SG- Come With Me

129 7 4
                                    


"What? Si Kennedy ang may gawa sayo nun?" Si Kylie. Sabi nya tapos napatayo pa sya.



Nasa hotel na kami ngayon. Kasama namin si Arra. Balak ko na ring isama sya pabalik ng manila dahil wala syang kasama dito. Para ko na ding kapatid si Arra because of Marx.



"Wala tayong proof Kylie. Malay natin diba? M-may ibang version na naman ng story. Hindi natin alam." Si Gabbi.



"Gabbi is right. Mabait si Ken. At sa tingin ko hindi nya magagawa kay Glaiza ang ganun."



"Pero teka. Matagal mo na bang kilala si Kennedy, G?" Tanong ni Sanya sakin.



"Yeah. Sabi sakin ni Sos... halos 7 years na kaming magkakilala ni Ken. So ibig sabihin kilala nya na ako 6 years ago nung nangyari sakin yun."



"Teka. May naalala ako. Si Kennedy.. kasama ko sya nung nagpunta kami sa isla kung kailan kasama namin yung... argh. Yung Marx. So kung nandun sya 6 years ago... ibig sabihin kilala nya si Marx. Alam nyang si Marx ang kasama namin. Diba?"



"Tama ka Ky. Ibig sabihin... si Kennedy lang ang makakapagsabi satin ng totoong nangyari sa isla. Sya lang."



Tama ang lahat ng sinabi nila. Dapat namin makausap si Kennedy. Sya lang ang makakapagsabi samin ng lahat-lahat.


"Kailangan na nating bumalik ng manila bukas."



"Alright. Kami ng bahala sa pag-uwi natin." Si Rocco.



"Kasama ka naming babalik ng Manila, Arra. Hindi ako papayag na maiwan ka pa dito. Youre like a sister to me."


"Thank you Ate Glaiza." Niyakap ako ni Arra.


Pakiramdam ko unti-unti ng nabubuo ang puzzle sa nakaraan ko. Konti nalang malalaman ko na ang katotohanan. Si Kennedy ang sagot sa lahat. Sya lang ang may alam ng lahat.




//




Kennedy's POV

(Finally magsasalita na si Ken)




Nakatanggap ako ng text galing kay Glaiza. Alam na nya ako ang nagdala sa kanya sa hospital sa Cebu. Gusto nya akong makausap. Akala ko hindi na nya uungkatin ang mga bagay na yun.


Kinuha ako ang phone ko at may tinawagan akong isang tao. Isang taong matagal ko ng hindi nakikita at sobrang kinamumuhian ko.




"Kenndy.. napatawag ka? Ang tagal na din ah. Kamusta ka na?"



"Wala akong panahon para makipagkamustahan o makipagkwentuhan sayo Kuya. Gusto ko lang sabihin sayo na... alam na ni Glaiza na ako ang nagdala sa kanya sa hospital. At sasabihin ko na sakanya ang totoo."



"Hindi ka magsasabi sakanya ng kahit na ano Kennedy."



"No. Sasabihin ko sa kanya ang lahat-lahat. Wala na rin naman akong matatago sa kanya eh."



"Bakit ba kasi niligtas mo pa sya noon. Sana pati sya patay na ngayon kasama ni Marx!! Wala kang sasabihin sa kanya na kahit na ano... kung ayaw mong tuluyan syang mawala sayo."




Binaba ng kapatid ko ang tawag. Kinabahan ako bigla. Alam kong sa mga oras na to pauwi na sila Glaiza at pupuntahan na ako.



Maya-maya lang nakatanggap ako ng text galing kay Kuya.



To Kuya P....


"Nakita ko sya dito sa cebu. Sa tingin ko hindi nya ako nakilala. Malapit lang sya sakin. Kapag may sinabi ka sakanya. Asahan mo ng mauulit ang nangyari sa isla."



Pabato kong binaba sa kama ang phone ko. Naiinis ako. Bakit ba natatakot ako sakanya. Alam ko namang hindi nya kayang gawin ang ganung bagay eh. Mabait ang kapatid ko. Pero nag-iba lang sya dahil sa isang babae. Yun si Maxene. Parehas lang kaming mahina pagdating sa babaeng gusto namin. Pero magkaiba kami. Kung sya kayang gawin ang lahat para lang makuha nya ang gusto nya kahit na ikapahamak pa nito. Ako? Lahat kaya kong gawin para lang mailigtas sya. Gagawin ko ang lahat. Kung kailangan ko ng sabihin lahat kay Glaiza gagawin ko.




Bago pa man makabalik ng manila sila Glaiza ay nagtext ako sakanyang doon nalang kami magkita. Pumayag naman sila. Gusto ko ng tapusin ang pananahimik ko. Kung madamay ako edi madamay. Basta nasabi ko ang totoo kay Glaiza.



//


Glaiza's POV


Dito na kami sa Cebu magkikita ni Kennedy. Pumayag na din ako para kung sakaling may kailangang gawin dito hindi na kami mahihirapang magpabalik-balik. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang magtiwala sakanya pagnarinig ko na ang mga sasabihin nya. Sana lang talaga wala syang kinalaman sa mga nangyari sakin noon.


"G, what time daw darating si Ken?" Kylie asked me. Katatapos lang din nyang kausapin si Mikee sa phone.



"I'm not sure, Ky. Pero sa tingin ko.. umalis na yun dun sa manila si Ken."


Tumango lang sya tapos bumalik na sa ginagawa nya sa phone nya. Sila Gabbi naman ayun tulog. Napuyat kagabi kakaisip. Sinabi ko naman sa kanila na huwag na nilang isipin yun eh. Ang mga boys naman lumabas saglit para bumili ng makakain. Nagsasawa na daw sila sa pagkain dito sa hotel.





Glaiza....









Glaiza...







Napalingon ako sa bintana kung saan ko narinig yung tumawag sakin. Nagsisimula na naman ang gantong karanasan ko.

"G, are you okay?" Tanong sakin ni Kylie. Napansin nya sigurong nag-iba ako ng mood bigla.

"Yeah." Yan lang ang naisagot ko sakanya. Pumunta ako sa bintana at sumilip doon.

Lumakas bigla ang tibok ng puso ko. Nakikita ko ngayon si Marx sa labas. Natatakot ba ako? Kinakabahan. Alam kong patay na sya... pero parang nasanay nalang din ako sa presence nya. Nakaramdam ako bigla ng excitement na muli syang makita. Ang tagal na rin simula ng huling beses ko syang nakita.

"Ky, labas lang ako saglit ha."

"Ha? Teka. Sasama ako...."

"No need. Babalik din ako agad. Promise." Sabi ko. Nagbabalak na naman silang bantayan ako sa lahat ng gagawin at pupuntahan ko.

"Okay sige. Pero bumalik ka agad ha."

"Yes Ma'am." I teased her. Para lang mawala ang pagka-praning sya.

Lumabas ako ng hotel at nagpunta kung nasaan si Marx. Nakatayo sya at nakatalikod sakin. Minsan na nga lang ako magmahal... sa patay pa. Pero masaya pa din ako dahil nakilala ko sya.

"Marx..." mahinang sambit ko sa pangalan nya.

Tumingin sya sakin. Nakita ko sa mukha nya yung sobrang lungkot. Lumapit ako sa kanya at agad syang niyakap.

"Come with me, Glaiza."

Natakot ako bigla sa sinabi nya. Patay na sya pero sinasama nya ako.

"Marx...."

"Glaiza.. ang lungkot-lungkot mag-isa sa mundo ko. Please sumama ka na sakin."

Naramdaman ko nga yung lungkot na nararamdaman nya.

Huli na ang lahat ng marealized ko ang sagot ko sakanya.

"Sasama ako sayo."

Tulad ng dati.. nakakapanghila pa rin ang mga tingin nya. Mga tingin nya saking parang nilalamon ako ng sobrang pagmamahal.


//
















A/N:

Sino si Kuya P?

Saving GlaizaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon