Chapter 7

1.7K 137 12
                                    

                                                           "Rebound"

"5'3" female about 125 pounds. Full perky breasts, D cups. Tone thin legs. A small and tight behind. Average size. Dark brown long wavy hair. Tan skin. Big brown eyes. A small button nose. Full lips. pearl white teeth and a perfect smile." Yan ang physical description nya kay ynna. Matapos nya tong makausap ng maikli sa gym, ay hindi na to mawala sa kanyang isipan, hanggang sa pagtulog nito.  "Hays, grabe na tong imagination ko, iba na talaga kapag varsity player ka, ang dami mong chix na makikilala. Pero paano si anne, kung kelan naging malapit na kami sa isat isa tsaka naman papasok tong si ynna. Gash, pwede bang dalawa na lang sila." Natulog na si JC, at kahit na nanduon sa bintana si ace at gusto nya itong kausapin ay hindi nya inistorbo si JC, kailangan nitong makabawi ng lakas para sa mga susunod na ensayo.

Tila malalim ang iniisip ni ace habang nakatingin sa mga bituin, siguro ay nakikita nya ang sarili kay JC nung nagsisimula pa lang ito sa paglalaro ng basketball sa M.U., o may mas malalim pang iniisip ang multong si ace.

"Ganyan na ganyan din ako tulad ng kay JC, determinado sya sa gusto nyang gawin sana di magbago yun, ang makatulong sa magulang ang prayoridad nya, at ang makakuha ng full discount sa tuition fee ang gusto nito. Lahat ng yun ay nagawa ko na, sa tatlong taon ko dito sa M.U. tatlong taon din kaming nag champion at tatlong beses din akong naging MVP, hindi na nasundan yun ng maaksidente ako. Masakit din sakin na makita ang mahal ko na umiiyak, habang ako ay ibinababa sa libingan ko." Si ynna ang tinutukoy ni ace, GF nya ito nung nabubuhay pa sya. "Sa dami ng manliligaw nya, kasama na dun si zandro na aking teammate, ay ako ang pinili nya kaso nga lang di kami nagtagal, tatlong buwan lang naging kami, ng dahil sa aksidenteng yun maraming nasayang. Pero ang pinakamasakit a lahat ang makita kong lumuluha ang aking mga magulang saking pagkawala, nag iisa lang akong anak at binigo ko sila." Nagtagal si ace sa pagkaka istambay sa bintana ng kwarto nina allenn at JC, na kapwa mahimbing na natutulog.

"Nang ako ang pinili ni ynna, dinamdam ni zandro ang nangyari, pakiramdam nya ay talo ko na sya  sa basketball, ay talo ko pa rin sya pagdating kay ynna. Pero masaya pa kaming dalawa nung huli naming pagsasama sa victory party ng team apat na taon na rin ang nakakalipas." Nagbalik tanaw ang lahat kay ace, ang huling mga sandali bago sya namatay.

"Nag iinuman kami kasama ng team, kahit na hindi ako mahilig uminom ay napainom na rin ako bilang pakikisama sa team konti lang ang ininom ko mga tatlong bote lang ng beer. Nawala na siguro ang galit sakin ni zandro ng magchampion kami nung araw na yun. Tandang tanda ko pa nung gabing yun, hatinggabi na nang matapos ang party marami na rin ang nag uwian, iilan na lang kaming natira sa party. Mga alas dos na ko nakalabas nauna ng umuwi si ynna kasama ng kanyang mga kaibigang babae, kaya ako na lang mag isang umuwi sakay ng aking kotse. Mag isa akong nag maneho pauwi sa dorm, at dahil sa kalasingan hindi ko na alam ang nangyari matapos na makatulog ako habang nagmamaneho. Naaksidente na pala ako bumangga sa isang malaking puno ang sinasakyan kong kotse, aksidente ang unang pinaniwalaan ng lahat. Pero ng muling masuri ng mga imbestigador kasama ng aking papa ang aking kotse, may mga nakita silang butas sa likurang gulong na hindi gawa nung na aksidente ako, at ng ma autopsy naman ako may natagpuang coccaine substances, hindi naman ako nag take nun, siguro may naglagay sa inumin ko na nag dulot ng aking sobrang pagkahilo at pagkaantok sa byahe." Pero walang sapat na ebidensya ang mga pulis at ang papa nito para masabing my foul play sa nangyari kay ace. Naisip din ng magulang ni ace na nag titake ng drugs ang kanilang anak, masakit yun para kay ace.

"Aalamin ko ang lahat, naniniwala akong may mga tao sa likod ng aking pagkamatay. At sana matulungan ako ni JC."

9:00AM, tulog pa rin ang dalawa sa kwarto, palibhasa ay walang klase, sinulit nila ang pagtulog.

The MVP is a ghostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon