SG- Meet Marx

217 12 4
                                    



"Anong oras darating ang mga boys nyo, Gab and Sans?"I asked them. Napansin ko kasing wala sila dito ngayon. Nakakapanibago lang na wala sa gang ang boys ng dalawa.



"Si Rocco may gig sya tonight. So baka bukas pa sya makasunod dito."sanya answered.



I looked at Gabbi.



"Hays. Fine. Hindi kami okay ngayon ni Ruru. War kami. Kaya wala sya dito. Bahala sya sa buhay nya."inis na sagot ni Gabbi. Hays. Nasanay nalang ako sa dalawang to.



"Sus. If I know. Nasa byahe na yang si Ruru at susundan ka nyan dito. Pasaway lang yang boyfriend mo pero hindi ka matitiis nun."si Kylie.




"Sana nga. Naku talaga pag hindi talaga sya nagkusang magpunta dito. Makikipagbreak na talaga ako sa kanya!! Asar!!!"iritang sambit ni Gabbi tapos tinadtad ng pino yung karne na nasa plato nya.



"Easy Gab. Relax lang ha. Kawawa naman yang karne sa plato mo. Nadadamay sa inis ng jowa mo."sambit ni Mikee.



Inirapan lang sya ni Gabbi. Itong mga kaibigan ko talaga. Naiiling nalang ako sa kanila.




"Ate G. Sa tabing dagat lang kami ni Mikee ha."paalam sakin ng kapatid ko.



"Okay. Huwag ng lalayo ha. Maya-maya lang magpapahinga na tayo. I need to rest early. May pupuntahan pa kami ni Solenn bukas."




"Oks Ate G."si Mikee. Umalis na yun dalawa.




"Bakit hindi mo sinama dito si Kennedy, G?"



Kumunot naman ang noo ko. "Why would I?"



"Eh kasi manliligaw mo sya?"hindi pa sigurado si Kylie sa tanong nya.




"Tigilan nyo na nga yang si Glaiza. Hindi na nanliligaw si Kennedy sakanya."si Solenn. Buhay pa pala tong isang to. Kanina pa kasi walang imik eh.




"Teka, wag mong sabihing......"



"Oh my G."tinakpan pa ni Gabbi ang bibig nya.



"Tama yang iniisip nyo. Pang-ilang beses nya na bang binasted yang si Kennedy?"




"Hindi ko na mabilang."




"Ang tindi mo talaga, G. Haha."




Tumayo na ako. Nakakaramdam na ako eh. Pinagkakaisahan na naman nila akong apat. Makaalis na nga lang muna dito.



Balak kong sundan sila Kate at Mikee. Pero hindi ko naman sila makita. Saan kaya nagpunta yung dalawang yun? Pasaway talaga. Sabi ko wag ng lalayo eh.




"Hinahanap mo ba yung dalawang babae?"



Napalingon ako sa nagsalita. Lalaki. Matangkad at kalbo. Sino naman kaya ito? Baka dito sya nagtatrabaho sa resort o di kaya....guest? Or....hays ewan. Bakit ba sarili ko ang tinatanong ko nyan.




"Nandoon sila sa kabila. Mukhang nalibang yung dalawa sa paglalakad."




"Salamat." Hindi naman sa bastos ako ha. Pero hindi ko kasi sya kilala. Mahirap na.




"Wait. Okay ka na ba? Okay na ba ang pakiramdam mo?"



Teka anong ibig nyang sabihin?




"Ako yung nag-ahon sayo kanina sa tubig. Nakita kasi kita na nahihirapan kang lumangoy. Mabuti nalang at......"



"Salamat ulit. Kung sino ka man...salamat at niligtas mo ako. Pupuntahan ko lang yung dalawa."



Saving GlaizaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon