Chapter 6 📷

0 0 0
                                    

-*-

Rhuz' POV

Sh*t, hindi ko akalain na gagawin ko to ng dahil lang sa bubuwit kong pinsan.

Nakatanggap kase ako ng text mula kay Klyde at sinabi nito na kausapin ko si Hailey kaya naman nandito ako ngayon sa kotse ko at patungo ako sa mansiyon nila. Alam ko na hindi maayos ang lagay ni bubuwit ngayon at sa tingin ko kailangan niya talaga ng makakausap. Sigurado din ako na alam na niya ang tungkol sa mga banta na natatanggap ni Tito Lorenzo at marahil simula ngayon ay pagbabawalan na siyang lumabas sa mansiyon nila.

Iyan ang mahirap kapag isa kang anak ng mayaman at kilalang tao.

Hindi sa nagyayabang ako pero kilala talaga ang pamilya namin sa larangan ng pagni-negosyo kaya naman hindi maiiwasan ang kainggitan ang mga Harrison-Leigh at ang masama pa nga ay nakatatanggap pa ng mga banta ang mga magulang namin na siyang nagpapatakbo sa kompanya.

Sa tuwing may nagpapadala ng sulat na nagsasabing 'papatayin kita' ay agad kaming pinagbabawalan na magsilabas sa bahay lalo na kung walang kasamang bodyguard. Hindi na bago sa aming magpipinsan ang ganoong sitwasyon dahil ganoon din ang madalas na nangyayari kayla Vaughn at Maven.

Habang nagmamaneho ay napansin kong bumukas bigla iyong cellphone ko na nakalapag lamang dun sa may passenger seat.

Si Hailey.

Bubuwit

Pasundo please? Isip narin kayo ng magandang palusot Kuya para maisama nyo ako

Maisama? Saan?

Nakakunot noo kong binasa iyong mga naunang mensahe at nagulat na lamang ako ng makita ko na may text pala akong sinend sa kanya. Bakit hindi ko maalala na nagtext ako sa bubuwit na to?

Hey, nasa Tangent kami. Tara!

Mukhang alam ko na kung sino ang nagsend ng text na to!

"Buwisit ka talaga Maven!", naiiling kong saad.

Sandali ko pang tinitigan iyong mensahe. At agh, hindi ko siya matiis!

Dali-dali akong nagtipa ng maaari kong itugon kahit na hindi ko naman talaga alam kung ano ang dapat kong gawin at kung saan ko siya dadalhin!

To Bubuwit

Hey, si Rhuz na talaga to. Ihanda mo ang acting skills mo!

Matapos kong maipadala sa kanya ang aking tugon ay agad kong tinawagan ang isa sa malapit na kaibigan ni Hailey.

Ilang sandali lang ay sinagot na kaagad nito ang tawag ko.

[Hello? Kuya Rhuz?]

"Wala ng paligoy-ligoy, itext mo ako ngayon din", mapagmataas kong sambit.

[Huh? A-ano ulit Kuya?]

Halata sa tinig nito ang labis na pagtataka.

[B-bakit pa kita iti-text eh magkausap na tayo]

"Alam mo naman na ayokong masyadong nagsasalita di ba? Ayoko ng magpaliwanag kaya kumuha ka na lang ng papel at isulat mo lahat ng sasabihin ko, bilis"

[O-okay, sandali lang]

Bigla na lang tumahimik ang kabilang linya at mukhang umalis na nga ito para kumuha ng papel.

[Kuya ok na po]

Napangisi naman ako dahil halos wala pang dalawang minuto ay nakabalik na ito kaagad.

"Okay isulat mo lahat ng sasabihin ko"

[Nasulat ko na Kuya]

Kumunot ang aking noo ng marinig ko ang tugon nito. "Anong nasulat mo na? Wala pa akong pinapasulat sa'yo Xyrien!," naiinis kong sambit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paper HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon