"Unang pagsubok"
"HINDI"
"As in never ko na imagine ang sarili ko sa ganito."
Alas dose ng gabi, balak pasukin ni John Carlo A.K.A. JC ang dorm ng mga babae. Ang ladies dorm ay hanggang 3rd floor, at sa rooftop ang punta ni JC.
"Gusto ko lang naman makisama, yun lang."
"Tas, eto ako ngayon, tsume tyempo makapasok sa ladies dorm ng hatinggabi." Pawis na pawis at halatang kinakabahan si JC na dahan dahang pumapasok sa entrance.
"Letseng initiation 'to sa mga new dormers. Bwesit !" At nakapasok na nga ito ng tuluyan sa ladies dorm, at agad na umakyat sa ikalawang palapag ng gusali.
"WOOO !"
"YEAH !"
"O, SHOT PA SHOT !" Ingay ng mga babae sa isa mga kwarto ng second floor ng dorm.
"Naku po, marami pa palang gising sa kanila, kailangan kong mag ingat, dederetso na ako sa rooftop, para magawa na ang initiation ko, bwesit talaga." Nilagpasan ni JC ang kwarto ng mga babae, kung saan ay hatinggabi na ay nag sasayawan pa rin at nag iinuman. Nang makarating si JC sa ikatlong palapag.
SQUEK !
"Ok, squeky tiles, easy." Kailangang mag ingat ni JC sa paglalakad, kundi ay maririnig sya ng mga dormers. At hindi na nya magagawa ang initiation.
"Easy lang JC, powtek, longest seconds of my life !, sa kada apak ko 1.78 people die, 4.1 babies are born, at milyun na ang namamatay na cells saking katawan!" Napatigil bigla si JC sa paglalakad.
"Nag iinuman ang mga babae sa baba, i'm sure may mga wild na sa kanila, panuorin ko kaya muna, grabe ang gaganda pa naman, at ang iiksi ng suot." Huminto si JC sa isang madilim na sulok at nag isip kung ano ang susunod na gagawin.
"But no!, i-move on, baka makita pa ako ng guard na papasok dito sa ladies dorm, letseng mga initiaton to sa mga new dormers, letse !" At tumuloy na nga si JC papuntang rooftop.
"Lumulutang lutang sa malamig na hangin, nakita kita, labinlimang minuto pasado, hatinggabi sa rooftop ng ladies dorm, nahanap kita. Oo sinampay! nagtagpo rin tayo, ikaw, kayong nagmimistulang mga multo, sa wakas natagpuan ko na!" Nakarating na ng rooftop si JC, agad nyang nakita ang mga sinampay ng mga babaeng nasa ladies dorm, pero iisa lang ang pakay ni JC, ang gawin ang initiation sa kanya, ang makakuha ng underwear.
"Heto na ako, aking mga multo. Oo ikaw ang napili ko" Kinuha ang kulay pink na panty sa sampayan. "Makakupit lang ng panty, matapos lang ang initiation na to, letse, pagkatapos talaga nito, matutu..."
"HOY !"
"Ay puta..." Hindi pa man nakakaalis sa kinatatayuan si JC ay nahuli na agad ito ng isang kakaakyat lang na babae. At ang sumunod na nangyari...
"HAHA !, Tingnan nyo tong nahuli ko, na nangungupit ng panty sa rooftop, anong magandang gawin sa lalaking to ?!" Hawak ng babae ang damit sa likod ni JC at iniharap sa mga kasamahang babae na patuloy pa rin sa pag iinuman.
"Sorry na nga!, initiation lang sakin to, bagong dormer ako." Paliwanag ni JC sa mga nakapalibot na babae.
"Wala kaming pake, hindi nyo man lang naisip ang mawawalan ng underwear dito, habang kayo ay nagtatawan sa kabila." Hinigpitan pa ng babae ang pagkakahawak kay JC.
BINABASA MO ANG
The MVP is a ghost
ParanormalGenre: Fantasy, Romance, Humor, mystery/Thriller, action. The MVP is a ghost A story by JB™ JojoBernas Wattpad Philippines March 2014 © All Rights Reserved