-*-
PARA sa akin, hindi mahirap ang pagtalikod sa taong mahal mo kung siya din naman iyong dahilan ng sakit at kalungkutang nadarama mo. Ang mahirap lang ay yung panindigan na kapag tumalikod ka, hindi ka na dapat lumingon pa.
Hindi mahirap ang tumakbo palayo sa kanya. Ang mahirap ay yung pagsampal sa'yo ng katotohanan na sa pagtakbo mo, hindi siya sumunod para habulin ka.
Minsan, para makalaya ka sa mga bagay na nakakasakit sa iyo ay kailangan mo pang 'mas' saktan ang sarili mo!
Wala kang takas dahil yung sakit ang siyang hahabol sa'yo. Hanggang sa mapagtanto mo nalang na yung sakit na dati'y halos ikamatay mo, ngayon ay wala nalang para sa'yo.
"Sadge!" rinig kong tawag niya sa pangalan ko.
Wala akong makita kundi ang walang hanggang dilim.
Wala akong ibang maramdaman kundi ang sakit.
I try to open my eyes and then I see someone crying.
She's got an angelic face but she looks so terrified. I want to stare at her a little longer but my eyes are so weak.
And just before my eyes shut down, memories come flashing in my head.
Hailey's POV
"CALLING the attention of all students. Please proceed to the gathering hall now. I repeat, please proceed to the gathering hall now," saad ng isang tinig na nagmula sa mga speaker na nakapalibot sa paaralan.
Madaming estudyante ang nagmamadaling maglakad patungo sa gathering hall habang ako naman ay narito at sinusumpong na naman ng katamaran!
'Wag ninyo akong masyadong husgahan ah, hindi naman kase talaga ako tamad na tao sadyang nakaka-inip lang talaga kung pupunta pa ako dun sa hall dahil iyon at iyon lang din naman ang mga sinasabi nila. Halos nakabisa ko na nga ang litanya nung principal namin eh.
Scripted, tss!
"Hailey!"
Bigla na lamang akong napalingon sa tumawag sa akin. Isang babae ang nagtatakbo papalapit sa kinaroroonan ko at patuloy pa ito sa pagkaway. Hindi ko na napigilan pa ang mapangiti lalo na ng halos talunin ako nito at yakapin ng mahigpit.
"Namiss kita friend!", masayang sambit nito na lalong nagpalawak sa aking ngiti.
"Alam mo ang clingy mo parin, tama na nga yang kayayakap mo!", natatawa kong saway sa kanya na agad naman niyang sinunod.
"Sorry naman, na-carried away lang!", paghingi nito ng paumanhin.
Napailing na lang ako dahil sa inaasta niya. Wala parin siyang pagbabago, gaya parin siya ng dati at para bang tumangkad lang siya at nagdalaga pero yung kilos, itsura at yung pagiging hyper niya?! Ganoong-ganoon pa din!
"Hay nako Xyrien, hanggang ngayon ba naman parang bata ka parin kung kumilos?!", hindi ko makapaniwalang saad
Bigla naman itong napapalatak at napakamot sa kanyang batok.
"Eh bagay naman sa'kin tsaka ang cute cute ko kaya!", nakanguso nitong tugon. "Aminin mo na lang kase na naiinggit ka!"
"At bakit naman ako maiinggit sayo ha aber?!", naiintriga kong tanong.
"Inggit ka lang kase cute ako!"
"Ay ang kapal Xyrien oh, ramdam na ramdam ko dito yung pisngi mo. Ang kapal grabe!", nang-iinis kong sambit at nagulat naman ako ng hampasin nito ang braso ko. "Aray—masakit yun ah! Alam mo hindi talaga ako makapaniwala na mas matanda ka sa'kin! Kung umasta ka daig mo pa yung mga elementary students eh!"
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
Teen FictionIsang relasyon Isang relasyon na ikinagulat ng lahat Relasyon na binunuo ng dalawang taong nagmamahalan ng tapat! Isa sa kinatatakutang lalaki sa kanilang paaralan si Sadge Axl. Isang pinunong kinaiilagan ng lahat. Isang binatang nakahanap na ng ka...