-*-
Hailey's POV
Napabalikwas na lamang ako ng bangon dahil sa isang nakapangingilabot na panaginip.
Hinahabol ko ang kinakapos ko ng hininga at marahang pinunasan ang pawis sa aking noo.
Talaga namang nakakatakot ang panaginip kong iyon. Sa dinami-rami ba naman ng estudyanteng nag-aaral sa UP ay ako pa talaga ang siyang makasasaksi sa ganoong tagpo?! Jusko! Hindi ko ata kakayanin kung sakaling magkatotoo ang lahat ng iyon!
"Sana naman ay hindi magkatotoo ang panaginip kong iyon!",
"Bakit? Ano ba yung napanaginipan mo?!"
Unti unting nanindig ang aking mga balahibo ng madinig ko ang isang malamig ngunit pamilyar na tinig.
Dahan dahan akong bumaling sa direksyong pinagmulan noong tinig at hindi nga ako nagkamali. Nagbalik na ang aking kapatid! Muli ko na namang nasilayan ang matangos niyang ilong, ang matamis niyang ngiti, ang mapula niyang labi at ang mga mata niyang nangungusap parati!
"O, titingnan mo nalang ba ako hanggang mamaya?! Wala man lang ba akong yakap jan?!", pagbasag niya sa katahimikang naghari sa amin.
Dali dali akong nagtatakbo sa kaniyang kinaroroonan at niyakap siya ng pagkahigpit-higpit!
Hindi ko lubos maisip na mananabik ako ng ganito kay Kuya. Ang akala ko wala lang sa'kin yung pag-alis niya papuntang Korea pero mali ako doon. Malaki ang naging epekto ng pag-alis ng aking kapatid. Marahil ay ayaw ko lang talagang aminin sa sarili ko noon pero suko na ako ngayon.
Inaamin ko na, na sobra kong namiss ang maloko kong kapatid!
"Kuya Klyde akala ko hindi ka na uuwe!", maluha-luha kong sambit dahil iyon talaga ang buong akala ko. "Ang akala ko seryoso ka nung sinabi mo sa'kin na dun ka na titira sa Korea!"
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nito sa akin at tuluyan na akong napahagulgol dahil don. Kahit na madalas akong pagkatuwaan nitong Kuya kong to, siya parin ang pipiliin ko na maging kapatid kahit na sa pangalawang buhay ko!
"Pwede ba naman 'yon? Masyado na kitang mamimiss kung hindi ako uuwi! Baka hindi ko na kayanin!"
At matapos kong marinig ang mga salitang iyon ay isang alaala ang agad na nanumbalik sa aking isipan...
Limang taon lamang ako ng mangyari ang nakapangingilabot ngunit nakatatawang pangyayaring iyon habang si Kuya Klyde naman ay labin dalawang taon.
Parati kaming magkasama at halos hindi kami mapaghiwalay. Lahat ng sabihin ni Kuya ay sinusunod ko dahil idol na idol ko talaga siya hanggang sa isang araw ay inaya ako ni Kuya na mamasyal. Hindi kami nagpaalam at basta na lamang kaming umalis sa bahay. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta, basta ang alam ko lang ay gusto kong mamasyal kasama si Kuya.
Magkahawak kamay kaming magkapatid habang naglalakad hanggang sa mapagtanto ko nalang kung saan kami papunta.
"Kuya, balik na tayo!", pag aaya ko sa aking kapatid ngunit walang pag-aalinlangan itong umiling at nagpatuloy sa paglalakad. Wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa kaniya at magtago sa kanyang likuran hanggang sa makarating na nga kami sa tapat ng isang nakatatakot na bahay.
"Bunso!"
"B-bakit Kuya?!", kinakabahan kong tanong.
Nakangiting humarap sa akin si Kuya Klyde at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay. "Di ba may tiwala ka kay Kuya?!", tanong niya na ikinatango ko naman.
"Opo, ikaw ang idol ko eh!"
"Good, kung ganon samahan mo ako sa loob ok?!"
Bigla na lamang akong kinilabutan ng madinig ko ang sinabi niya. "N-nakakatakot sa loob K-kuya!", nauutal kong saad.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
Teen FictionIsang relasyon Isang relasyon na ikinagulat ng lahat Relasyon na binunuo ng dalawang taong nagmamahalan ng tapat! Isa sa kinatatakutang lalaki sa kanilang paaralan si Sadge Axl. Isang pinunong kinaiilagan ng lahat. Isang binatang nakahanap na ng ka...