SEPTEMBER-OCTOBER, Foundation ang Event at final exam 😁😁.
Morning non, nagrereview kami sa isang bakanteng room ng mga kaibigan ko, nang biglang dumating si paul, hingal, namumutla at mukang sobrang kinakabahan- nilapitan nya ako, niyayang lumabas ng room, may pupuntahan lang daw kami saglit. Habang naglalakad, lilingon lingon sya kung saan, (nasa second floor kami ng isang building)pagkababa namin, may nakita syang bakanteng room. hinila nya ako doon. nakatitig sya sa akin, mukang kinakabahan, nanginginig promise literal nakikita ko yung kamay nya, pero d nagsasalita ( yung itsura nya, sobrang kinakabahan, yung tipong kala mo may malaki syang kasalanan, nung time na niyaya niya ako, alam kong may sasabihin sya at alam ko kung ano, hindi na ako nagulat nung sa kanya mismo nanggaling, huummmm tama pala yung nasa isip ko) hinawakan nya yung kamay ko sabay sabing "may gusto ako sayo, pwede bang manligaw", alam kong sasabihin niya yun, pero d ko alam, natameme padin ako, dko din alam kung bakit alam kong magtatapat sya, wala namn silang nababanggit(yes alam ng mga kaibigan kong may gusto sya sa akin, at sa kaniya sila boto- sinabi nila sa akin after ko ikwento, alam din nila that time na magtatapat sya, buti pa sila 😂😂, pero kahit minsan wala silang nabanggit, dko alam kung feelingera lang ako, o talagang totoo yung "girl instinct" na sinasabi nila), hindi ako makapagsalita, alam kong sasabhin niya yun, pero bakit??? hindi pa ako ready na marinig??? hindi ko alam, pero may saya sa puso ko na gusto kong marinig sa kanya yun, pero nung narinig kona, nagmistula akong yelo na nanigas nalang basta. nakatitig sya sa akin, hindi padin ako nagsasalita, ng biglang may pumasok!!! mga kaklase ko 😂😂 nasira moment namin. lumabas kami at hinatid niya ako sa room. walang nangyare.
Natapos ang Foundation day at Exam wala syang nakuhang matinong sagot sakin. Masaya, Naka move on nako kay chad? meron pa, konting konti nalng. Madalas kona kasama si Paul, hindi ko alam sa kanya, humihiwalay sya sa grupo nya(mga kaibigan) para sumama sa amin. Halos araw araw kami noon magkasama, minsan kaming dalawa lang, ewan, humihiwalay kami, nahihiwalay, basta magkasama kami madalas after niya mag confess.
DECEMBER, sa mismong araw ng birthday ko, may event kasi kailangan mag perform. Magkasama padin kami ,mas lalong naging close, as usual may pasok, program, may event ng gabi- concert, pero nung mga hapon nung araw na yon, hindi ko kasama si paul naghiwalay na kasi kami nung bandang hapon. Nagulat ako pagdating niya ni hindi pa sya nakakaupo, hinawakan nya na kamay ko, sabi niya sa mga kaibigan ko "hihiramin ko muna sya". hawak nya kamay ko hanggang sa makarating kami sa medyo walang tao na lugar ng school, mga kuneho at ibon lang ang meron (alaga sa school). huminto kami sa mismong tapat nung mga hayop, nakatitig ulit sya sa akin, hindi na sya mukang kinakabahan tulad nung dati. alam ko nanamn ang sasabihin niya, yun ang nasa isip ko, bumukas ang bibig nya, grin'neet nya ako "Happy Birthday" tapos sabay dugtong ng kung napag isipan konadaw ba yung sagot. Sa sobrang kaba ko at excitement napasagot ako ng "OO" "OO TAYO NA" !! 😱 . Hindi manlang ako nag isip, niyakap nya ako. Yung muka nya hindi mo maipinta sa sobrang saya, ako naman hindi ko alam, masaya ako pero bigla akong kinabahan, pumasok lahat sa isip ko, what if hindi kami mag click, what if hindi pala kami, sayang yung friendship hindi na ako makakahanap ng katulad nya, baka masayang yung taon at mga taon panaming pagkakaibigan at pagsasamahan, sya ang first bestfriend ko na lalake, lahat pumasok sa isip ko. nalungkot ako bigla.
Natapos ang event umuwi na kami, hindi ko alam, hindi ako kuntento?? blanko isip ko, nagtext ako sa kanya, inexplain ko na "oo tayo na" is M.U. na Besfriend muna, sa sobrang dami kong inexplain walang kakwenta kwenta, hindi ko na maalala.baka nabigla lang kami, hindi ko alam, andami kong inexplain sa kanya, na baka maghiwalay kami mag away, muka akong baliw. After noon, nanlamig sya, ikaw ba naman sinagot mo ng gabi tapos parang brineak mo din ng gabi, kahit sino siguro mabwibwisit sa akin 😂😂 ang gulo ko kasi. after noon ok padin, pero hindi na tulad ng dati, ako yung talo, sana hindi ko nalng sya pinaasa. Sabi namn nya willing daw sya maghintay...😣😣 ako sobrang naguguluhan. Gulong Gulong gulo.
Hindi na tulad ng dati kung magtexan kami, siguro ok na yung kamustahan, anong ginagawa mo tapos.. tapos na. Maliban sa pag Greet ng Christmas wala nang ibang nangyari. Sa isip ko at paniniwala, Ok padin kami. Sana..
New Year noon, may tumatawag na number, hindi nakaregister sa akin pero parang kilala ko yung number , Pagkasagot ko, Si Chad!!!!! yes si Chad!!! matapos ang ilang buwan na hindi nagparamadam!! tumawag sya. Nag greet ng happy new year sabay nag eexplain Mahal nya padaw ako, nag sosorry, kung gusto kodaw pupuntahan nya ako, lumalambot nanaman ako, sabi ko lasing lang sya, itulog nalang nya. hindi kona pinatagal ang usapan at baka may masabi nanamn sya na ikalalambot ko. binabaan ko sya ng Phone at hindi na sumagot sa mga text nya.
"SINO ANG PIPILIIN KO, MAHAL KO O MAHAL AKO"
PLEASE VOTE AND COMMENT IF YOU LIKE THIS STORY 😊😊
BINABASA MO ANG
HER STORY (true to life story)
RomanceHi! I just want to share my story. Kung single, may boyfriend, o may asawa nako ngayon, malalaman niyo sa takdang panahon hehe. Para lang akong nagkwekwento sa inyo na magkaharap tayo 😊 Ako nga pala si RIN nice to meet you 😇😇, I'm 22 😇 I'm Chubb...