Matagal -tagal rin bago bumalik sa'min si mama,sobrang saya ko no'n.
Syempre,ang bata-bata pa namin ng kapatid ko pero ganun na ang pinagdaanan namin,lalo na ako.
And all the more I hated my father kahit alam kong ginagawa na niya ang best niya para magkaayos kaming pamilya,
mahirap pa rin para sa'kin ang kalimutan nalang ang lahat.
Hangang sa mag graduate na ako ng elementary,
my relationship with my father is still cold...
at hindi yun nawala kahit pa sabihing binibigay niya sa'kin lahat ng gusto ko.
Ang tingin ko lang sa papa ko ay financer,kailangan ko lang ang pera niya...hindi siya.
Ang sama ko noh? pero sobrang sakit lang din talga ng ginawa niya samin nuon.
Nong mag high school na ako,sakto namang natapos ang kontrata ng papa ko sa pinagtatrabahuan niya,
nadagdagan pa kami ng isa pang kapatid,
ang mahal pa naman ng gatas,hahahaha.
pero kahit ganun pinili ko pa rin mag-aral sa isang private school kahit alam kong kapus na kami sa pera nuon...
As if may pakialam ako -.-
gusto ko lang talagang pahirapan ang papa ko.
Ganun na nga talaga ka bato ang puso ko na hindi na ako naawa sa kanya,haaaayyyy.
No'ng malapit na ang pasukan,kinausap ako ni papa,
'anak...''anya at naupo sa tabi ko,
kasalukuyan akong tumutugtog ng gitara sa may sala.
''hmm?' sabi ko pero hindi ko siya tinitingnan.
'Gusto mo ba talagang mag-aral sa private school?kasi alam mo namn na wala pa akong mahanap na trabaho ngayun at dalawa kayung pumapasok sa school, tapos yung bunso mong kapatid eh kailangan ng gatas....''
''Ano ba pa?!''nag taas ako ng boses,
ewan ko ba hindi ko talaga matagalan ang pakikipag-usap sa kanya.
''...kung ayaw niyo akong mag-aral eh di wag,,ako ang hahanap ng paraan para makapasok sa school na yun.'' sabi ko at umalis.
Natuloy nga ang pag-aaral ko sa private school sa bayan.
Pero pinanindigan ko rin ang sinabi ko kay papa na hindi ako aasa sa kanya,pumasok ako bilang tindera sa isang tindahan malapit sa'min..para naman may allowance ako araw-araw.
Nag-apply din ako bilang SK Scholar para makakuha ng 50% discount sa tuition fee ng school at sina mama at papa ang nagbabayad sa kalahati.
(hahaha nakakatawa no?sinasabi ko parati na hindi ako aasa sa papa ko pero siya ang nagbabayad ng tuition fee,pero kalahati lang naman yun,pasalamat siya sa'kin.)
Nong mangalahati na ako sa first year, si mama nalang ang naghahanap ng paraan para makabayad sa tuition fee ko,si papa ? ayon bumalik na naman sa pagiging lasengero niya,tsk tsk.
Kahit kailan wala talaga akong maasahan sa kanya.
No'ng bakasyun napasali ako sa isang DVBS ng isang simbahan,masaya dun...
may pagkain,may mga binibigay na mga bagong gamit sa school at may mga laruan din.
Do'n ko lang naramdaman na masaya ako.
Pero yun nga lang hindi rin ako nagtagal sa pagsali do'n dahil naisip kong mag benta ng ice candy para makabili kami ng bigas.
Hanggang ngayun kasi wala pa ring matinong trabaho ang papa ko,kung meron man,nauubos lang din 'yun sa pag-inum niya.
Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang makita siyang lasing...
naiinis ako at pakiramdam ko isang demonyo ang papa ko.
Sobrang tapang niya pag lasing, nangangaway ng kapit-bahay...at sinisigawan si mama ko.
One time nga naalala ko pa,muntik na siyang masaksak ng kainuman niya.
Sa puso ko,alam kong mahal ko siya pero sa tuwing naiisip ko ang pinanggagagawa niya,natatabunan na lang yon ng galit.
Gusto ko na nga siyang mawala na ng tuluyan eh,wala din nman siyang kwentang asawa at ama sa'min.