SG- Glaiza's POV

375 15 6
                                    

Glaiza....








Glaiza....













Glaiza......








Napabalikwas ako ng bangon ng may marinig na naman akong tumatawag sakin. Pero ang masaklap nito, nagising na naman akong basang-basa ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Ilang beses na din akong nagpacheck up sa doctor pero lagi nya lang sinasabi sakin na....its a normal thing para sa mga taong may negative past ang magsleep walk. Pero ang hindi ko maintindihan bakit lagi akong basa paggising ko? Kapag tinitignan ko naman ang bathroom ko tuyo naman ang sahig at walang kahit na anong bakas ang makikita doon. Minsan nga naiisip ko ng lagyan ng cctv ang room ko para if ever man na maglakad ulit ako ng tulog ay makita ko kung anong nangyayari sakin habang nag-sleep walk ako. Kaso natatakot ako sa pwede kong makita eh. Natatakot ako sa pwede kong matuklasan.

Minsan parang totoo na lahat ng panaginip ko eh. Kadalasan sa panaginip ko nasa ilalim daw ako ng tubig na may halo ng dugo at nahihirapan na akong huminga.....and the next thing I knew.....it was a dream. Magigising akong habol ang paghinga ko at basang-basa na ako na para bang totoo ang napanaginipan ko. Everytime na tinatanong ko yun kay Mama ang lagi nya lang sinasabi is.....muntikan na akong malunod nung bata ako. Na sya namang ikinamatay ng Tatay ko dahil sa pagtangka nyang sagipin ako noon. I felt bad for myself....for my Father. Kaya siguro malungkot at iwas din sakin si Mama noon dahil sa nangyari kay Papa. Iniisip ko na baka ako ang sinisisi nya sa pagkawala ni Papa.

After kong magpalit ng damit,  bumaba na ako ng sala. Naabutan ko sa dining si Mama na nagkakape.

"Morning."bati ko kay Mama tapos bumeso ako sa kanya.

"Morning. Sunday ngayon, may work ka?"

"Kailangan po ako ni Sols sa office ngayon  Ma. Infact, may ioorganize ulit kaming wedding for next month. Sols is really excited for this event, Ma."

"Really? That's great. Atleast nalilibang kayong dalawa."

I just smiled. Ganto naman kami noon pa man. Mag-uusap saglit tapos wala na. Tapos na. Hindi na ulit kami magpapansinang dalawa. Hanggang sa pag-uwi ko hindi ko na sya maabutang gising dahil maaga syang natutulog. At ako late na kung makauwi.

/

"G, nakausap ko na ang client natin for next month. And I'm really excited for this one. Its a beach wedding, G."

Wow hindi sya excited ha. Alam na nya agad ang gusto ng kliyente namin. Ang galing talaga ng assistant ko.

"Good job Ms.Heusaff. At dahil dyan....lunch tayo. Treat ko. Bawal ang diet sakin, Sols ha. Umayos ka."

"Fine. Fine. As if naman may magagawa pa ako kapag ikaw na ang nagsalita."

"Haha. Buti naman at alam mo. Lets go."

I grabbed my bag and umalis na kami ni Solenn.

Solenn is my childhood friend. Sya din ang nakakaalam ng mga nangyari sakin nung kabataan ko since lagi daw kaming magkasama noon at halos ayaw ng maghiwalay. At dahil sa wala akong maalala sa kabataan ko sya ang nagiging pang-throwback ko pag may gusto akong maalala.

//

"Hi."

Lumingon ako sa nagsalita. Si Kennedy.

"Ken, paano mong nalaman na nandito kami?"

He just smiled. Sa ngiti palang nya alam ko na kung sino. "Nice one, Sols."

Saving GlaizaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon