Chapter 11

1.4K 104 6
                                    

                                                            "Gabi ng katatakutan"

3 Points, yan ang unang score ni JC sa sampung minutong paglalaro, binangko sya ulit ni coach johnny bago pa matapos ang mga natitirang minuto ng second half. Merong limang turn over, at apat na foul si JC, muntik pa syang ma foul out sa laro. Wala sa kondisyon si JC, napagod ito sa mahigit apat na oras na byahe mula sa kanilang bahay papuntang dorm, kasama pa ang nakaka stress na pila sa MRT.  Mga pang aasar ni zandro ang isa sa mga dahilan kung bakit din sya nawala sa focus, nagtagumpay si zandro sa ginawa nito, at masyadong nagtiwala si JC sa kakayahang gawin ni ace.

Matapos ang laro, ay nagbihis na ang mga player sa locker room, nilapitan ni james ang nakaupong si JC.

"Totoy, sa susunod kung ganyan lang din ang laro mo, huwag ka nang aasa pang magtatagal sa team." Marami ang nakarinig sa sinabing yun ni james, tumayo si JC at hinarap si james. hindi nagustuhan ni JC ang mga narinig.

"Ano bang pinagsasabi mo, porket ba ikaw ang team captain maninisi ka na, e wala ka rin namang nagawa."

"Anong sabi mo!?" Hinawakan ng madiin ni james ang balikat ni JC. Agad itong nakita ni coach johnny at lumapit sa dalawa.

"Bwesit! ano yan mag aaway pa kayo? lumayo nga kayo sa isat isa, JC matuto kang gumalang sa captain mo, at ikaw james iwasan mo na ang pagiging maangas sa mga baguhan." Tinapik ni coach johnny ang kamay ni james sa pagkakahawak sa balikat ni JC.

"Pasensya na coach." Sabay pang sagot ng dalawa. Hindi na nagpansinan ang dalawa at nagsilabasan na sa locker room.

Minsan kapag talo, hindi maiiwasan ang finger pointing, turuan kung sino ang nagpatalo o malas sa laro, at mas dama mo ang sakit ng katawan kapag talo. Maghahatinggabi na, wala sa isip ni JC ang usapan nila ni ace, tanging nasa isip nito ay ang pagkatalo nila, naisip din nito na tila hindi sya tinulungan ni ace kanina sa laro.

Sampung minuto pasado hatinggabi, lagpas kalahating oras nang tulog si JC, dahil sa hindi ito nagpakita kay ace sa rooftop, kung saan ay nagsabi si ace na may pag uusapan silang dalawa pagkatapos ng laro. Si ace na ang pumunta sa kwarto nina allenn at JC, tumagos ito sa pinto at agad na nilapitan ang mahimbing nang natutulog na si JC.

"Parang binalewala ako ng totoy na to a, masasayang ang pagtulong ko dito kung hindi nya ko matutulungan, kailangang magising to at magkausap kami. Kung kelan may mga nakuha na kong impormasyon sa pagkamatay ko e tsaka naman ako tutulugan nito." Matapos na lapitan si JC ay naglakad si ace patungo sa bintana at tumagos ito palabas, ilang minuto ang nagdaan nag ring ang cellphone ni JC.

RiiiiiiNG !!!

"Powtek si anne talaga o, tumatawag pa rin." Kinapa ni JC ang cellphone sa ulunan nito, nang makita ang screen ng cellphone ay nagulat ito sa nakita.

"Huh, sino naman to?" Akala nya ay si anne ang tumawag, sinagot nito ang tawag, numbers lang ito at malolowbatt na rin ang cellphone.

"Hello, sino to? paki bilisan na lang, malolowbatt na ko."

"Nasa rooftop na ko kanina pa kita hinihintay, diba may usapan tayo pagkatapos kitang tulungan, tutulungan mo rin ako." Si ace ang tumawag kay JC.

"Ace? aba may cellphone ka?"

"Hindi na importante yun, umakyat ka na dito, wag kang mag alala may suot akong maskara, di mo makikita tong mukha ko."

"Bukas na yan, pagod ako."

"Kung ayaw mo? akong bababa dyan. Umakyat ka na kasi kailangan ko ng tulong mo."

"Tulong? e hindi mo nga ko tinulungan kanina, pagod na pagod na ko, three points lang ang nagawa ko tapos nun, sablay na lahat ng tira ko puro turn over na hindi na ako nakasabay kay zandro, pwede ba ace sa iba ka nalang humingi ng tulong, sa iba ka nalng mag multo." Pagkatapos magsalita ni JC ay papatayin na nya ang tawag ni ace, pero bago pa nya gawin yun ay nakita na nyang naka off ang cellphone, wala ng baterya.

The MVP is a ghostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon