SURVIVE

30 3 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction based from our movie project back when I was in high school. I just revised it because I can no longer remember the exact scenes and events.

Names and identifying details have been changed to protect the privacy of individuals. Unless otherwise indicated, all the names, places, businesses, events and incidents mentioned in this story are either a product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any similarity or resemblance to actual events or actual person, living or dead, is purely coincidental.

WARNING: Typographical and Grammatical errors ahead.

TRIGGER WARNINGS: This story also contains potentially distressing material and disturbing events and contents that might cause or trigger trauma to the readers, so please be aware and read at your own risk.

START: January 2022
END: February 2022

¤¤¤

SURVIVE

[November 23, Monday]
dali-daling sinagot ni Detective Bane Baylon ang tawag sa cellphone niya. "hello?"

"Detective, hawak na po namin ang suspect. Sugatan po ang kaliwang braso niya kaya dito na po namin siya diniretso sa pinakamalapit na ospital." sabi sa kanya ng isa sa mga kasamahan niyang si Officer Frank Aves.

"okay papunta na ko. wag kang aalis jan Frank, bantayan mo siyang maigi dahil siya nalang ang natitira nating lead sa kaso. maliwanag?" bilin niya dito.

"copy sir." tugon naman sa kanya ni Frank.

Dalawang college students na magkasintahan ang naireport na namatay at tatlo naman ang missing sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite noong Ika bente-uno ng Nobyembre nitong taon.

Pagkatapos ay sunod-sunod na din ang pagkamatay ng natirang mga estudyenteng kasama sa kaso noong ika bente dos ng Nobyembre. At ngayon nga ay tatlo na naman ang natagpuang patay at dalawa ang sugatan.

Isa si Detective Bane Baylon sa na atasang pangunahan ang imbestigasyon sa kasong ito kaya mula sa Maynila ay bumyahe siya papuntang Cavite para puntahan ang suspect sa GMA Doctors Hospital.

pagdating niya sa ospital ay agad niyang pinuntahan ang room number na tinext sa kanya ni Officer Frank Aves.

doon, ay nakita niya ang isang binata. nakaposas sa hospital bed ang kanang kamay at nakatulala habang inaayos ng nurse ang swero niya sa kaliwang kamay.

"kamusta ka? Mr. --..." chineck niya ulit ang binigay na folder kanina ni Officer Aves.

"G-Gilbert po sir. Gilbert Barron." tugon ng binata at matamlay na nag-angat ng tingin kay Detective Baylon.

"ahh... yes. na-contact na namin ang parents mo Mr. Barron at papunta na sila dito." hinatak niya ang stool para makaupo malapit sa kama ni Gilbert.

Saglit na pinasadahan ni Bane ng tingin ang mga dokumento bago ito sinarang muli at nilapag sa isang tabi.

"is it okay if I ask you some questions, Mr. Barron?" tanong niya kay Gilbert ngunit umismid ito sa kanya.

"yun naman ang dahilan kung bakit ka pumunta dito diba?"

Tinaas ni Gilbert and kanang kamay. "pinosasan niyo pa ko. Bakit, tingin niyo tatakas ako? sa dami ng dugong nawala sakin, naisip niyo pang gagawin ko yun?"

Tumawa ng pagak ang binata at nagpatuloy sa sinasabi.

"kung tutuusin nga, gusto ko 'tong maraming nagbabantay sakin eh. at least hindi niya ako mapapatay."

That Unfortunate Weekend [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon