Start ng second sem ng pagiging first year student ko, unti unti napalapit ako sa mga kaklase ko dahil mas madami nang subject na kasama ko sila. Naging close ako sa isang grupo na mayayaman/may kaya namn yung iba, meaning nakakaangat sa buhay. Napagkamalan ako ng iba kong kaklase na galing sa school kung saan sila galing dahil daw kalevel ko daw sila kung tignan nila ako, pero hindi guys. isa lang akong hamak na studyante na galing sa isang Public School!!! and I'm proud of it.😇😇 Nag daan ang linggo buwan at naging close ko sila. masaya sila kasama hindi matapobre at lalong lalo na barkada ang turing nila sayo. Madalas sa after ng klase umiinom sila, kaya madalas out of place ako dahil d ako umiinom ng alak. Kapag trip nila lalabas ang mga yan. ako namn routine ko? uwi sa bahay pasok sa school uwi sa bahay at pasok sa school.
Halos lahatt ng kaklase ko close ko, magaling ako makisama. Yun ang gusto nila sakin, yun nga lang d nila talaga ako mapilit lumabas, gumala at uminom ng alak, alam nila limitations ko. Halos lahat ng kaklase ko ay may kaya sa buhay. iilan lang kaming average ang antas ng pamumuhay. Naging magkakasundo kaming lahat at walang naiwan, maliban sa iilan namin kaklase na sadyang nawawala-dahil hindi maintindihan ang ugali na nakakasuya. Naging madalas ang labas nila at madalas ang naging pagtanggi ko, minsan hindi na nga nila ako inaaya kapag lalabas sila dahil alam nilang tatanggi ako. Masaya ang naging takbo ng kwento ng pagiging magkakaibigan namin hanggang sa isang araw may isa sa barkada namin ang naging heart broken.
Ako ang isang naging close nung barkada naming yon. Sya si Gen, Gwapo sya, matalino, maputi, matangos ang ilong kaso mataba. kung bakit sya naging broken hearted ewan ko? ibang course ng girlfriend nya kaya baka d sila nag click. Ang kwento sakin basta nalng nakipag break si gf nya, ako namn si "ayus lang yan, madami dyang iba". inshort naging comforter nya.
Naging "ATE/KUYA" ang tawagan namin, halos magkatabi na kami sa lahat ng subjects ng mga panahon nayon. ako naging comforter nya hanggang sa d ko namamalayan nag papahiwatig na sya na may gusto sya sakin.ako namn si tanga? bakit dko nilayuan. wala e barkada. nung una sabi ko sa kanya hindi pwede, kasi friends kami sayang ang relationship kung masisira. ang sabi namn nya hindi daw kasi nasa amin namn daw yon. ang dating sakin noon rebound!!! hahahha. masyado syang naging malapit sakin at sa family ko, sobrang bait nya wala akong masabi. hanggang sa nagustuhan kona sya, at sinagot kona.
Maayos ang unang buwan, masaya, andyan yung inaasar kami na pa "ATE ATE/KUYA KUYA" padaw kaming nalalaman😂 yun pala kami na. then hanggang sa nasanay nalang kami na nang aasar sila at hanggang sa nagsawa nalng din sila na mang asar. inaraw araw ba namn.
one time nadisgrasya ako, yes! nabundol ako ng sasakyan. at hit and run guys! no choice dukot nanamn si daddy nuon ng pera para sa pang gamot at pang hospital ko. THANKYOU DADDY!! ILOVEYOU 😊😊😊😇😇. d ako nakalakad ng almost 2 months. nakasaklay ako at one month na d pumasok sa school. awa ng diyos nakahabol naman. sya ang naging sandalan ko, naging kanang paa ko taga hatid sundo at taga bantay. hanggang sa naging official na kami sa family ko.
<fast forward> gumaling ako ng tuluyan at nakapasok sa school. ok ang lahat ng biglang nag iba ang ihip ng hangin, hindi na sya "SYA".
Alam kong adik sya sa COMPUTER GAMES, pero d ko inaasahan na hahantong sa ganon. madalas d na sya pumapasok, may time naman sya sa akin pero iba na kasi. madalas ala syang pera, maghapon sa computer shop at minsan humihingi/umuutang sa mga kaklase namin ng pera na dapat d namn nya gagawin kasi alam kong sakto ang pera na allowance nya.
Bigla akong napaisip, 3months na kami noon. sabi ko d ko pa talaga gaano syang kilala. masyado lang ata akong na attach sa kanya dahil sa pagiging comforter ko nung nagbreak sila ng gf nya at kami ang naging laging magkasama. sumobra ang addict nya sa comp to the point na wala na syang pera at napapabayaan na nya ang grades nya-galing syang Science curriculum. Wala na yung dating Gen na kilala ko, kung baga sa addict, nalulong na sya. Sa sobrang ginwa nyang yon, kinausap ko sya. tama na. kung hindi kaya kahit bawasan lang. wala mas sumobra pa, naging gawain nya to the point na iisipin ko kung may kinabukasan paba ako sa kanya? tingin ko wala na. nakipag break ako umiiyak sya sa harap ko. dun ko narealize na comforter nya lang talaga ako. naramdaman ko yung awa na ayaw kong makasakit, d ko alam pero d ko kayang nakikita syang ganon. sobrang friend ang turing ko sa kanya kaya dko kaya. pinag bigyan kopa sya. sige isa pa, hanggang sa naging dalawa tatlo apat ay ewan na.
Mas lumala, at sobrang naging magastos sya-inuulit ko guys wala akong problem sa ugaling meron sya, bisyo lang talaga. Naisip ko d ko kayang makasama ang lalaking to, wala akong magiging future sa kanya. nakipag break ako thru phone. dko kaya personal kasi baka dko nanamn ituloy. nagpalit ako ng number para d nya makontak iniiwasan ko sya sa school, dun ko na realize na kapag d ko na sya nakita, wala na pala sakin. guys nabiktima ako ng "AWA"- awa ko lang pala sa kanya kaya ko sya sinagot, na hindi ko pala talaga sya mahal. "SORRY GEN! TOTOO LAHAT YUNG PINAKITA KO SAYO, KASO FEELING KO HANGGANG DUN NALNG YON. HANGGANG KAIBIGAN LANG TURING KO SAYO. SORRY KUNG IMBIS NA PUNAN KO ANG SAKIT, DINAGDAGAN KOPA" pero yun ang akala ko. dahil after namin magbreak. 💩 poop nagkabalikan naman sila nung Ex nya na iniyakan nya kaya ko sya sinagot 😂😂😂😂 ayun. happy nadin ako.
Nagtransfer sya ng school, d na sya nagpakita sakin after nagkabalikan sila ng ex nya. hanggang sa nabalitaan ko nalng nag stop sya at naghiwalay sila. Sa ngayon ang balitan ko nalng sa kanya ay may iba na syang girlfriend-hindi si ex. at masaya na sya. ang nakakalungkot lang, d na sya nag aral.. "KAY GEN, SANA MAG ARAL KA, IPAG PATULOY MO, SAYANG ANG TALINONG IBINIGAY SAYO NI GOD, WAG MO SANANG SAYANGIN"
sa iyo" wag kang papayag na maging comforter, kasi either masasaktan ka, o masasaktan mo sya, dahil sa maling desisyon mong ginawa- na ayaw mo lang madagdagan ang sakit na nararamdaman nya kaya sinagot mo sya. wag ganun guys. hindi yon love. learn from my mistakes. " love - Rin
PLEASE VOTE AND COMMENT IF YOU LIKE THIS STORY😇
BINABASA MO ANG
HER STORY (true to life story)
RomanceHi! I just want to share my story. Kung single, may boyfriend, o may asawa nako ngayon, malalaman niyo sa takdang panahon hehe. Para lang akong nagkwekwento sa inyo na magkaharap tayo 😊 Ako nga pala si RIN nice to meet you 😇😇, I'm 22 😇 I'm Chubb...