Chapter 3 📷

6 0 0
                                    

-*-

Hailey's POV

Napakalamig ng simoy ng hangin. Wari mo'y magpapasko na dahil parang may yelong dala sa bawat pag-ihip nito.

Hindi ko magawang itago ang mga ngiti habang nakamasid sa aking kapatid na nakikipagharutan sa mga batang napapadaan. Bakas din sa mukha nung mga bata ang saya kahit na hindi naman nila lubusang kilala ang isa't isa.

Noon pa man ay mahilig na talaga sa mga bata si Kuya Klyde, ganoon din ang aking mga pinsan na sila Kuya Vaughn, Rhuz at Maven.

Minsan nga ay nakuwento pa nila sa akin na ang saya-saya nila ng dumating ako. Ang akala daw kase nila ay hindi na talaga magkakaroon ng bagong miyembro ang pamilya at ang swerte pa daw dahil naging babae ako!

Malaki ang pamilya Harisson-Leigh pero aapat lang ata kaming mga anak na babae. Hindi ko na masyadong matandaan kung ilan talaga kaming magpipinsan dahil hindi din naman ako naglaan ng oras para alalahanin. Basta ang alam ko lang ay mas marami ang lalaking miyembro ng aming pamilya! Pero kung tutuusin ay ayos din naman iyon. Sa pamilya kase namin, mas okay kung marami ang lalaki, para sa oras na kailanganin ng tulong dun sa kompanya, marami silang maaasahan.

"O, paano ba 'yan! Malapit ng dumilim!"

Biglang umangat ang aking tingin ng madinig ko ang tinig ng aking kapatid. Nakapameywang pa ito habang nakikipag-usap dun sa mga bata.

"Kuya laro pa po tayo", paki-usap nung isang batang lalaki.

"Naku, baka hanapin na kayo sa inyo niyan", nakangusong saad naman ni Kuya Klyde, bahagya itong yumuko at ginulo ang buhok nung bata. "Ganito nalang, bukas bumalik kayo dito ok? Pagmimiryendahin ko kayo, ayos ba yun?!"

Isang matamis na ngiti ang umukit sa labi nung mga bata.

"Opo!", sabay-sabay na tugon ng mga ito at nagtatakbo na paalis. Ngunit hindi pa man sila nakalalayo ng tuluyan ay muling tumingin sa direksyon namin iyong mga bata.

"Babye po!", nakangiting pagpapaalam ng mga ito na sinuklian naman namin ng pagkaway ni Kuya.

Sinundan ko ng tingin yung lugar na tinahak nila hanggang sa tuluyan na silang nawala sa aking paningin. Unti unti ng nabalot ng katahimikan ang paligid. Napatingin na lamang ako sa langit at pinagmasdan ang unti-unting pagkawala ng sikat nung araw.

Habang tumatagal ay lalong lumalamig ang simoy ng hangin at para bang niyayakap ako nito.

"Nakakamiss talaga dito sa Pinas", pagbasagag ni Kuya sa katahimikang naghari sa pagitan naming dalawa.

Naupo ito sa lapag at gaya ko ay nakasandal din ito sa malaking tarangkahan ng aming bahay.

Napangiti na lamang ako ng maalala kong madalas nga din pala namin tong gawin noon pa man. Sa tuwing wala kaming magawa pagsapit ng hapon, pumupunta kami dito sa labas ng bahay at naglalaro.

Hindi naman nalalayo sa nakasanayan ang naging takbo ng aming pagkabata. Kahit na sabihin pa natin na isang milyonaryo ang aming Ama, gaya parin naman kami ng iba. Minsan nga ay napagkamalan pa kaming pulubi ni Kuya.

Punong-puno ng putik ang damit namin ni Kuya Klyde at napakadungis narin ng mukha naming dalawa. Kung saan-saan kase kami naglululusot at kanina pa kami naglilibot dito sa buong village hanggang sa nakaramdam kami ng gutom.

Napagpasyahan namin na ibili iyong natitira naming pera. Patakbo kaming pumunta dun sa isang tindahan na mukhang kabubukas lang.

"Pagbilan po!"

"Ay naku hindi kami nagbebenta sa mga pulubi alis!", pagtataboy sa amin ng babae.

Wala kaming ibang nagawa noon kundi ang umalis na lang at umuwi sa bahay para makakain. Kinuwento din namin kayla Mom and Dad ang tungkol dun sa nangyari at wala silang ibang ginawa kundi ang tumawa ng tumawa.

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon