12.Sino si mr.A?

6 0 0
                                    

Nagising ako ng maaga at nakita ko si ate cathy na naghihintay sa baba kasama si kuya.

Hoy tiyanak! ang kapal naman ng mukha mo! may pa sundo-sundo kapa sa ate cathy mo. Salubong ng bunganga ni kuya sakin.

Ron ako ang nag prisinta kay roxane na susunduin ko sya ng maaga. Kaya wag mo syang pagalitan. Pagtatangol sakin ni ate cathy.

Natahimik si kuya at di nalang sya nag salita. Ahhhmm! ate cathy! may pasok po ako ngayon! nakalimutan ko nga po pala sabihin yun kahapon sa inyo.

Ayos lang iyon. Actually alam ko naman na may pasok ka. I'm here para ihatid ka sa school nyo!  kung okay lang sayo.

Ahh" nakakahiya po kasi ate! malapit lang naman po ang school namin.

Okay lang iyon, Kung iniisip mo ang kuya mo na'to, Wag ka magalala! akong bahala sa kanya.

Tahimik at masamang tingin lamang ang ipinukol sakin ni kuya. Mukang nababanas na sya! hahaha! ayos mukang pagkakataon ko na para maka bawi sa kanya.  Ate cathy. Sige po payag na po ako! mag breakfast lang po ako sandali. hahaha nakita ko ang mga kilay ni kuya" nagsalubong sa inis hahaha. Muka na tuloy syang angry bird Hhaha.

After ko mag breakfast, sumakay ako sa kotse ni ate cathy! grabi ang ganda ng kotse nya! maliit lang pero ang sarap sakyan. Sayang lang at hindi ko na enjoy kasi naman ang lapit ng school samin. Pagbaba ko, nakita ko agad si cris at melli na naka abang sa gate at halatang nagulat sila sa kanilang nakita.

Aba best! pa kotse kotse ka pa  ngayon ah! pabirong sabi ni melli.

Rox! sino yon? bakit hinatid ka nya sa school? nagtatakang tanong ni cris.

Ahhh! si ate cathy yon! nililigawan ng kuya ko.

Wow! astig na si kuya onad ahh! mukang mayaman ang nililigawan. sabi ni melli.

Hayyhhss! ang dami nyong dada dyan! halika na kayo at pumasok, baka ma late pa tayo eh!

Mabilis na lumipas ang oras! halos hindi ko namalayan ang mga subjects na nagdaan. kaya naman ng pauwi na kami ni melli ay tinanong ko sya.

Melli! pwede ba tayong pumunta kay kuya leo ngayon? nahihiya kong tanong.

Hmmm! anu naman gagawin natin sa bahay ni kuya?

Ahh! magpapalipas oras lang! maaga pa naman eh. Naka yukong sabi ko.

Pwede naman tayo pumunta dun best anytime eh! ang kaso lang wala si kuya ngayon sa bahay nya! may inasikaso ata syang kaso. Paliwanag ni melli!

Ahh ganon ba!! sige next time nalang. Walang gana kong sabi.

Pag uwi ko! nakita ko agad si kuya ron at si ate cathy sa salas! nanunuod sila sa T.V. Paakyat na sana ako ng hagdan para magbihis ng marinig ko ang breaking news!

breaking news! mabilis na nakuha ni mr. A ang golden wing sa gaston family na syang sinasabi na nagkakahalaga ng 10 million dollars! gamit ang kanyang exo suits ay madali lamang niyang nalusutan ang mga bantay ng gaston family. Bago ito ay nagbigay ng babala si
Mr.A na kukunin niya ang golden wing sa gaston family sa ganap na alas tres ng hapon. Sa ngayon tinutugis na ng mga pulis si mr.A Hanggang sa mga sandaling ito.  Ito po ang breaking news! reporting..

kuya"!!.. basag ko sa katahimikang namuo sa loob ng salas!

Ohh!! roxane! andyan kana pala!masayang pansin ni ate  sakin.

Kung ganon di pala nila napansin ang pagdating ko kanina!

ahh! kuya! pwede ko bang malaman kung sino si mr.A?

(The-the-o) TRUE(D)HANA The Secret Detective Agent. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon