Chapter 6

502 63 28
                                    

Crystal's POV

"Miss, alam niyo po ba kung saan ang address na to?" tanong ko sa isang babae na nakasalubong ko habang hawak ang isang papel.

"Ayy naku, malayo pa po yan. Nandun pa sa kabilang kanto." paliwanag niya.

"Talaga po? Sige, Salamat po."

"Sige." sabi ng babae at umalis na.

Ano ba yan! Ang layo layo pa pala. Kanina pa ako naglalakad dito eh. Hindi na matapos tapos ang kalsadang to. Nakakaasar naman kasi si Baekhyun eh! Address lang ang binigay sa akin. Malay ko ba dito kung saan ang dorm nila? Ganito kasi ang nangyari.

--------------------------------------------------------

"Sige, payag na ako."

"Talaga? Payag ka na?" excited na sabi ni Baekhyun.

"Oo nga. Makulit. -_-"

"Hehe. So, ganito ang mangyayari. Sinabi ko na sa manager namin na may nahanap na kami. Nung una, hindi pa siya payag kasi hindi naman daw sure kung papayag ka pero buti naman at pumayag ka. Ang magiging sweldo mo kada buwan ay *****. "

"Talaga? Ang mahal niyo naman magpa sweldo. Yayaman ata ako dahil sa inyo ah."

"Ayaw mo? Bawasan natin, gusto mo?"

"Ito naman hindi mabiro. Joke lang ^_^v."

"Haha~ So, kailangan na sa dorm ka na namin ng 7:00."

"7:00? Ang aga naman~~" angal ko.

"Ganun talaga. Kailangan maaga kami para matapos na agad ang mga schedule namin. So, back to the topic, ang pasok mo ay 7:00am - 5:00pm."

"7:00 hanggang 5:00 , nasa dorm niyo lang ako?"

"Oo. At kung may schedule man kami, which is all the time, kailangan kasama ka namin."

"Ahh ok. Kailan ako magsisimula?" tanong ko.

"Bukas."

"Ok. Saan ba ang dorm niyo?"

"Ahh oo nga pala. Bukas pumunta ka sa address na to." tapos nun ay sinabi niya sa akin kung saan ang dorm nila.

"Saan ba ang lugar na yon?"

"Hindi mo ba alam?"

"Hindi eh."

"Una kailangan mo muna sumakay sa bus papuntang Seoul tapos----"

"Tapos ano? Yeoboseyo? YEOBOSEYO?" binabaan niya ako? Asar yun ah. 

Sinubukan ko siyang tawagan ulit pero walang nasagot. Nakakaasar talaga! Bahala na nga bukas. Aja!

----------------------------------------------------------

So yun ang dahilan kung bakit ako naliligaw ngayon. Kanina pa ako paikot ikot sa address na binigay sa akin ni Baekhyun pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makita ang dorm nila. Hayy buhay~

After 30 minutes, nandito na rin ako sa dorm nila. Sa wakas! Halos lahat na ata ng tao sa Seoul napagtanungan ko na. Kapagod.

Pumasok na ako sa loob ng building. Ang sabi sa akin ni Baekhyun sa 3rd floor pa daw sila. Kailangan ko pa pala mag elevator. Buti na lang walang mga fangirls dito.

Pumunta na ako sa elevator at nakarating na sa 3rd floor. Hinanap ko ang room ****. Nasa pinakadulo ng hallway pa pala ang room nila. 

Nandito na ako sa harap ng room ng EXO. Nagdoor bell na ako at naghintay na may magbukas. Hindi ko alam pero medyo kinakabahan ako.

Nakarinig ako ng ingay at kalabog sa loob ng dorm nila. Maya maya bumakas na ang pintuan at sumalubong sa akin ang masayang mukha ni Baekhyun.

"Annyeong!" masayang bati niya.

"Annyeong! ^_^" bati ko.

"Pasok ka. Ipapakilala kita sa mga members."

"Sige." sabi ko at pumasok na sa loob ng dorm nila.

Sobrang kalat talaga ng dorm nila. Akala mo dinaanan ng bagyo. Pagpasok ko nga sa loob, muntikan na akong madapa, buti na lang nasalo agad ako ni Baekhyun. Pano ba naman, sa harap ng pintuan nila, ang dami daming mga sapatos ang nakalagay. Tiangge ba to? Tumingin ako sa dorm nila. May mga pagkain sa mesa, hindi na hugasan ang mga plato, may mga damit ding nakakalat.

"Sorry kung makalat ang dorm namin ah. HINDI KASI NAGLILINIS ANG MGA IBA DIYAN EH." nilaksan niya ang part na yun na parang nagpaparinig.

"PARANG IKAW NAGLILINIS AH!" may sumigaw pabalik.

Pumunta na kami sa living room nila at nakita ko na ang buong EXO. Yung iba sa kanila nanonood ng TV. Ang iba naman nilalantakan ang mga pagkain. At yung mga isip bata naman, naghahabulan. -_-

Nang nakita nila ako na papasok habang kasama si Baekhyun ay bigla silang napatahimik. Ang kaninang magulong EXO ay ngayong tahimik na EXO.

"Guys, siya nga pala si Crystal Lee. Ang magiging assistant natin." pagpapakilala sa akin ni Baekhyun.

"Annyeonghaseyo, Crystal Lee imnida." pagpapakilala ko.

"Waahh~ Yeppuda! *_*" sabi nila sa akin.

Bigla naman akong napablush at nakaramdam ng hiya. (O//O)

"Kamsahamnida." ngiti ko.

"Tayo naman magpapakilala." sabi ni Baekhyun

"We are ONE. Annyeonghaseyo EXO imnida." pagpapakilala nila. Kasama rin si Baekhyun. Kulit kulit talaga ng lalaking yun eh.

Pagkatapos nun, isa isa silang nagpakilala sa akin. Ang kukulit din pala ng mga lalaking to eh. Kahit ngayon lang kami nagkakilala, pakiramdam ko mag-eenjoy pa rin ako sa presence nila.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pls. Vote and Comment.

Is this Fate? ( EXO Fanfiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon