"The challenge (Part 1)"
Nag iisa sa kanyang kwarto si JC, nakahiga sa kama at nagmumuni muni, naalala nito ang naging usapan nilang mag ina sa telepono.
"Sabi ni mama sa akin ng minsang nag usap kami sa telepono, tumuldok talaga sa utak ko ang kanyang mga sinabi, isang magandang payo mula sa minamahal kong mama."
"Huwag mong iisiping nag iisa ka lagi, tandaan mo JC, lagi kang kasama sa mga dasal ko. Na sana ay lagi kang nasa maayos na kalagayan. Nakakakain ng sapat at walang problema sa mga grades." Isa sa mga dayalogo ng mama ni JC sa kanya.
"Ok na sana ang mga naunang sinabi ni mama, medyo na guilty lang ako at nakaramdam ng asar sa sarili sa mga huling sinabi nya."
"Anak, nandito lang kami ni papa mo sumusuporta sayo, pati na rin si riray. No matter how bad you are, kahit gaano ka pa katamad gumawa ng mga assignments mo at mag review. Wag mong iisipin na hindi ka na makakapasa, mag tiwala ka sa sarili mo. Yung pagiging tamad mo na lang siguro ay magsisilbing maling halimbawa sa mga kaklase mo o mga kaibigan mo dyan, let others learn from you."
"Powtek! Ginawa pa akong bad example ni mama. Naisip ko tuloy bigla, parang isang bad example ang pagkatao ko, hayss... Sana magkaroon na ng magandang resulta ang pagtulong ko kay ace, atleast kahit sa isang patay ng katulad ni ace ay maging good example naman ako. At sana makuha ko na ang full discount sa tuition fee ko nang may maipagmalaki na kina papa lalo na kay mama."
Nagtalukbong ng kumot si JC at pumikit.
Isang araw ang lumipas, kinagabihan ay muling nag usap sina JC at ang kanyang mama sa telepono. Konting pag uusap tungkol sa gastusin sa dorm. Lumipas pa ang ilang mga araw, nawala na rin kahit papano ang asar ni JC, pero nanumbalik sa kanyang alaala ang sinapit kay katrina. Ang pakikipag relasyon kay katrina ay hindi naman talaga kasama sa mga plano na tinuro ni ace, tanging pag eensayo lang sa panliligaw ang dapat na nangyari. Kasalanan na ni JC na mahulog agad ang loob nya sa babae, pero nagkamali sya at muli naging rebound nanaman si JC.
Ang hindi alam ni JC, si katrina ay hindi nawawalan ng boyfriend. Mula ng magdalaga ay hindi na ito naging single, alam itong lahat ni ace na isa na rin sa mga naging BF nya dati.
Tanghaling tapat, habang naglalakad si JC papuntang library, ay nahinto ito sa kanyang paglalakad ng makita ang mga babaeng naglalakad ng naka P.E. Uniform, at isa sa mga ito ay si anne. Muli nyang nakita si anne, dahil naging abala ito sa mga gawain sa eskwela.
"Anong sports kaya ang lalaruin nila?" Tanong ni JC sa sarili, at patuloy pa rin ang pagtitig nya sa dumadaang si anne.
"Mabuti pa ay tingnan ko, parang sa tennis court sila papunta."
Sinundan ni JC ang mga estudyanteng babae. Nasa bandang gitna si anne habang nakikipag kwentuhan sa mga kaklase.
"Wow, sa basketball court pala sila pupunta, ayun nakita ko na ang teacher nila may bola na ngang dala. Bakit kaya dito sila maglalaro sa labas at hindi sa gym mabuti hindi masyadong mainit ngayon."
BINABASA MO ANG
The MVP is a ghost
ParanormalGenre: Fantasy, Romance, Humor, mystery/Thriller, action. The MVP is a ghost A story by JB™ JojoBernas Wattpad Philippines March 2014 © All Rights Reserved