mokung sino kang makaasta!" At hinampas na naman niya ako,nabunggo ang ulo ko sa may pader namin at pagkatapos non wala na akong maalala sa mga nangyari dahil unti-unti ng nagdilim ang paningin ko.
Nang magising ako ay nasa tabi ko na sina mama,lolo at lola ko.
"Riza,anak" agad na tawag ni mama.Medyo nahihilo pa ako no'n. "Apo,kumustang pakiramdam mo?"tanong din nina lola. "Nasan ako....ano'ng nangyari?'' tanong ko habang hawak ang aking ulo.