SG- Magbalik

133 7 7
                                    





'Hindi Glaiza. Hindi pwede. Hindi ka pwedeng sumama sakin. Ayaw kong idamay ka.... patawarin mo ako."




"Marx, hindi ko maunawaan. Ano bang sinasabi mo? Diba... magsasama tayo? Magsasama tayo hanggang kamatayan."





"Patawarin mo ako. Nagkamali ako Glaiza. Hindi ka pwedeng sumama sa mundo ko......."






"Marx, sandali. Marx..."





"Marx..."







/







"Marx." Napabalikwas ng bangon si Glaiza. Nakakaramdam pa sya ng sakit sa katawan kaya napangiwi ito.




"G... k-kamusta na ang pakiramdam mo?"




Tinignan ni Glaiza ang nagsalita. Pilit nya pa itong inaaninag dahil malabo pa ang mga mata nya dahil sa ilang araw itong walang malay-tao.





(A/N: minsan kasi malay-diwata sya.)




"Glaiza, anong nararamdaman mo? Anong masakit sayo? Gusto mo ba ang tubig? Makakain? Nagugutom ka ba?"





"M-m...Marx." nanghihinang sambit ni Glaiza sabay higa ulit. Hindi nya kaya ang nararamdamang sakit sa katawan nito.





"Shhh. Huwag mo na muna isipin yun. Pinuntahan na sya ni Kylie."





"Ken...Ken si Marx... please save him..."






Hinawakan ni Kennedy ang kamay ni Glaiza. "Pupuntahan ko sya. Promise. Magpahinga ka na muna. Hindi pa kaya ng katawan mo."







//





Sa Hotel....







Kadarating lang ni Kylie doon. Agad syang dumiretso sa front desk.




"Miss.. pwede ko bang makausap si Marx Topacio."




Kumunot ang noo ng babae sa sinabi ni Kylie. Parang hindi ito makapaniwala sa sinabing pangalan ng huli.




"Miss.. kailangan ko lang talagang makausap si Marx. Nandito ba sya ngayon? Kanina ko pa kasi sya hinahanap. Hindi ko sya makita. Nasaan ba sya?"




"Bakit mo po hinahanap si Marx Topacio? Pwede ko po bang malaman kung anong itsura ng hinahanap mo?"





"Sorry Miss... pero isang beses ko palang kasi syang nakita at.... hindi ko masyadong matandaan ang itsura nya. Pero... matangkad sya at... kalbo?"





"Kung hindi po ako nagkakamali... ito po ba ang hinahanap nyong Marx Topacio?"




May kinuhang folder ang babae sa ilalim ng desk nito. Nilapag nya iyon sa table. Kinuha ni Kylie ang folder. Hindi pa man nya iyon nabubuksan at nakikita ang laman ay tila kinabahan na sya sa malalaman nya oras na makita nya ang laman ng folder.


"Murder case? Teka.... hindi ba confidential ang ganitong bagay?" Tanong ni Kylie sa babae at nilapag ang folder sa desk.




"Yes Ma'am. Confidential. Pero nagtataka po ako sayo. Bakit hinahanap mo si Marx Topacio...."





"Anong kataka-taka sa paghananap ko ng isang tao? Hindi ba staff nyo sya dito?"




"Isang taong matagal ng patay Ma'am. Matagal ng patay ang taong hinahanap nyo." Muling iniabot ng babae ang folder kay Kylie. "Kung hindi kayo naniniwala sakin. Pwede kayong magpunta sa bahay ng kapatid ni Marx Topacio. Sya ang makakapagpaliwanag sayo ng lahat. At hindi po sya naging staff ng hotel. Guest po namin sya dito dati."




Saving GlaizaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon