No'ng nag second year ako sa high school,nagsimula akong magbago.
Napasama ako sa mga barkada na myembro pala ng fraternity.
Kinumbinsi nila akong sumali sa kanila,
ang alam ko kapag sumali ka sa frat pahihirapan ka muna bago ka makapasok.
Medyo natakot ako,pano kung may mangyaring masama sa'kin?...
dagdag problema lang sa mama ko.
Wala akong pakialam sa tatay ko,
kung ano'ng sasabihin niya o mararamdaman niya
pero ang lage kong iniisipay kung ano'ng mararamdaman ng mama ko.
Mahal na mahal ko siya,
saksi ako sa mga sakripisyong ginagawa niya para lang sa'ming tatlong magkakapatid.
saksi ako sa bawat luhang pumatak sa mga mata niya gabi-gabi kapag nag-aaway sila ng papa ko...
ramdam ko ang sakit sa bawat hagulhol niya dahil hindi siya mahal nito.
Nasabi ko sa sarili ko nuon na hnding-hindi ako mag-aasawa ng katulad niya,
isang lasenggero at walang kwenta.
Pinangako ko rin sa sarili ko na hinding hindi ako magiging katulad niya.
Kaya naman tumanggi akong sumali sa fraternity,
hindi na baleng hindi na nila ako kaibiganin kesa naman masira ang mga pangarap ko para sa mama ko.
So yun nga,hindi na nila ako kinaibigan. Madalas nag-iisa lang akong kumakain ng lunch at snacks tuwing break time.
Don ko naman napansin ang isa kong kaklase na si Kyla.
Masayahin siya kaya naman natutuwa ako sa kanya.
Mula nong iwanan ako ng mga barkada ko,siya na palagi kong kasama.
Alam ko binu-bully si Kyla ng iba naming kaklase pero saludo ako sa katatagan niya.
At isa pang napansin ko sa kanya ay palagi niyang binabanggit ang Diyos sa bawat sasabihin niya.
Hindi ko siya maintindihan,minsan nakakairita din na lagi niya akong binabasahan ng bibliya
..sakit sa tenga.
Nong isang beses, sinabihan niya akong sumunod sa prayers niya,
actually may sinabi siya sa'kin tungkol sa salita daw ng Diyos na tinatanguan ko na lang para matigil na siya,
tas 'yon nga, pinasasabat niya ako sa isang panalangin,sinabayan ko na lang...
iba din ang trip ng babaeng 'to.
Pero habang nagdadasal kami,may naramdaman akong kakaiba,
yung parang pinipiga ang puso ko sa bawat pagsambit ko sa pangalang Kristo.
Pero pinigil ko din ang luha ko,kasi nga ayokong may nakakakitang umiiyak ako...
not even to Kyla...who soon turns out to become my best friend.
Nakakahawa ang pagiging mabait ni Kyla,nagsimula na rin akong matutong tumawa at humalakhak.
Kapag kasama ko siya,don ko lang nararamdaman ang totoong kasayahan.
Nawawala sa isip ko ang mga problema ko sa bahay namin,totoo siyang kaibigan para sa'kin.
Pero hindi ganun kadali ang magbago,lalo na kung paulit-ulit na bumabalik sa'kin ang mga nangyari sa nakaraan.
Nong magbakasyon na,medyo naging wild ako.
May pinsan akong katulad ko rin ang problema,sinasaktan siya ng papa niya na pinsan ng papa ko.
Madalas kaming magkasama,nagpupunta kung saan-saan,nakikipagkilala ng kung sino-sino at sumasama sa mga barkada nyang lalaki.
Doon natuto talaga akong uminom,ang isang bagay na iniiwasan kong magawa ko.
Nag-eenjoy ako nong time na 'yon,pakara-karaoke kasama ang mga bagong barkada at ang pinsan ko.
Tagay rito,tagay doon.Kung umuwi nga ako ng bahay ay madaling araw na,madalas akong napapagalitan ng lolo't lola ko at mga auntie at uncle ko pero kahit sila,hindi ako napatinag.
I fought back to them,I even cursed them to death.
Galit ako sa kanilang lahat,ayoko sa kanila...ayoko sa pamilyang meron ako....
at ayoko sa buhay ko.
Madalas akong umaalis ng bahay namin at hating-gabi na kung umuwi
...nasa'n ako? ayon, nasa sugalan kasama pa rin ang mga kaibigan.
Sa sobrang libang ko sa sugal,naging adik ako nito.
Natuto akong magnakaw ng pera na iniipon ng papa ko.
May alkansya kasi siyang sinabit sa may kwarto nila,
kpag natalo ako sa sugal at naubusan ng pampusta,
kinukuha ko ang mga baryang tigsi-singko sa alkansya niya.
Hindi ako nakaramdam ng takot no'n,wala akong pakialam kung magalit pa siya sa'kin.
Hindi nagsusugal ang papa ko at ayaw niyang natututo kami ng sugal pero huli na ang lahat,
marami na akong nagawa dahil sa bisyo kong 'to.
Pero dahil din sa sugal,nawala ang hilig ko sa alak,naisip ko nga mabuti na yon.
Hindi nagtagal,nalaman nila mama ang bisyo ko...
galit na galit si papa at pinagsisipa niya ako sa balakang.
Lasing kasi siya nong araw na yon.
Minalas talaga! Mas lalo akong nagalit sa kanya,how could he do that to me...
para sa'kin wala siyang karapatang saktan ako.
Iyon ang unang beses na nasaktan ako physically ng papa ko...at hindi ko siya mapapatawad!