-*-
Hailey's POV
"CALLING the attention of all students. Please proceed to the gathering hall now. I repeat, please proceed to the gathering hall now!"
Halos mapatalon ako sa gulat ng madinig ko ang isang tinig na nagmumula sa mga speaker na nakapalibot sa buong unibersidad. Agad akong ginapangan ng matinding kaba at nanumbalik sa alaala ko ang tungkol sa aking napanaginipan.
"Jusko pangako, aattend na po ako ng orientation huwag lang magkatotoo ang panaginip kong iyon!", mahina kong pagka-usap sa aking sarili.
Mabilis akong nakipag-unahan sa mga kapwa ko kamag-aral patungo dun sa gathering hall. Wala na akong pake kung sabihin man nila na masyado akong nagmamadali basta kailangan ko talagang pumunta sa orientation na iyon.
Habang patuloy sa paglalakad ay isang babae ang bigla nalang bumunggo sa akin. Hindi ko alam kung sinasadya niya akong bungguin o hindi niya lang din ako napansin.
"Hailey ikaw ba 'yan?!"
Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang isang pamilyar na tinig at hindi nga ako nagkamali. Gaya ng nangyari sa panaginip ko, nandito din sa UP ang matalik kong kaibigan na si Xyrien.
"OMG, ikaw nga. Amisyu bespren!", galak nitong saad at niyakap ako ng pagkahigpit-higpit.
Nag-alangan pa ako kung yayakapin ko din ito o hindi. 'Wag niyo iyong mamasamain ah! Hindi naman sa hindi ako masaya na nandito ang kaibigan ko, hindi lang talaga ako mapalagay dahil baka talaga magkatotoo ang panaginip ko kase eto na nga oh!
Unti-unti ng nagkakatotoo!
"Gosh namiss kita ng sobra!", pahabol pa nito bago ako tuluyang pakawalan mula sa mahigpit niyang yakap. "Wala ka paring pinagbabago, ang ganda mo parin—"
"Ah ikaw ang laki ng pinagbago mo, ang sexy mo tas ang matured mo na masyado, hindi ka na isip bata at mas ok ka na kumpara sa mga elementary student!", pagputol ko sa kanyang litanya at kung tutuusin ay kabaliktaran ng sinabi ko sa aking panaginip ang binitawan kong mga kataga ngayon.
"Ows talaga?! Naku—"
"Naku mali-late na ako sa orientation, sorry kailangan ako doon eh! Inutusan kase ako na ano... Inutusan akong kumuha ng mga litrato kaya ayun, kailangan m-mauna na ako!", pagpapalusot ko pa sa'king kaibigan.
Please sana kagaya ka parin nung dating Xyrien, yung Xyrien na masyadong paniwalain. Hiling ko sa aking isipan.
"Ganoon ba sige, kita nalang tayo mamaya"
Halata man ang lungkot ay pilit parin itong nagpakawala ng isang ngiti. Sandali pa akong hinagkan ni Xyrien sa pisngi at nakaramdam naman ako ng pagkakonsensya dahil doon.
"Sorry ah, promise babawi ako sayo mamaya"
"Ok lang 'yun Hailey, sige na baka mahuli ka pa dun sa orientation. Susunod na lang ako", nakangiti niyang sambit na nagpapanatag sa kalooban ko.
Tumango na lang ako sa aking kaibigan at halos takbuhin ko na iyong gathering hall sa pagmamadali.
Nang makarating ako doon sa lugar ay napansin ko na hindi pa ganoon karami ang mga tao. Inilibot ko ang aking mga mata at naghanap ng magandang puwesto. Halos bakante pa ang karamihan sa mga upuan na nakakalat dun sa hall kaya naman napagpasyahan ko na doon nalang sa bandang gitna maupo.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang mapalinga sa paligid upang siguraduhin na walang sumusunod sa akin hanggang sa may bigla na naman akong makabunggo.
Sa pagkakataong ito, mukhang sinadya na talaga ang bungguin ako!
Napasapo na lamang ako sa aking noo na tumama sa isang matigas na... ewan. Magkasalubong ang aking kilay ng tiningnan ko kung sino yaong aking nakabunggo at laking gulat ko ng isang makisig na lalaki ang bumungad sa akin.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
Teen FictionIsang relasyon Isang relasyon na ikinagulat ng lahat Relasyon na binunuo ng dalawang taong nagmamahalan ng tapat! Isa sa kinatatakutang lalaki sa kanilang paaralan si Sadge Axl. Isang pinunong kinaiilagan ng lahat. Isang binatang nakahanap na ng ka...