SG- Way Back Home With Him?

161 11 2
                                    

After a week ng cebu trip nila at event namin ni Solenn. Nagsisimula na naman akong managinip ng hindi maganda. But this time? Mas lumala. Nasa ilalim na ako ng tubig at pilit may humihila sakin paibaba. Minsan naiisip ko, yung mga panaginip ko parang nangyari na samin ni Marx yung ganun. Nasa ilalim kami ng tubig and then magigising nalang akong nasa kwarto na ako or somewhere. I really don't know.

"G, nakausap mo na ba yung bagong client natin?"

"Hmm. Hindi pa. Wala pa namang tumatawag sakin."

"Aw. Okay. Baka mamaya tumawag na yun sayo. Ikaw daw kasi ang gustong makausap eh."

"Okay Sols."

I miss Marx. Gusto ko na syang balikan. Ilang gabi ko na ring napapanaginipan na kasama ko sya sa bahay at talaga nandoon daw sya kasama ko. Katabi ko. Nakakausap ko. Pero malabong mangyari eh. Nasa cebu sya. Nasa manila ako. Sobrang layo nya sakin.

"G, si Kennedy tumatawag na naman."

"Ano na naman kailangan nya?"

"Alam mo naman yung manliligaw mo na yun. Baliw na baliw sayo. Boses mo lang marinig nya..kinikilig na. Haha."

Baliw na Solenn to. Isa pa yang si Kennedy. Hays. Simula ng bumalik kami dito sa office, hindi na tumigil kakatawag sakin. Alam naman nyang marami kaming ginagawa ngayon eh. Pasaway din ang isang yun. Kinukunsinti pa ni Solenn. Kennedy is a good guy. Kaya nga ilang beses ko ng ni-reject eh. Hindi ako ang para sa kanya. He is worthy of others compare to me. He deserved someone better than me. I'm not the right person for him. At isa pa....I love someone else. Ayaw ko syang lokohin.

Kinuha ko yung phone ko sa bag at tinawagan sya. Sinagot din naman nya agad..

"Hello, G. Miss me?" Hangin naman ng isang to. Ayun talaga ang bungad sakin?

"Nah!! Kita tayo later. I have to tell you something. I'll wait for you here sa office namin ni Solenn. Bye."

"Hey. Hey.. wait. Don't hang up."

Ibababa ko na sana yung phone kaso nagsalita pa sya ulit.

"Ano yun Ken?"

"Sasagutin mo na ba ako o....basted ulit?"

"Kennedy!!" Saway ko sakanya. Ang lakas ng tama ng isang to mung makapag-predict ng sasabihin ko.

"Fine. Fine. Alam ko namang may iba na eh."

"Teka...anong sinasabi mo?"

"Nevermind. Kita nalang tayo mamaya, G. Namiss talaga kita ng sobra eh."

Then he hang up the call. Kita nyo yun? Inunahan pa akong magbaba ng tawag. Pero paano nya nalamang merong iba? Sinabi kaya ni Solenn? Pero imposible eh. Hindi naman sial nagkakausap ng dalawa ng personal. Magkita man sila kasama naman ako. Imposible talaga. At kilala ko si Sols. Hindi nya sasabihin ang ganun bagay sa iba. Pag alam nyang private sa buhay ko yun..hindi sya mangingielam. Pero paano nya nasabi yun?

//

"G, kamusta na?"

Kadarating lang nya. Mabuti naman at maaga sya today na nakapunta. Gusto ko din kasing umuwi ng maaga.

"I'm fine. Ken, ayaw ko ng patagalin pa to. About sa sinabi mo kanina...paano mo nalaman?" Curious na curious talaga ako paano nya nalaman.

"I saw him...."

"Nakita mo sya? Saan? Imposible, Ken."

"Anong imposible? G, nakita ko sya sa bintana sa kwarto mo. Nung gabi na dapat dadalawin kita pagkabalik nyo galing cebu? Dapat pupuntahan kita. Nasa labas na ako ng bahay nyo nung mapatingin ako sa bintana ng kwarto mo. Nakita ko sya doon nakasilip at masama nga ang tingin sakin eh. I assumed na...boyfriend mo sya. Hindi ka naman basta-basta nagpapapasok sa kwarto mo ng iba lalo na pag lalaki diba?"

Okay. Loading. Loading ang utak ko sa mga sinabi nya. Paanong nangyari ang ganoon? Paanong nakita nya si Marx doon sa kwarto ko? Sobrang malabong mangyari.

"A-anong itsura nung nakita mo?"

Napaisip si Kennedy. Parang pini-figure out nya pa ang itsura nung nakita nya

"Matangkad? Tapos....kalbo? Ewan. Parang ganun."

Dahil sa sinabi nya...natakot ako bigla. Paanong mangyayaring nandoon si Marx? Eh nasa cebu sya.

"Imposible, Ken. Imposible ang mga sinabi mo. Wala sya dito. Nasa cebu si Marx."

"Ha? Eh sino yung nakita ko sa kwarto mo? Don't tell me..minumulto ka sa kwarto mo?"

I took a deep breath. Malabo talaga eh. Paanong mangyayari yun? Imposible!!

//

"Kylie please. Samahan mo na ako sa cebu oh. Please. Kailangan ko lang talagang makausap si Marx personal."

Kausap ko ngayon si Kylie sa phone. Nagpapasama na bumalik sa cebu. Wala kasi akong kasama. Sila Sanya at Gabbi naman busy din. Ayaw ko din namang isama si Kate dahil may pasok na sila.

"G, weekend lang ako pwede..."

"Okay na yun. Basta may kasama lang ako. Thank you Kylie...."

"Hep. Teka lang G. Ikaw may sagot ng pamasahe ko doon ha. Alam mo na. Wala pa akong budget. Hehe."

"Yeah. Yeah. Basta makasama ka lang. Thank you talaga, Ky."

Tinapos ko na yung tawag. Nakahinga na ako ng maluwag. Makikita ko na sya ulit. Maliliwanagan na ang magulo kong utak. Pinagulo ng mga sinabi ni Kennedy.

Pumasok ako sa banyo para makapag-shower saglit bago ako matulog. Stress? Yes pero hindi sa trabaho. Kundi kay Marx. Argh. I hate this feeling. Sakanya lang ako naging ganito. Yung tipong gusto ko na syang kasama...palagi at ayaw ko na syang mawala sa tabi ko.

Habang nagsho-shower ako parang may naramdaman akong naglakad sa labas ng kwarto ko. Pero alam ko namang walang tao doon at hindi din naman ako ganun katatakutin eh. Kaya binalewala ko lang.

"GLAIZA..."

Napalingon ako sa pinto ng biglang may sumigaw ng pangalan ko. Yung boses na naririnig ko laging tumatawag sakin. Narinig ko na naman. Nagmadali akong tapusin ang pagshower ko.

Palabas na ako ng bathroom ng bigla na naman akong may marinig na gumagalaw sa labas ng kwarto. Kinabahan na ako kesa naalala ko yung sinabi ni Kennedy.. natatakot na ako. Dahan-dahan kong pinihit yu g doorknob at tuluyan ko ng binuksan yung pinto.

"ATE."

Napahinga ako ng malalim ng biglang bumungad sakin si Kate. Hawak ang dibdib kong napaupo ako sa kama.

"Sus ko, Kate. Tinakot mo naman ako. What are you doing here?"

"Ate? Gusto ko dito matulog. Dito nalang ako sa tabi mo ha."

"Okay. No choice na ako. May dala ka ng unan eh. May magagawa pa ba ako."

Pumwesto si Kate sa kabilang side katapat ng bintana. "Ate sara natin bintana mo ha. Ang lamig eh. Nakabukas pa yung aircon mo."

Teka..sarado kanina yang bintana ah. Sinarado ko yun bago ako magshower. Paanong nabuksan yun?

"Ate G, nasabi sakin ni Mikee kanina habang kausap ko sya sa phone. Pupunta ka ulit ng Cebu para puntahan si Kuya Marx?" I nodded. "Hindi ba dapat lalaki ang nagpupunta sa babae?"

"Kaya ba nagpupunta dito si Migo?"

"Ateee." Haha. Sabi na nga ba at magpoprotesta na naman tong bunso namin eh.

"Sige na..matulog ka na. Wag kang mag-alala. Pupunta din dito si Marx. At si Migo gusto...."

"Shut up Ate G. Goodnight." She kissed me on my cheek. Ang lakas makaiwas nitong si Kate pag si Migo na ang topic.

"Good night."

Saving GlaizaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon