SG- Naalala na nya...

155 9 4
                                    




"Glaiza, umalis ka na. Bilis."




Pinipilit kong makatayo para lapitan sya. Pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko namamanhid ang binti ko.



"Ken..." narinig ko si Glaiza.. nangangatol ang boses nya. Alam kong natatakot na sya sa mga oras na to. Gusto ko syang lapitan.



"Kuya.. huwag sya please.. gagawin ko ang lahat huwag mo lang syang idamay please.."



Nagmamakaawa na ako sa kapatid ko. Alam kong hindi nya ako pakikinggan ngayon. Kaya buong lakas akong tumayo. Kahit masakit ang buong katawan ko tumayo ako. Pinilit kong makalapit sakanya. Pero nahuli na ako ng pagpigil sakanya.



"Waaaaaag." Sigaw ni Glaiza.



Hindi nya nasaktan si Glaiza pero nadulas sya sa batuhan at nahulog sya sa tubig.



"Glaiza..."



Paika-ika akong lumapit sakanya pero hindi ko sya makita... nasaan na sya.




Sa galit ko. Hinarap ko si Kuya. "Anong ginawa mo sakanya. Anong ginawa mo." Hinawakan ko sya sa magkabila nyang braso. Sobra ang nararamdaman kong galit sa kapatid ko.



"Ginawa ko lang ang dapat, Kennedy. Kung walang makakapagpatunay na tayo ang may gawa nyan... hindi tayo makukulong."




"Hay*p ka!! Dinamay mo ako. Dinamay mo pa si Glaiza. Walanghiya ka!!" Tinulak ko sya sa sobrang galit ko.



Binalikan ko kung saan nahulog si Glaiza. Pero tinignan ko muna si Kuya. Nakita kong tinulak nya si Maxene sa tubig. Hindi na sya ang kapatid ko. Iba sya ngayon...



Lalapitan na sana nya si Marx para siguro itulak din pero may narinig kaming sumigaw.




"NASAAN KAYO?"




Lalaki. May nakasunod pa samin. Sa pagkataranta ni Kuya... tumalon sya sa tubig at lumangoy palayo. Tumalon na din ako bago pa ako makita nung tao. Ayaw kong madamay. Lumangoy ako... lumangoy ng lumangoy. Hinanap ko si Glaiza...


Nasaan na sya? Nasaan na!! GLAIZA!! GLAIZAA!! Sigaw ko sa isip ko. Nasaan ka na ba....



Pagkaahon ko.. may napansin akong katawan na nakalutang. Si Glaiza. Lumangoy ako agad palapit sakanya at inabot sya. Nung nahawakan ko na sya... dinala ko sya sa batuhan malayo sa pinag-iwanan kay Marx. Pinakiramdaman ko ang lagusan ng hangin sa katawan nya. Meron pa din syang pulso. Buhay si Glaiza. Buhay sya..





End of flashback-





"Yun lang yun?" Parang nabitin pa si Kylie sa kwento ko. Or kulang pa talaga?


"Yun lang yun. Dinala ko si Glaiza sa hospital. Hinintay ko syang magising. At paggising nya.. wala na syang maalala. Hindi na nya alam ang nangyari sakanya."



Hindi ako makatingin ng diretso kay Glaiza. Nahihiya ako sa nangyari. Nadamay sya sa kagagawan ng magaling kong kapatid....


"Nasaan na ang kapatid mo?" Tanong sakin ni Rocco.



"Alam ko nandito din sya sa Cebu eh. Pero hindi ko alam kung saan sya dito. Matagal na kaming hindi nagkikita. Matagal na akong umiwas sakanya. Tumira ako sa manila para mabantayan si Glaiza."




Saving GlaizaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon