CHAPTER 6

417 1 0
                                    

Ilang araw pay nakalabas na rin ako ng ospital..sinubukan akong kausapin ng lola ko ulit pero hindi ko sya pinansin. Pumasok lang ako sa kwarto at nagkulong. Nakahiga lang ako sa kama at nakatitig sa kisame...wala akong iniisip, basta nakatitig lang ako sa ibabaw...blanko ang utak ko. Maya-maya pa'y naramdaman ko na lang ang mga butil ng luha na nagsidaluyan sa'king pisngi. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Nung mga oras na 'yon ko naramdaman na talagang nag-iisa lang ako. Walang mapagsabihan sa sakit na nararamdaman ko, walang masandalan,walang maiyakan. Naririnig ko ang sarili kong humahagulhol...thats my only eacape.. sa mga oras na yun, ang pag iyak lang ang tangi kong nagawa.

Napalingon ako sa nakasabit na lubid na pinagsampayan ng aking mga damit. Parang wala sa sariling tumayo at kinuha ko ang lubid. Matagal ko iyong tinitigan...

Maya maya pa'y dahan-dahan ko yung tinali sa bubong at saka sa aking leeg. Masaganang mga luha ang dumaloy sa aking mga mata habang ginagawa ang bagay na yun. Yon lang ang tanging naisip ko para wakasan ang paghihirap...wawakasan ko ang buhay ko.

Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata...isang hakbang na lang at matatapos na ang lahat ng aking paghihirap.

"Huwag !"

Napaigtad akong bigla...lumingon ako sa paligid ng kwarto. Nagtayuan ang aking mga balahibo...sinong nagsalita? Marahil ay guni-guni ko lang yon. Ibinalik ko ang pansin sa lubid...pero may nagsalita ulit..."hwag!"

Nagsimula na akong kabahan. "S-sino yan?" Napaatras akong bigla. Ilang minuto akong nanatiling nakatayo,hanggang sa may narinig akong mga katok sa pintoan. Si mama 'yon,gulat na gulat sya nang makita ang hawak kong lubid.

"anak,anong ginagawa mo?!" anyang dali-daling kinuha ang lubid sa'kin. Hindi ako umimik,niyakap nya ako ng mahigpit habang umiiyak,tahimik ring nagdaluyan ang luha ko sa mga mata.  

Ilang araw na parang paranoid si mama, sobrang alaga nya sa'kin. Mawala lang ako sa paningin nya, nagpa panic na sya agad.

The King and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon