-*-
Sabi nila, ang magmahal at mahalin ang isa sa pinakamasayang parte sa buhay ng bawat isa
Marahil ay tama sila sa bagay na iyon
Ngunit kailanman ay hindi natin maaalis ang kakabit nitong katotohanan!
Katotohanan na sa kabila ng saya, may kalungkutan na naghihintay at unti-unting papawi sa ngiti ng bawat isa!
Hindi man ngayon pero alam nating lahat na darating iyong panahon kung kailan bigla na lamang nating maiisip na 'bakit?'
Bakit ang daya?!
Bakit ang daya'ng makipaglaro ng tadhana?!
Bakit kung sino pa yung tunay na nagmamahal, sila pa yung nasasaktan?!
Bakit kung sino pa yung seryoso at sinsero, sila pa iyong niloloko?!
Napakaraming 'bakit' na ang nabitawan ko pero sa kabila ng napakaraming 'bakit' na iyon, iisa lang ang sagot na nahanap ko!
Isang sagot na sapat na upang patatagin at kumpletuhin ang bawat piraso na siyang kulang sa aking pagkatao!
Ako si Hailey at ito ang magulo at madramang kuwento ng buhay ko!
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
Teen FictionIsang relasyon Isang relasyon na ikinagulat ng lahat Relasyon na binunuo ng dalawang taong nagmamahalan ng tapat! Isa sa kinatatakutang lalaki sa kanilang paaralan si Sadge Axl. Isang pinunong kinaiilagan ng lahat. Isang binatang nakahanap na ng ka...