Chapter 10

497 58 26
                                    

Crystal's POV

Ohmaygawd. 

Oh my Gawd.

Oh my freaking Gawd.

Did that really happen? O nagmamalik mata lang ako?

Hindi ko pa makalimutan ang pangyayaring yun hanggang ngayon. Sabado ngayon which means wala akong pasok kaya pwede akong magmukmok hanggang gusto ko. Haha. Kanina pa ako namomroblema dahil sa kanya.

Nararamdaman ko pa rin ang labi ni Luhan sa mga pisngi ko. (O//O) . Waaahhh! Asar asar. Tumigil ka nga! Wag mong isipin yung lalaking yun. Wag!

Bwisit talaga yung lalaking yun. Matapos niya akong halikan sa pisngi ay umalis na kaagad siya. Pagkatapos nun hindi ko na ulit nakita ang EXO. Pinauwi na kasi ako ng mga staff. Kaya na daw nilang ihandle sila. 

Humanda ka talaga sa akin! Pag nakita kita, hahambalusin talaga kit--

"Crystal!" winawagayway ni Leah ang kamay niya sa mukha ko. Bigla namang naputol ang aking pagiisip.

"Oh bakit?" tanong ko sa kanya.

"Kanina ka pa tulala. Kinakausap kita kanina, hindi mo naman ako sinasagot. Pagtingin ko sa iyo, may sarili ka nang mundo. Hindi mo na ako pinapansin. Hmmph." pout niya.

"Sorry na~ May iniisip lang kasi ako." yan kasi Crystal. Wag mo na ngang isipin ang lalaking yun. Nagalit pa tuloy ang bestfriend ko.

"Ano ba yang iniisip mo at talagang natulala ka pa? O kaya sino?" she wiggled her eyebrows at me.

"Anong sino ka diyan? Wala ah. Hindi naman yun importante." sabi ko habang iniiwasan ang kanyang tingin.

"Wehh?"

"Oo nga. Nga pala, saan nga ulit tayo pupunta?" change topic ko. Nandito kasi kami sa kalsada ng Seoul. Naglalakad lakad lang.

"Sa Myeongdong."

"Anong gagawin natin dun?' 

"Shopping. Ano pa ba?" she rolled her eyes.

"Ok."

Sumakay na kami sa bus para makapunta na sa Myeongdong. Sa mga hindi po nakakaalam, ang Myeongdong po ang biggest shopping capital ng Korea. Halos lahat na ng mga gusto mong bilhin ay nandoon na.

Pagbaba namin sa Myeongdong ay hinila agad ako ni Leah papunta sa park ng Myeongdong ( I don't know kung may park ba talaga sa Myeongdong pero kunyari meron na lang. Haha ^_^ )

"Teka Leah, diba nandun ang shopping area? Bakit tayo nandito?" sabi ko habang nakalingon sa mga shops sa likuran namin.

"Basta. May surprise ako sa iyo." excited niyang sabi. Naglakad pa kami ng ilang metro nang tumigil si Leah sa isang stage.

"Tada~~"

What the.

"Ano to?" tanong ko kay Leah.

"Mini Concert ng EXO. Duh?" What? Bakit hindi ko alam to? Naturingang P.A ng EXO pero hindi ko man lang alam ang kanilang mga schedules.

"Bakit hindi ko to alam? I mean bakit parang hindi naman ito nabalita?" tanong ko.

"Surprise event daw kasi ito. Kagabi lang kaya ito pinost sa SNS. Buti na lang online ako nun." tuwang tuwa pa ang bruha.

Hindi naman ganun kalaki ang stage kasi mini concert lang naman daw pero kapag tumingin ka sa malayo halata mong EXO concert. Pano ba naman, may napakalaking banner ng EXO sa stage. Pumunta na kami malapit sa stage at humanap ng magandang pwesto. Medyo marami rami nang tao ngayon pero dahil magaling sumingit si Leah, napunta kami sa harapan.

Is this Fate? ( EXO Fanfiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon