START OF CLASS

12.5K 148 22
                                    

Mag fi first year college, I was 15 years old back then, hindi ko alam kung ano pipiliin kong kurso. My ate told me na Accountancy nalng since accounting sya at sino pa bang magmamana ng book nya kundi ako, hahaha ako nalang kasi ang mag aaral samin, bunso.I was like "ayaw ko ng accountancy, wala akong magiging bagong libro kapag nagkataon" so eto, architecture nalng mahilig din naman ako magdrawing at marunong onti sa math, then nag explain sa akin si ate na after ko grumaduate I need 2 years of experience sa profession na yon bago ako makapag board exam. So iniisip ko 'ayaw ko non no!'
masyadong matagal!!! gusto konang makatulong sa nanay at tatay ko agad agad dahil hirap din kami financially, so I decided na mag Civil Engineering na. <fast forward> Nag enroll ako sa isang university na nag ooffer ng BSCE, nag inquire, nag provide ng requirements, nagtake ako ng exam and poop!!!! 💩 natanggap ako, yey!!! hahahaha

First day of class, walang masyadong bago maliban sa bagong mga gamit at amoy pabrika kong bag (kapag inamoy mo sa loob) 😂. Kasama kong kumuha ng course na yun yung friend ko na kapitbahay namin, so no choice😂 kami lang maghapon ang magkasama, ayus lang namn. usap usap, makinig mag sulat, magquiz, gumawa ng assignment at at at at PLATE!!! yes plate, isang napakanakakagigil na plate hehe. Normal ang araw hanggang 1 day 😂😂😂😂 eto na....

Hindi mawawala ang acquaintance party na inihanda ng council para sa mga bagong istudyante. Nag invite sila, punta daw na ganito ang kulay ng shirt na kailangan. Pag entrada! yow anong meron,!? nag start ang party with matching speech ng mga student council, nag salita isa isa ang mga prof, nagpamiryenda ng shopao at C2 solo 😂😂 at nagkaroon ng by college meeting after. Kami ng kasama ko nag matyag!! yey naghanap ng mga Gwapings-in short. 😁matatapos na ang party wala parin kaming nahahanap, bilang mga simpleng studyante, upo dito lipat dyan kinig dito at kain dyan ang ginwa namin. So eto na, kung sa tingin niyo mahilig ako sa gwapo lang no! hahahaha kahit d gwapo basta malinis tgnan ang isang guy at saksakan ng talino. Gurl! bet yon!! syempre sa una gwapo muna titignan namin, hanggang sa stalk na kung sakali kung paano ba sya sa klase. 😁 pero syempre wala sa isip namin yon noon. basta samin gwapo nalng muna since start palng ng klase.

So eto na, nagkaroon ng College meetings, bilang kokonti kaming C.E. nagkasya kami sa iisang Classroom, bale drawing room namin yon at mejo maluwag. nag start yung meeting, ulet!!! alam na alam niyo to!! nagpakilala at nag speech ang mga college council 😂😂 so talk talk. nakakain na kami kaya d na mag papamudmod ng pagkain ulet haha. .after nila nagpakilala, (governor only hanggang second rep) kailangang mag elect ng para sa first year representative. so yung mga bully kong kaklase ninominate ako, not knowing it bigla akong tinawag sa harap!!! ako-tulala tunganga manikin dko alam ang gagawin ko!! miggaaad 😱 pinagtripan nila ako. yes!! oo!! ang nakakainis pa non nung botohan na walang bumoto sakin!! hahaha kahit isa! oo kahit isa. kahit yung nag nominate sakin nilaglag ako. hahha pero ayus lang kasi "d namn nila ako kakilala" yun ang nasa isip ko(yun pala hindi ganun yon!! hindi !!! kase dahil sa sobrang konti niyo magiging magkakilala at magkakilala kayong lahat).

After election awarding of certificate na, so kaninong certificate ang mga ito, ito yung mga nasa MENTORS LIST, DEANS LIST at RECTORS LIST, so meaning ito yung mga matatalino?!?!?! yes sila nga 😁😁 so matyag ulit kung sinong gwapo. narinig ko yung isang tinawag, habang naglalakad sya may nagsabi sa side ko, may kausap kasi sya, "yan super talino nyan grabe" so ako. ehh supeeeer???. miggaaddd.????. lahat namn sila actually kasi dba nga may award sila non e. kaso meron nga lang yung mga sikat na matalino.. may naglakad ulet, comment ulet. hanggang matapos ang awarding. yey!! sa sobrang tagal gusto nalng namin umuwi nung kasama ko.

<fast forward> uwian na, yes!!!! uuwi na tayo gurl.. hahahhaa nung palabas nakita ko ulit sila mr. awardee, ang alam ko nagkatinginan mga mata namin , pero akala ko lang, kasi may nginitian ako pero d ako nginitian.

Acquaintance party, madalas exciting pakinggan. anong meron? makikinig kalang sa maghapon at manonood ng mga taong biniyayaan ng talino habang kinukuha ang kanya kanyang certificate nila.

Isang neneng at totoy ang bubungad na itsura mo sa college life. hahahaha aminin man natin at hindi e nagsisipangitan tayong lahat non. maliban sa mga haliparot at sadyang palaayos o di kaya mayaman na conscious sa lahat ng isusuot at itsura nya. Halos lahat tayo pumasok ng mukang may uhog sa ilong 😂😂 na baduy nanga d pa nag aayos. 😂😂 ayus lang yan guys, d ka kayo nag iisa 🙋🙋🙈🙈

After acquaintance party wala masyadong nangyari. First year is normal, normal na magkakaroon ka ng line of six na prelim grade na kailangan mong habulin hanggang matapos ang finals. Mahirap, dahil nasanay akong papasok lang at pumapasa nung high school na pipilitin at dadalawin ka ng teacher/adviser mo para lang pumasa at hindi mag summer (P.s. d ko natry mag summer at dalawin ng teacher-yung pinsan ko lang 😂😂). Sa high school wala kang ibang aatupagin kundi mag aral na hindi ko ginawa 😥😭😭 at nag sisi ako guys promise!. Hindi ako achiever nung h.s. maliban sa hilig ko talaga ang math at proud sakin mga math teacher ko 😊😊 shout out sa mga teacher na nakakagaan ng loob, na feeling mo ang tali talino mo kapag kausap ka nila at kung ipagmalaki ka nila sa ibang klase kahit d namn totoo, gusto lang nilang may ikumpara para pagbutihan ng ibang klase 😙😙, mga teacher na gagawin lahat para mag aral ka dahil pipilitin at pipilitin ka ng teacher mo na dapat papasa ka. Ang isa pang nakakatuwa nung h.s. ay haharangan ka ng guard para hindi ka makalabas ng school niyo, mag cutting class ka man , wala! andun ka lang sa amphi, canteen at pergola niyo at nakatunganga. hahaha yes! yun ang naranasan ko. yung nakatunganga ka na nakasandal sa isang poste na para kang gumagawa ng sarili mong music video 😂😂 nakaka mukang tanga promise! 😂😂(hindi ko matandaan kung bakit ako nag cutting class)

Iba ang college, bahala ka kung babagsak ka, mag summer ka at hinding hindi ka pipilitin ng prof mo o hahabulin man lang para ipasa mo ang subject nila. Malayong malayo ang high school sa college. Terror ang mga college instructor-hindi namn lahat, pipilitin nilang may babagsak, hahabulin mo sila na para kang tanga para lang bigyan ka ng special quiz or exam nung mga panahong sinadya nilang magpaquiz dahil kokonti ang pumasok 😊😊😂. Eto ang isa pang scenario, sobrang dami niyong mag eenroll sa course na iyon-halimbawa sa batch naming mga C.E. 70 kami (yes 70 lang, maliit ang school na napasukan ko kumapara sa iba 😂😂). after 1st sem nalagas na agad ang kalahati sa amin. hindi ako makapaniwala. hahaha nagshift halos ang mga kaklase ko ng dko namamalayan at naging isang section nalng kami nung mag start ang 2nd sem.

Balik ako sa 1st sem na kwento-late akong nag enrol, bakit? kasi ala kaming pera, ang kayang i'provide ng parents ko ay pang araw araw lang na gastos sa bahay at ang magiging allowance ko at allowance ng ate ko. Pero dahil mabait si God, binigyan nya kami ng tito na walang sawang tumutulong (that time pinag aaral nya rin kasi ang ate ko-yung accountancy). isang tito na wala sa kanya ang pera mapag aral lang kami, though d lang kami tinutulungan nya, nag papaaral din sya ng ibang tao,take note! d nya kaano ano basta may maintaining grade na once na may bagsak ka, stop ang scholarship mo 😂😂. So ayun, ang nag finance ng tuition ko ay ang tito ko, kung paano namin sya naging kaano ano? half-brother sya ng mother ko 😊😊.

Mahirap ang first sem para sakin, dahil naging international student ako, nasubukan kong mag klase sa ganitong building na 3rd floor, tapos next class ko ay 5th floor na ibang building 😂😂 para kang tangang hingal na dadating sa klase tapos late kapa 😂😂. Maliban sa nginig ng tuhod at pagod na sobrang laki ng ibinaba ng timbang ko- stress no?, ay nakahalo pako sa ibat ibang klase na kurso. natry kong mahalo sa pharma, business ad., accountancy at iba pa sa isang sem lang. 😂😂 muka akong Alien na walang kakilala sa tuwing papasok ng klase at mukang tanga dahil walang mapagtanungan kung anong nangyari kung d ka man nakapasok ng isang araw. dba ang saya?

Natapos ang first sem sa pag ikot ko halos sa building ng school. sa pag habol ng grade na line of six na kailangan mong i'75 at the end of the sem,dahil weakness ko ang minor ko guys 😂😂 madalas naghahabol ako sa minor. 😂😂 madalas minsan iniisip mo na sila ang major mo, sa sobrang dami ng requirement na gusto nilang tapusin mo 😂. ok enough na tayo sa prof at instructor ng minor subject. wala na tayong magagawa guys. ganyan talaga sila 😂😂

sabi nga nila" d baleng nangongopya ka sa minor mo wag lang sa major subjects mo 😇😇"
yeah!

PLEASE VOTE AND COMMENT IF YOU LIKE THIS STORY😇

HER STORY (true to life story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon