Chapter 6

1.7K 148 17
                                    

                                                         "Campus crush"

Alas syete na ng umaga gising na si allenn, handa ng pumasok mula sa pang alas otso nitong english class, pero si JC mahimbing pa rin ang tulog.

"Tsk, puyat nanaman siguro to." Sabi ni allenn habang pinagmamasdan ang tulog na si JC. "Hoy! Gising, wag mong sabihing aabsent ka nanaman, ginising na kita baka magtampo ka na sakin nyan."

"@#%$! naman, kung kelan makikiss na kami ni anne. Powtek panaginip lang pala."

"Ayos, gawin mo sa totoong buhay yan, bibilib ako sayo. Promise!"

"Papasok ka na ba?, ge hahabol na lang ako, lagi namang late yung prof natin dun e." Nakangiti itong pumasok ng banyo.

"Anong ngini-ngiti ngiti mo dyan."

"Magkatext kami ni anne kagabi, hehehe."

"Kaya naman pala, puyat ka na naman. Atleast sa text may lakas ka ng loob na magtapat sa kanya, ano nagtapat ka na ba ng pag ibig kay anne."

"Ang bilis naman, friendship muna, tsaka di ko pa ka close si coach. Ayokong mapahamak."

"Ano namang pinag usapan nyo?, bilis mag kwento ka."

"Nung una tumawag ako, kala ko yari ako kay coach johnny, sya kasi ang unang naka sagot ng phone ni anne, buti nalang, hindi agad ako nakapag salita at naibaba ko ang phone. Maikli ang una naming pag tetext, akala ko nga kinabukasan na sya mag tetext, matutulog na sana ako nang bigla syang nag text, dun na namin napag kasunduan na magkaroon ng tawagan sa isat isa, sakali mang nasa tabi nya si coach at ako ang kausap sa phone o ka text, atleast hindi nya malalaman na ako yun diba, hehehe." Nagkekwento si JC habang naliligo.

"Eh ano namang tawagan nyo aber."

"Ganito yun. Hehehe"

"Hello pare!" Text ni JC.

"Bakit panget?" Text ni anne.

"Swanget ka!, hahaha." 

"Tsk, mamatay ka na, hehehe."

"Mauna you!."

At yun nga ang ilan sa mga text message nila kagabi, at ang kanilang tawagan.

"Grabe pag ibig na nga itu, pwede mong ikamatay, hahaha, astig!" Reaksyon ni allenn sa mga kwento ni JC habang naliligo.

"Sa totoo lang, naiilang ako kung liligawan ko ba sya o hanggang friends lang talaga, si coach kasi inaalala ko, pano ako makakapg focus sa laro kung nandyan naman ang papa ng magiging GF ko."

"Sus, yun lang pala e, wag kang matakot dun, mukha naman talagang mabait si coach johnny e. Ikaw lang tong matatakutin. May ok kung ligawan mo muna ang mga parents ni anne, at unahin mo si coach."

"Loko!, gusto mo ng sapak?" Sampung minuto bago ang english class, naglalakad na ang dalawa sa pasilyo ng mapahinto si JC sa nakita.

"Lenn, teka."

"Bakit nanaman?"

"Sino yung magandang babae na yun, yun o." Tinuro ng nguso ni JC ang isang estudyanteng babae na pababa ng hagdan, mala maria mercedes ang buhok, may maamong mukha at puti na tulad ng sa labanos.

"Ah si ano."

"Sino lenn?, kung hindi mo kilala,  pakilala tayo pero ikaw ang makipag usap, nahihiya ako."

"Sus, ang hilig mong tumingin sa mga babae dito, napaka torpe mo naman. Tara na mali-late na tayo sa klase tsaka sa ganda nyan, tiyak hindi tayo papansinin nyan."

The MVP is a ghostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon