-*-
Hailey's POV
Napabuntong hininga na lamang ako at matamlay na nahiga sa malambot kong kama.
Gaya ng nakasanayan tuwing unang araw ng pasukan ay wala kaming ginawa sa buong maghapon. Bukod sa naganap na oriyentasyon ay hinayaan lang din ng mga guro na lumibot sa buong campus ang mga first year upang maging pamilyar na ang mga ito sa bawat pasilidad na meron ang aming paaralan.
Kinumpirma din ng aming prof na bukas pa magsisimula ang normal na takbo ng bawat klase.
Alas diyes y media na natapos ang orientation at kahit na wala ng mga aktibidad ay hindi parin hinayaan ng mga guro na basta na lamang umuwi ang mga estudyante. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging sitwasyon gayong nung nakaraang taon naman ay pinauwe kami kaagad. Ngunit kung ako ang siyang tatanungin ay wala namang masama kahit na hindi kami agad na pinalabas, para ngang naging pabor pa sa akin ang bagay na iyon dahil nagkaroon ako ng panahon upang makasama si Xyrien.
Nakatitig lamang ako sa kulay asul na kisame ng muli akong mapabuntong hininga.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin mawaglit sa aking isipan kung paano ako binalot ng takot at pangamba kanina ng ipakilala ako ni Kuya Maven sa kanilang mga kaibigan, lalo na ng tapunan ako ng isang nakamamatay na tingin ng leader nila na kung hindi ako nagkakamali ay Sadge Axl ang pangalan.
"Hi Hailey, sa wakas ipinakilala ka rin nila sa amin ng personal", natatawang hayag ni Kai at magalang na nakipag-kamay sa akin.
"Alam mo ba na madalas ka nilang ibida sa amin?!", dagdag naman ni Grey at pasimple pang siniko si Kuya Vaughn. "Bro naniniwala na ako sa'yo ngayon, maganda nga ang pinsan mo!"
Nagkunwari na lamang ako na walang nadinig kahit na ramdam na ramdam ko ang biglang pag-init ng aking pisngi.
"Hindi na ako magpapakilala, bukod kase sa sinabi na ni Maven ang pangalan ko ay nakasisiguro naman ako na hindi mo pa nakakalimutan ang makisig na mukhang to", nakangising sambit naman ni Rhylde at hinawi pa ang makapal at kulay itim niyang buhok.
Bahagya akong nakahinga ng maluwag dahil sa prisensya nila. Mababakas kase sa mukha nilang tatlo ang pagiging masayahin at palakaibigan kaya naman kahit papaano'y gumaan ang aking pakiramdam.
"Uy Sadge, di ka man lang ba kikibo diyan?! Magpakilala ka naman dun sa binibini!", baling ni Kai sa kanilang kaibigan.
Sandali itong napatingin sa kinatatayuan ko at hindi ko inaasahang magtatama ang aming mga mata.
Ang sandaling pagtatama ng aming mga mata ay sapat na upang manumbalik ang kabang aking nadarama.
"Ako si Sadge Axl", maiksing pagpapakilala nito at mabilis na nag-iwas ng tingin."Tara na, baka hinahanap na tayo ni Mr. Jimenez", maowtoridad na sambit nito at mabilis niyang napasunod ang kanyang mga kaibigan.
Walang kaanu-ano'y napagtanto ko na lamang na wala na sila sa aking paningin.
"Hija, ikaw ba'y gising pa?"
Napabalikwas ako ng bangon ng madinig ko ang tinig ni Nanay Loida— siya ang nag-alaga sa amin ni Kuya at halos siya narin ang kinalakihan naming ama't ina. Madalas kaseng wala si Mom and Dad dahil abala sila sa kabi-kabilang business trip.
Dali-dali akong tumayo at pinagbuksan si Nanay Loida.
"Bakit po?", magalang kong tanong.
"Ay naistorbo ba kita sa iyong pamamahinga?", nag-aalalang tanong pa ni Nanay na agad ko namang ikinailing. "Ganoon ba? Akala ko kase ay nagising kita. Siya nga pala, pumunta ako rito para sabihing nag-aaya ng maghapunan ang iyong ama. Sumunod ka na la'ang dun sa baba Hija!"
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
Teen FictionIsang relasyon Isang relasyon na ikinagulat ng lahat Relasyon na binunuo ng dalawang taong nagmamahalan ng tapat! Isa sa kinatatakutang lalaki sa kanilang paaralan si Sadge Axl. Isang pinunong kinaiilagan ng lahat. Isang binatang nakahanap na ng ka...