Huwagggggg!!!!!!!
Pagka sambit ko ng huwag.. Ay bigla nalang may humawak sa kamay nang lalaking may hawak na patalim. Agad niyang pinalipit ang braso nito,sabay tadyak sa lalaki. Namilipit naman itu sa sakit. Nilusob naman sya ng mga kasama nitung lalaki. Ako na mismo ang natakot sa kanya sa pagkat napaka lalaki ng mga katawan nito,at kayang kaya syang lumpuhin ng mga ito. Subalit nagkamali ako ng hinala. Dahil pag lapit ng dalawang lalaki sa kanya, ay sinangga nito ang kanilang mga kamay na akmang isusuntok sa kanya. Kahit malaki ang dalawang lalaki,at mukahang napaka lakas ay nagawa pa rin nya itung sanggain at sikmuraan ang dalawang lalaki. Matapos nya itung sikmuraan gamit ang kanyang mga tuhod,ay sinipa pa niya ito ng kanang paa,habang umikot ng isang beses. Tumba agad ang dalawang lalaki, at nawalan ng malay dahil sa lakas ng pagkakasipa nito. Humawak naman ng kahoy ang lalaking natira,at inihamapas. Subalit madali lamang nahawakan ang kanyang pamalo. Inuntog siya nito sa kanyang ilong, na sya namang ininda ng lalaking natira sa kanilang apat. Napaluhod naman ang lalaki habang hawak-hawak ang kanyang nagdudugong ilong na napaka sakit dahil sa pagkakauntog. Habang nakikita ko ang nangyayaring laban ay hindi ko namalayan na kanina pa pala nanunuod yung lalaking unang nangharang sa amin kanina. Yung malaki ang tyan at napaka pangit ang mukha. Isama mo pa ang napaka itim nyang katawan. Dahil na rin sa nasaksihang pangyayari ay tila nabahag ang buntot ng pangit na lalaki at sinabayan nito ng takbo. Ang buong akala ko pa naman ay lalaban din sya ngunit mali pala ang aking inakala.
Ayus lang ba kayu? Sambit ng lalaking minsan ko nang nakilala.
M-mr. I-ice cream? Naguguluhang sambit ko.
Anung ginagawa nyu sa lugar nato? Hindi nyu ba alam na dilikado dito? Lalo na ngayung malapit ng dumilim? Kalmado niyang sambit.
Ah... M-may h-hina h-anap lang po kami kuya. Sambit ko na hindi pa rin naaalis ang takot.
Ang mabuti pa. Ihahatid ko na kayu sa inyu. Sabi uli niya.
"Roxane???"
Napa pitlag ako ng marinig ko ang isang kilalang tinig,at hindi ako pwedeng magkamali. Dahil kay mellisa ang boses na iyun. Pag lingon ko kay melli ay nakita ko kasama nya si cindy. Agad nya akong pinuntahan at niyakap.
Roxane... Im so sorry. Nang dahil saken muntik pa kayung mapahamak. o(╥﹏╥)o
sabi nya habang umiiyak.Ehh.. Saan kaba kasi nanggaling? Hinahanap ka sakin ni tito. Alalang alala sayo. Tanung ko.
Mamaya na kayu mag usap. Halika muna kayo, sa bahay namin. Madilim na dito,at malamok. Aya ni cindy.
Mabuti pa nga. Para makapag usap,at makapag pahinga tayung lahat. Sabat ni cris, habang hawak hawak ang tyan na masakit parin dahil nasikmuraan sya kanina.
Ahhg. Sige sige. Ahmm mr. Ice cream. Sumama kana rin para makapag pasalamat kami sayo. Okay lang ba sayo cindy? Sabi ko.
Okay lang. Sagot nya.Pag dating namin sa bahay nila cindy, ay nagulat ako. Maliit lang pala ang bahay nila, at gawa sa kahoy. Pero ganun pa man,ay napaka linis nitong tignan. Ang buong akala ko ay mayaman sila dahil sa ganda at kinis ni cindy. Hindi lang yun matalino pa sya. Ngayun ko napagtanto na hindi pala tumitingin sa yaman o sa ganda si roy. Kundi sa kabutihan ng puso.
Roxane okay ka lang? Napansin ko,ang lalim ng iniisip mo? Nagaalalang tanung ni cris.
Okay lang ako. Matamlay kung sagot.
Pinaupo kami ni cindy sa isang mahabang upuan na gawa sa kawayan. Ako, si cris, at melli ang naupo sa upuan na iyun. Si mr. Ice cream naman ay naupo sa single chair na gawa rin sa kawayan. Maya-maya pa, lumabas mula sa kusina ang isang napaka gandang babae. May dala itung pitsel na may lamang juice.
BINABASA MO ANG
(The-the-o) TRUE(D)HANA The Secret Detective Agent.
AcciónSino si Roxane perer? Anu ang magiging papel ni Leo sa kanya? Kanino kaya siya nakatadhanang mag mahal??