Chapter 5

530 67 23
                                    

Crystal's POV

"Gusto mo ba kumain?" tanong ni Baekhyun sa akin.

"Ok lang ako." sabi ko sa kanya.

"Kain tayo." sabi ni Luhan.

"Huh?"

"Kumain muna tayo. Gutom ka na ata eh. Wag kang mahiya sa amin."

"Oo nga. Kanina pa tayo naglalakad dito. Pagod ka na ata." sabi ni Baekhyun.

"Hindi, ok lang talaga ako." nahihiya kong sabi.

"Eyyyyy... Tara na nga~" sabi nila.

Hinawakan nila ang magkabilang braso ko at hinila papunta sa isang kainan.

"Yah! Anong ginagawa niyo?" sigaw ko.

"Huwag kang maingay. Baka mamaya, mapagkamalan pa kaming kidnapper."

Ano bang ginagawa ng dalawang to? Kailangan talaga manghila? Sapilitan talaga? Kulit eh~ Ang sweet naman nila! 

Nakarating na kami sa kainan at umupo sa pinakagilid kung saan hindi kami gaano makikita ng mga tao.

'"Ano gusto mong kainin?" tanong ni Baekhyun.

"Kayo bahala." sabi ko

"Sige."

Pumunta si Baekhyun sa counter at umorder. Anong inorder? Hindi ko alam.

After 5 minutes, bumalik na si Baekhyun at may dalang....

"Tada! Jjajangmyun! Nakain ka naman nito diba?" tanong niya habang nilalapag ang mga plato sa mesa namin.

"Oo naman." ngiti ko.

Kumain kami ng tahimik. Pagkatapos naming kumain ay bigla akong tinanong ni Luhan.

"Kailangan mo ba ng trabaho?"

"Bakit?"

"Umm, kailangan kasi namin ng assistant. Baka gusto mo na ikaw na lang."

"Gusto niyo na maging P.A niyo ako?" tanong ko.

"Hindi P.A. Assistant." biglang singit ni Baekhyun.

"Ano bang pinagkaiba nun? Diba ang P.A, Personal Assistant?" pagtataka ko.

"Pag P.A, ikaw ang gagawa ng lahat. Maglilinis, Sasama sa amin palagi, Mag aayos ng schedule, Gagawin lahat ng gawaing bahay, etc. Pag assistant naman, sasama ka sa amin kapag may schedule kami. Kung sakaling magkaroon ng problema, ikaw ang mag aayos. So ibig sabihin, mas maganda ang assistant ^_^." paliwanag ni Baekhyun.

"Ganun?" taas kilay ko.

"Oo, Ganun ^_^." 

"So.. Gusto mo ba?" tanong ni Luhan.

"Pwede bang pag isipan ko muna?" 

"Sige, ok lang. Pero kailangan mo na agad maisabi sa amin ang sagot mo."

"Bakit naman?" Nagmamadali? Excited?

"Baka kasi makahanap na ng bago ang manager namin. Uunahan na namin siya. Haha~" sabi ni Baekhyun.

"Bakit mo pa siyang kailangan unahan?"

"Kadalasan kasi ang mga pinipili niyang assistant, lalaki, tapos matanda pa, gaya niya. Hahaha! At saka mas gusto naman kita." banat ni Baekhyun.

"Ahh.. >_<"

Binigay nila sa akin ang kanilang number para daw masabi ko sa kanila kung papayag ba ako o hindi maging "assistant" nila.

Pagka tapos nun umalis na kami sa kainan at naglakad lakad pa. Maya maya naisipan na naming umuwi. Syempre, gabi na eh. Alangan naman hanggang bukas kami mag lakad. Nakakapagod kaya.

"Alam niyo ba ang daan pauwi?" tanong ko.

"Oo naman. Ikaw?"

"Oo."

"Gusto mo ihatid ka pa namin?"  sabi nilang dalawa.

"Hindi na kailangan noh. At saka baka hinahanap na kayo ng EXO at ng manager niyo."

"Oo nga noh? Gabing gabi na! Lagot na tayo! Hala!" natatarantang sabi ni Baekhyun.

"Sabi ko sa inyo eh. Sige, Bye na."

Nag paalam na kami sa isa't isa at umuwi na. Nakapatay lahat ng ilaw nang nakauwi ako. Tulog na ata sila mama. Buti naman! Ligtas ako, hindi ako mapapagalitan~ Haha!

Umakyat na ako sa aking kwarto at dumiretso na sa kama. Habang naghahanda na akong matulog ay biglang pumasok sa isip ko si Luhan at si Baekhyun.

Payag kaya ako na maging "assistant" nila? Summer vacation kasi ngayon. Nakakatamad naman kung wala akong gagawin. Makakatulong pa ako kanila eomma kapag nagkaroon ako ng trabaho.

Kaya lang, sa isang artista ako magtatrabaho. Sa isang boy group pa. Alam mo naman ang mga fangirls, makakita ng isang babae sa tabi ng kanilang mga bias, aawayin ka na agad. Baka mamaya, makita ako ng mga fangirls sa tabi ng EXO, gerahin pa ako ng mga yun. Pero hindi naman siguro sila papayag na masaktan ako diba? Meron naman sigurong security dun.

Pagkalipas ng atleast 15 mins, ay nakapag desisyon na ako. Tama kaya itong gagawin ko? Kinuha ko ang aking cell phone at may tinawagan. 

Ringg Ringg~~

Ring Ringg~

Ring Ding Dong~~

Ring Ding Dong~~ 

Tagal naman sagutin.

Ring Ringg~~~

Sa wakas sinagot na!

"Hello?" isang inaantok na boses ang sumagot.

"Hello po. Pwede po bang makausap si Baekhyun?"

"Sino ito? Paano mo nalaman ang number niya?!" sabi sa kabilang linya na parang nagagalit.

"Ako si Crystal Lee. And by the way, Hindi ako sasaeng o kung ano man ang iniisip mo. Ako ang kasama nila Baekhyun at Luhan kanina. Pwede bang pakisabi sa kanila na kailangan ko silang kausapin?" 

"Sandali."

"Sino po ba ito?"

"Suho."

Ahhh.. Suho? Diba siya ang leader ng EXO? Napaka protective at strict naman niya.

Nakarinig ako ng mga kaluskos at mahinang boses sa kabilang linya. Pagkatapos ng ilang segundo, may nag salita na.

"Yeoboseyo?" isang inaantok na boses ang sumagot sa telepono.

"Si Baekhyun ba ito?" tanong ko.

"Ne. Si Crystal Lee ba to?"

"Yup. Sorry kung ginising kita ah."

"Okay lang. Napag isipan mo na ba yung tungkol sa assistant?"

"Actually may gusto lang akong itanong sa iyo." sabi ko. Kanina pa kasi ito bumabagabag sa isip ko.

"Ano yun?" tanong ni Baekhyun.

"Hindi ba ako mapapahamak kapag naging assistant niyo ako? Alam mo na, yung mga fans niyo." tanong ko.

"Hindi yan. May security naman dito sa SM."

"Ahhh...."

"So ano? Payag ka?"

Sure na ba talaga ako sa aking desisyon? Sana hindi ko ito pagsisisihan.

"Sige. Payag na ako maging assistant niyo."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pls. Vote and Comment po.

Is this Fate? ( EXO Fanfiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon