Ikawwww?????
Bhesttt!!!! sya yung sikat na sikat sa youtube. Yung magaling mag piano. Mas cute sya sa personal.Kilig na kilig na sambit ni melli habang niyuyugyog ang kamay ko.
Ahh anu po'ng kailangan nila?tanung ko sa lalaki.
Ahmmm ms. sino sa inyo si roxane perer? Tanung ng gwapong lalaking kaharap ko.
Ahhhg siya. Siya si roxane. Ako naman si melli nice to meet you.
Sabat ni melli sa tanung ng lalaki habang kinikilig pa rin at akmang makikipag kamay.Good to see you two.
Ako nga pala si CSHIENE YULATIC. Isa akong secret detective. Siya naman si ALHIZA CRUZ partner ko. Nandito kami para imbestigahan ang ipinakiusap mo'ng kaso sa amin.
Maaari ba nati'ng pagusapan ito sa loob? kalmadong pakiusap ng lalaki.kataka-takang hindi sila tinahulan ni logan. Gayong napaka bagsik nito sa mga di nya kilala. Ibig sabihin lang nun mabait sila.
Dumiretso kami sa sala, at doon sinalubong kami ni mommy. Nakakagulat din, na napaka professional ng dalawa dahil nagawa pa nilang mag mano kay mommy. Bihira na ang mga katulad nila na ginagawa ang tradisyonal na gawain ng mga pilipino ngayon. Kami nga ni kuya di namin ginagawa iyon kay mommy dahil na rin siguro di namin nakasanayan iyon,pero may respeto pa rin naman kami kay mommy.
Anak sige na kausapin mo na ang bisita nyo. Igagawa ko lang kayo ng miryenda. sabi ni mommy.
Sige po mommy.
Pag upo ko sa sofa namin. Nakaharap ko agad ang lalaking napaka gwapo. Kasing edad siguro siya ni kuya. Mahaba ang buhok na medyo may halong kulay asul na kulay. Kaya parang napaka tingkad ng buhok nya. Naka pusod siya at ang haba ng buhok nya ay lakpas lang ng konti sa balikat niya. Singkit ang mga mata,matangos ang ilong,mapulang labi at napaka puti ng ngipin na tila mais na butil na pantay pantay. MAy maliit syang dimple sa magkabilang pisngi. Napaka puti rin ng kanyang balat, tila ba hindi nasisikatan ng araw. ang taas nya kahit naka upo sya ay parang nasa 5'10 ang kanyang taas. Haysss!! ang gwapo naman nya. Nakakahiya tuloy humarap sa kanya. halos kagigising ko lang kasi ehhh.Ok!! ms. Roxane. Paki kwento na ang kaso. Makikinig kami at para mapag aralan na rin namin.
Seryoso pero kalmado pa ring tanung niya sa akin.Bago ko naumpisahan ang kwento. Dumating si mommy at nilapag ang cookies na ginawa nya para samin. Habang nagkekwento ako. Di mapigilan sumingit ni melli. Medyo nauunsyama yung mga kwento ko kaya tumatagal. Panay kasing pa cute ni melli sa gwapong detective. Habang seryosong nakikinig ang detective sa mga kwento ko, ay tahimik naman isinusulat ng partner niyang babae ang ilan sa mahahalagang sinasabi ko. Nang matapos na akong mag kwento. Tila may anghel na dumaan dahil sa panandaliang katahimikan. Maya-maya pa nag tanung na ang detective sa akin.
ms. Roxane. May mga detalye sa kwento nyo na medyo magulo. pwede ka ba namin makasama ng partner ko kapag inimbistigahan na namin ang lugar? tanung ng detective.
Ahhh alin po ba ang magulo baka pwede ko pa ikwento ng mas maayos?. Tanung ko.
Ahm!! alam na kasi ni Cshiene
Kung sino ang killer. Kaya lang di pa sya sigurado. Sabat ng babaeng partner ng detective.
BINABASA MO ANG
(The-the-o) TRUE(D)HANA The Secret Detective Agent.
ActionSino si Roxane perer? Anu ang magiging papel ni Leo sa kanya? Kanino kaya siya nakatadhanang mag mahal??