Pagkatapos kong matanggap yung sinulat nya, napaisip ako. eto pa ba yung lalaking papakawalan ko? sweet(in his little ways), mabait, matalino, gwapo. Handa na ba akong sirain ang pagkakaibigan namin kung sakaling hindi magwork yung relationship namin. Madami akong tanong, marami akong inisip, gumawa ako ng matinding derivation bago ako nag come up sa isang formula 😂 sabi ko sa sarili ko, sige paul... konti nalang paul ..konti nalang.
pinilit ko syang iwasan, dahil sa pinipilit ko ding wag mahulog sa kanya. may takot padin ako. one day nag decide akong wag magtext sa kanya, as in.. kung kaya hanggang kailan ko kaya. sya text ng text hanggang sa hindi na ako nakakatanggap ng messenges niya, nag sawa na ata. may part sa akin na hinahanap sya pero tinitiis ko. then meron yun time na as in hindi na sya nag text sa akin. inopen ko sa mga kaibigan ko, na namimiss ko sya pero ayaw ko mauna magtext,(aminin natin, ako nag umpisa ng set up na ganon., tapos ako din pala unang makakamiss 😂) nagulat ako pag kakwento ko sa mga kaibigan ko ng umaga, kinagabihan nag text sya, nangangamusta, nagsosorry kung bakit hindi nya ako natext, o alam niyo na. mga bwiset na kaibigan ko nag kwento sa kanya.
narealize ko hindi kona pala kayang wala sya, nalulungkot nako kapag hindi ko sya nakakausap, ayaw ng isipan kong tanggapin kung sakaling mapupunta sya sa iba, inshort hindi ko na kayang mawala sya.
Mag eend ang second sem, madami sa kaibigan ko ang bumagsak, kailangan naming mag make up class dahil mag reremidial sila. need ko sila tulungan kasi syempre maliban sa kaibigan ko sila, gusto ko sabay sabay parin kami dapat. walang maiiwan tulong tulong. nag decide kaming talo(ng ilan sa mga kaklase ko, 3 lang kasi kaming pumasa noon sa major subject na hindi na kailangan ng remedial) na magturo sa mga bumagsak naming kaklase at kaibigan. hindi ko inaasahan nag prisinta si paul na mag lecture din(dagdag pogi points😊). effort sya kung saan kami nandoon sya, kung saan lang kasi available na bahay ng isa sa amin doon magaganap ang lecture, so bes palipat lipat kami, pwede naman sa school kaso most of the time occupied halos ang room at nauubos ang oras namin kakahanap ng vacant room.
sa mga nag daan pang buwan marami akong nakita sa kanya na hindi mona makikita pa sa iba. (exaggerated)😊😂. walang bisyo, maliban sa libro 😂, yep you read it right. hindi siya umiinom at naninigarilyo, most of the time nasa bahay, shop nila, o nasa school lang sya, p.s. religious pa😍 at sa tagal naming magkakilala, hindi kopa sya narinig nagmura, malumanay magsalita, malinis sa katawan,mabango😳 hinahanap hanap kona sya (niyayakap ko kasi mga friends ko girl or boy at nahahug kona sya-chansing 😂)...kaya ko ba kapag nawala pa sya. inuunahan padin ako ng takot na baka hindi mag work, pero this time sigurado na ako.
Mismomg remedial exam nga mga classmate namin, habang nakaupo sa pergola, hindi kami magkatabi. (may puno, napalibutan ng konkretong upuan at lamesa, nasa tapat ko sya)
(hindi ito yung sakto pero ito yung natatandaan ko)
ako:Paul!
paul: (tumingin)
ako: tayo na?
paul: tayo na?!?!?!😊😊😇😇
ako:wag mokong babatiin ng monthsary ha? baduy yon!
paul:(lumapit sya, tinabihan ako, tapos sobrang saya nya, para syang may bulate sa pwet na d mapakali, tapos naka smile lang)
tayo na?😊
ako: oo nga.
paul:happy monthsary 😊
ako: hahaha wala ngang ganon. wag kang babati. baduy baduy
paul: happy monthsary😊😊 (sabay didikit sya at ikikiskis yung balikat nya sa balikat ko na parang nang aasar at nagtatawanan kami)masaya ako sa desiyon ko? oo sobra!! 😊masaya ako sa kanya, hindi niya pinaramdam sakin na hindi ako mahalaga. Prinsesa nya daw ako at magiging reyna. minsan may problema pero di maiiwasan, hindi kami madalas magtalo sa mga seryosong bagay, pwera kapag sinusumpong ako. 😂 hahaha girl problems 😂 5years na kami 😊 at nag plaplano na sa mga bagay bagay sa future 😊 parehas narin kaming lisensyadong inhinyero sibil 😊 kakapasa nya lang din last july sa isa pang exam (another title). masaya kami. madalas nagkakatampuhan pero d sya natutulog sa gabi hanggang hindi kami ayos. hindi padin sya nagbabago baliw padin 😊 kung paano ko sya na nakikila yun padin sya, walang pagbabago😳 hindi kopa pinapabasa ito sa kanya, aware sya pero hindi ko sinasabi sa kanya kung anong title at nahihiya ako. hahaha saka na siguro.
madaming daan kung paano mo makikilala ang para sayo, madami akong nakilala tulad ni mr. stalker, mga friends (common friend namin ni paul), at ni lance,bago ko sya nakilala, na kung saan parang sila ang naging daan para maging malapit kami ni paul sa isa't isa at matutuon lang ang pansin ko sa kanya.. siguro sasabihin ng iba 5years palang kami at may mga susunod na taon pa. pero para sa amin... kami? naniniwala kami sa sarili namin at sa isa't isa na kami na talaga, na wala nang iba pa, dahil nasa amin si God na gumagabay sa bawat sdesisyon naming pinipili kung ano bang dapat at hindi dapat.. nagkakamali pero mas marami parin ang tama..maniwala kalang... dahil kung ikaw sa sarili mo hindi naniniwala papaano pa ang iba. 😊
😊 kaya kayo, baka nasa tabi tabi lang si forever, hindi niyo napapansin 😇Sa lahat ng tumapos hanggang dulo. maraming samalat 😊 hanggang dito nalang muna, bubuo kami ng magandang kwento😊 asahan niyo. at sana kayo din. thankyou so much sa tyaga.pagpasensyahan niyo na hindi ako good writer, napakwento lang talaga ako. 😊 hanggang sa muli. 😊
Vote and share kung nagustuhan niyo😊 at kung may tanong ready akong sumagot😇
MULI, MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA NG AMING KWENTO.
BINABASA MO ANG
HER STORY (true to life story)
RomanceHi! I just want to share my story. Kung single, may boyfriend, o may asawa nako ngayon, malalaman niyo sa takdang panahon hehe. Para lang akong nagkwekwento sa inyo na magkaharap tayo 😊 Ako nga pala si RIN nice to meet you 😇😇, I'm 22 😇 I'm Chubb...