Chapter 9

520 56 27
                                    

Crystal's POV

"Bilis bilisan niyo na! Baka malate pa tayo!" sigaw ng isang babae sa loob ng dorm. Huh? Sino tong babaeng to? Ang aga aga sumisigaw agad.

"Handa na ba ang mga outfits nila?" 

"Ang van nandito na ba?"

"Bakit wala pa rin ang mga script? Hanapin niyo yun!"

Sari saring mga boses ang narinig ko pagka pasok na pagka pasok sa dorm ng EXO. Karamihan sa kanila ay paikot ikot sa loob. Hindi alam kung ano o nasaan ang mga hinahanap nila. Ang dami ring mga nakakalat na damit. Outfits ata nila ito para sa kanilang performance. May mga patong patong na papel din na nakalagay sa mesa. Madami rin sa kanila ay may hawak na cellphone at may tinatawagan. Pero hindi ko makita ang EXO.

"Excuse me po. Nasaan po ba ang EXO?" tanong ko sa isang babae na nagmamadali na kinukuha ang mga outfits. 

"Sino ka?! Sasaeng ka noh? Paano ka nakapunta dito?" sigaw niya sa akin habang pinanlalakihan niya ako ng mata.

"Hindi po ako sasaeng. Ako po ang bago nilang "assistant"." Ginawa ko ang quote sign sa aking kamay habang sinasabi ko ang assistant.

Tinitigan niya pa ako ng ilang segundo na parang naninigurado kung totoo ba ang sinabi ko o hindi.

"Anong pangalan mo?" tanong sa akin ng babae.

"Annyeonghaseyo, Crystal Lee imnida." pagpapakilala ko.

Tiningnan niya ang mukha ko ng ilang mga segundo nang biglang lumiwanag ang mukha niya. Yung parang may naalala siya.

"Ahh~ Ikaw yung bagong P.A ng EXO diba? Si Crystal Lee?" tanong niya sa akin. Paulit ulit lang ate? Diba yun ang sinabi ko kanina? Psshh.

"Opo." ngiti ko.

"Bakit hindi mo kasi sinabi agad? Nasigawan pa tuloy kita." mabait na sabi niya sa akin. Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko daw sinabi agad? Lokohan ba to?

"Actually po, yun po ang kauna unahang sinabi ko sa inyo." ngiting sabi ko sa kanya pero sa loob ko, kanina pa ako naiinis sa babaeng to.

"Talaga?" she gave me a pointed look. " Nandun ang EXO sa room nila." turo niya sabay talikod sa akin para asikasuhin ang ginagawa niya.

I glared at her habang nakatalikod siya tapos umalis na ako para puntahan ang room ng EXO. Ayoko nang kausapin pa ang babaeng yun. Iinit lang dugo ko.

Pag punta ko sa room ng EXO ay nasalubong ako ng isang busy atmosphere. Ang ibang members ay nasa shower room. Ang iba naman ay nagbibihis na sa kanilang mga outfits. Ang iba naman ay nagpapractice ng sayaw nila. Ang iba naman ay nagdo do-re-mi para maloosen ang kanilang lalamunan. Inikot ko ang aking tingin sa buong kwarto nang may makita ako.

"Aba Aba Aba~ Nag eenjoy ata tayo ngayon ah?" sabi ko kay Chanyeol.

"Crystal~ Nandito ka na pala." bati niya sa akin. Nakabihis na siya sa kanyang outfit at naglalaro na lang siya ng games sa cellphone.

"Pa petiks petiks na lang tayo ah~ Wala kang balak mag practice?" sabi ko habang tinuturo sila Kai at Sehun na busy kakasayaw. "Ayaw mong gayahin sila? Magpractice ka nga rin sumayaw. Kaya hindi ka magaling sumayaw eh~"

"Nahh~ Hindi ko na kailangan magpractice. Magaling na talaga ako noh? Hindi naman siguro akong tatawagin na "voice and dance ng exo" kung hindi ako magaling diba?" pagmamayabang niya sa akin.

"Dance ng EXO? Kailan pa nangyari yun?" sali ni Chen sa usapan namin.

"Wala na~ May epal na~ Nakikisali sa usapan ng may usapan." -_-/// sabi ni Chanyeol.

Is this Fate? ( EXO Fanfiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon