SG- Finally

130 8 0
                                    



Glaiza's POV


May kasama kaming mga pulis ngayon. Kahit na matagal ng panahon ang lumipas pinabuksan ko pa din ang kaso nila Marx. Gusto din ni Arra na makulong ang may gawa nun sa Kuya nya. Si Kennedy naman. Sya ang magiging witness namin para na din sa pagbaba ng kaso na pwedeng isampa sa kanya. Kaibigan ko si Kennedy pero kailangan din nyang magbayad. Alam kong iniligtas nya ako noon pero nakagawa pa rin sila ng mali ng kapatid nya. Nanahimik sya ng ilang taon.

"G, sana mapatawad mo ako. Hindi ko ginusto yun. Alam mo yan. Hindi ko magagawa sayo yun." Sabi ni Kennedy.

"Alam ko Ken. Gusto ko lang mabigyan ng hustisya sila Marx. Wala akong galit sayo."

"Thank you G." Ngumiti lang ako. Wala ako sa mood na makipag-usap. Gusto ko ng mahuli ang may gawa samin nun.

Hindi din nagtagal ay nakarating na kami sa tinutuluyan ng kapatid ni Kennedy. Maliit na bahay lang yun at may pagkaluma na.

"Ok.. team. Move. Check the area." Command nung isang pulis. Nagsipagkilos na sila at pumunta ang iba sa likod.

Nag-stay lang kami sa labas ni Kennedy kasama ang isang pulis na bantay namin. Kinakabahan ako. Nandito kaya sya ngayon? Sana naman. Para matapos na to. Para manahimik na rin si Marx kung nasaan man sya ngayon.

Ito rin siguro ang dahilan kung bakit nagpapakita sakin si Marx noon. Huwag kang mag-alala Marx. Konting-konti nalang mabibigyan na kayo ng hustisya.

At hindi din nagtagal ay lumabas ang mga pulis na may kasamang isang lalaki. Sya nga. Yung nakita ko nung isang araw at sa panaginip ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Sya yun.

"Pancho..." rinig kong sambit ni Kennedy.

"Hay*p ka Kennedy. Wala ka talagang kwenta!!"

Pilit na kumakawala si Pancho sa pagkakahawak sakanya ng mga pulis pero hindi sya makawala. Nakalagay na rin sa likod nya ang kamay at may posas na.

"Sorry Kuya. Kailangan ko lang gawin ang tama."

Dinala na ng mga pulis si Pancho sa sasakyan nila. Kami naman ni Kennedy sa isang sasakyan sumakay. Sa wakas... nahuli na sya. Akala ko mahihirapan pa kaming gawin yun eh. Mabuti nalang talaga at nakikisama ang tadhana samin. Matatahimik na sila Marx. Masaya ako para sa kanila.

//

Lumipas ang ilang araw. Umuusad ang kaso kahit na matagal na ang nangyari. Mabuti na lamang at nandyan si Kennedy para tumistigo at hindi nawalan ng saysay ang lahat. Hindi na sinampahan ng kaso ni Arra si Kennedy. Tinanaw nya pa na utang na loob kay Kennedy ang pagkakahuli ng kapatid nito.


"Ate G... sasama ako sayo sa Manila. Pero pwede bang mag-stay muna tayo dito kahit hanggang next week lang? Kasi malapit na ang death anniversary nila Kuya."

"Naiintindihan ko Arra." Niyakap ko sya. Gumaan ang pakiramdam namin simula ng mahuli si Pancho. Sila Kylie naman nauna na sa Manila na bumalik since naayos na ang lahat. Naiwan na kasama ko si Kennedy at Arra. Sabay-sabay na kaming babalik ng manila pagtapos ng araw ng kamatayan nila Marx.

//

Arra's POV


Nandito kami ngayon ni Ate Glaiza sa sementeryo kung saan sila Kuya Marx. Magkatabi lang ang puntod nila ni Ate Max.

Nilapag ko yung bulalak sa gitna ng puntod at nagsindi kami ng kandila. Pinagpag ko pa yung lapida dahil medyo madumi na. Matagal-tagal din akong hindi nakapunta dito at mukhang matatagalan bago ako makabalik ulit. Sa pagpunta ko ng manila kasama si Ate Glaiza.. gusto ko ng alisin yung galit sa puso ko dahil sa nangyari sa kapatid ko.

"Totoo nga. Ngayon hindi na ako nananaginip. Wala na nga talaga sya." Sambit ni Ate Glaiza. Hinahawakan nya din ang lapida ni Kuya Marx. Nakita kong may pumatak na luha sa mga mata nya. Alam ko ang nararamdaman nya. Pero sya kasi... nagmahal sya ng patay na.

"Pero alam mo ba Ate G. Masaya ako dahil nakilala kita. Kasi dahil sayo magkakaroon ako ng pangalawang pamilya. Sigurado ako na masaya din si Kuya sa mga nangyayari satin ngayon."

"Kung pwede ko lang makita at makausap si Marx. Sasabihin ko sakanya lahat ng gusto kong sabihin... kahit na alam kong hindi na pwede. Sasabihin ko sakanya na mahal na mahal ko sya. Mahal na mahal."

Hinawakan ko sya sa braso. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan nya. Sino ba naman kasi ang matutuwa na... magmamahal ka ng patay na. At saka mo lang malalaman na patay na sya kung kailan hulog na hulog ka na. Hindi ko masisisi si Ate G kung masaktan man sya. Ganun din naman ang naramdaman ko nung nalaman kong patay na si Kuya Marx eh. Kung doble ang sakanya. Triple sakin dahil kapatid ko sya.

"Siguro... kaya nangyari ang lahat ng ito. Dahil gusto ni Kuya na magkakilala tayo. Ang tagal na kasi.. bakit ngayon lang diba?...."

"Marx... kung nasaan ka man ngayon. Gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita. At iingatan ko ang kapatid mo. Huwag kang mag-alala. Hindi ko sya pababayan." Tumingin sya sakin at ngumiti.

"Kuya.. matagal kitang hindi madadalaw dito ha. Masaya ako dahil... pinakilala mo sakin si Ate G. Kung nasaan ka man. Bantayan mo kami ha. Pero huwag ka ng magpapakita saki  katulad ng kay Ate Glaiza. Takot ako sa multo diba..." i tried to joke. Para naman kahit papaano eh mawala ang lungkot namin ni Ate Glaiza.

"Sira. Ayaw mo ba syang makita?"

"Sa panaginip siguro. Hehe."

Tumawa kaming dalawa. Natatawa nalang kami para kaming mga baliw na ewan dito sa tapat ng puntod ni Kuya. Tatawa iiyak.

"Sige na Kuya. Aalis na kami. I love you Kuya."

"Dadalaw ulit ako Marx. Isasama ko na muna tong kapatid mo samin ha."

Bago kami umalis... niyakap ko si Ate Glaiza. Matagal-tagal din akong nawalang ng kasama at kapatid. At ngayon.. magkakaron na ulit. "Thank you so much sa lahat Ate Glaiza.."




//











A/N:


1-2 chaps nalang...

Saving GlaizaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon