CHAPTER 5

50 1 0
                                    

pinilit kong alalahanin ang nangyari. "si papa?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan silang lahat pagkuwa'y nagsalita si lolo," nasa bilangguan ngayun ang papa mo,di nakip sya ng mga pulis pgkatapos ng ginawa nya sayo."

"napakawalang hiya ng taong 'yon,wala syang karapatang saktan ka o ang mga kapatid mo!" nag ngingitngit sa galit na sabi naman ng mama ko. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ng mga sandaling 'yon. Alam kong muntik na akong mapatay ng sarili kong ama. ..pero alam ko ring hindi nya yun sinadya. Galit ako sa kanya,aminado ako don ,hindi yon nawala. Pero, sa isang bahagi ng utak ko ay may nagsasabing patawarin ko sya...at naintindihan ko ang hinanakit nya. Pero parang mas gusto kong makitang naghihirap sya sa bilangguan para malaman nya na wala syang kwenta.

Maya-maya la'y  nagsalita ulit si lola," apo,alam ko namang hindi tama ang ginawa ng papa mo,pero alalahanin mo rin sanang hindi nya rin ginustong mangyari ang bagay nato..lasing sya at emosyonal, kung hindi ka rin sana pumatol sa kanya di sana walang ganitong nangyari"

nainis ako sa sinabi  nya," so kasalanan ko pa  kung bakit muntik na akong mamatay!" i said it coldly.

Nagkatinginan ulit sila," h-hindi naman sa gano----"

"palibhasa kasi anak nyo sya kaya kinakampihan nyo. kahit alam mong hindi tama ang mga ginagawa nya...yang paglalasing nya,..yan ang dahilan kung  bakit ganito ang buhay namin ngayun!Kung matino syang tao hindi kami makakaranas  ng paghihirap! Kaya wag nyong isisi sakin kung bakit nasa kulungan sy ngayun,dahil sa simula palang...hindi ko kasalanang lasenggero siya!"

pakiramdam ko para akong sasabug ng mga oras na yun. Ang sikip ng dibdib ko....at hindi ko alam kung dahil ba ito sa nailabas ko ang lahat ng gusto kong sabihin.....o dahil gusto kong pagsisihan at bawiin ang mga salitang binitawan ko.

Malungkot at umiiyak ang lola kong lumabas  ng kwarto sa ospital. Sinamahan sya ni lolo,pero walang kumuntra sa mga sinabi ko kanina...and all the more i felt guilty. Nasaktan ko ang lola't lolo ko...ang mama ko,kahit sinasabi nyang galit sya kay papa alam kong tinatago lang nya ang totoong nararamdaman .

Mahal ni mama ang papa ko...at kahit di ko man aminin........mahal ko ang ama ko.

Mabilis kumalat na balita sa lugar namin,nabalitaan rin ng mga kaklase ko ang nangyari,dumalaw din si kyla.

"kumusta ka na ? kalat na sa buong school ang nangyari sayo,lumabas pa nga sa dyaryo ang balita eh at ngayun may mga taga Gabriela ang gustong magsampa ng kaso laban sa papa mo."

hindi ako umimik...gulong-gulo ang utak ko...ang dami kong iniisip. Buong buhay ko hindi pa ako na chismis ng ganito..at wala akong balak sumikat nang dahil lang sa isang nakakahiyang pangyayari. Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang pg.usapan at kaawaan ng ibang tao. "Si papa, sya ang may kasalanan nito" maya-maya'y wika ko sa kaibigan.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni kyla..alam ko kung anong sasabihin nya...at gusto ko syang kontrahin....pero gusto ko ring marinig ang sasabihin nya.

"Naiintindihan naman kita...alam kong sa simula pa man ay galit ka na sa papa mo..." simula nya, "...hindi kita pipigilan sa kung anumang gusto mong gawin...pero hindi ko rin sasabihing tama yan. Hahayaan kita,Ryza"

napatitig ako sa kanya...hindi ako makapniwalang iyon ang lalabas sa bibig nya..akala ko'y kukumbinsihin nya akong patawarin at kaawaan ang ama ko at kalimutan na lang ang lahat...pero sa halip,iba ang sinabi nya.

Napatawa ako ng mapakla,"hindi ko inasahan yan ah,"wika ko na ang mga mata'y nasa ibamg direksyun nakatingin. Nakita ko syang ngumiti ng tipid,'' may sarili kang utak,Ryza...at matalino ka..alam kong gagawin mo ang kubg anumang sa tingin moy makakabuti sayo...at sa pamilya mo..." anya pgkuway tiningnan ako ng diretsu sa mga mata,"..at isa pa...alam kong may natutunan ka na sa bibliyang binabasa mo noon...the word of the Lord does not return to him  void kaya sigurDo akong...mananaig ang pagmamahal mo sa papa mo kaysa sa pride na nandyan s puso mo."

Ako naman ang napatitig sa kaibigan...pano sya nakakasiguro??

The King and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon