STALKER

2.8K 45 1
                                    

Hapon noon ng sabado wala kaming magawa ng mga kaibigan ko, naisipan naming tumambay sa classroom kung saan walang nagklaklase. (yung room side lang ng gymnasium so pag open mo ng door, court ang meron-nasa second floor kami). May parang narinig akong naglalaro ng ball games, so naisipan kong manuod. lumabas ako ng room tumayo ako kung saan tanaw ko yung mga nag lalaro-habang nakasandal ang mga braso ko sa railings, "Click" (may tumunog na shutter ng camera sa likod ko) pag lingon ko may nakatutok na camera sakin, syempre ako patay malisya baka hindi namn ako yung kinuhanan ng litrato, tumingin ako sa magkabilang side kung saan ako nakatayo-napansin kong wala, ako lang mag isa, nilingon ko ulit sya pero pag tingin ko wala na, hinabol ko sya kahit diko alam kun saan sya nagpunta pero wala. Tinanong ko yung kaibigan ko kun may dumaan sa corridor ang sabi niya meron daw pero nakababa na ng hagdan. tinanong ko kung sino yon at nakilala nya naman-si Jake daw pala yun, tinanong nya sakin kung bakit ko natanong ang sabi ko nalng curious lang ako kasi nakita ko sya, d namn na sya nagtanong ng iba pang dahilan.

Hindi ko alam na crush nya pala yun, so bigla syang napakwento. Sya daw si Jake-sobrang talino,tahimik, mayaman, medyo chubby, maputi, ang kaso lang kala mo almost perfect na?? suplado sya at medyo mahangin. So nagkwento pa sya ng tungkol kay jake pero ako hindi na nakikinig kasi iniisip ko parin kung ako talaga yung pinicturan nya o hindi at bakit naman sana.

Naisipan kong kunin yung number niya sa isang common friend namin, kung bakit? hindi ko din alam. Hindi ko masabing gusto ko sya kaya ko kinuha yung number nya dahil unang una sa lahat hindi ko sya type (yes!! hindi promise!! bakit? kase mas matangkad ako sa kanya, at pangalawa? dahil mas matangkad parin ako sa kanya 😂) maliit sya, hanggang sa tenga ko lang sya. Pag kakuha ko ng number nya nag PM ako agad sa kanya, nagpakilala ako and guess what???!!! pagkasabi ko ng name ko kilala nya ako. Gusto ko sana tanungin kung sino yung pinipicturan nya that time pero nawala kasi na divert yung topic namin tungkol sa ANIME. Parehas pala kaming palanood non, at hindi lang yun, sa sobrang addict nya, memorize nya lahat halos ng anime, lalo na kapag favorite nya- sobrang memorize pati character. Hindi ko na natanong yung itatanong ko sa sobrang pagkahumaling namin sa mga anime na pinag uusapan namin. Sigundo-minuto-oras ang dumaan,magaan pala sya kausap hanggang sa nakalimutan kong itanong yung itatanong ko dapat.

Dumaan ang araw linggo at buwan, naging magkatext kami, madalas magkausap pero ang awkward don? kapag nagkikita kami sa school hindi kami nagpapansinan 😂😂 as in! parang d kami magkakilala. Madalas magkasama silang magkakaibigan. Grupo sila ng matatalino na parang gusto mong lagi makihalubilo para mahawaan ka naman.

Isang umaga habang nasa klase nagulat ako, nagtext sa akin yung isang kaibigan ni Jake na hindi ko namn nakakausap, since alam ko namn na kaibigan nya reply namn ako. Sya si Daniel, nakatext ko sya, naging kaibigan, kapag nagkakasalubong kami nag ngingitian at nag uusap din namn, si Jake lang talaga ang hindi. hindi ko alam kung bakit. kung nahihiya ba sya o ewan. Ayaw kong ngumiti kapag nasasalubong ko sya dahil poker face sya lagi baka mapahiya lang ako, tuwing magkatext namn kami wala namn kaming ibang pinag uusapan kung hindi anime lang. So balik tayo kay Daniel, naging close kami, as in close! nasasabi ko sa kanya kung sinong crush ko at siya kung sinong crush niya, mga kasaklap saklap ng instructor at kung ano ano pa, naging close kami na parang magkapatid, kuya nanga tawag ko sa kanya at ako namn ang ading nya (walang halong landi to guys, pure friendship 😊 nililinaw ko lang😂- kung bakit nya kinuha number ko at kinaibigan ewan kona), halos lahat ng sikreto ng isat isa alam namin. Maliban sa nag iisang sikreto na hindi nya sinabi sakin.

COLLEGE NIGHT- Isa ako sa mag prepresent ng intermission number-Grupo kaming sasayaw.Masaya, magulo, busog, at maraming nakakalat na gwapo😊😊 Nag tataka ako, bago mag college night may hiningi syang number ng kakilala ko, ako namn bigay lang, basta meron. Yun pala, type ni loko😂😂 . Nag papicture sya kay girl after College night, ako namn tawang tawa sa ginwa niya. yun daw yung dahilan kung bakit ayaw niyang sabihin, dahil tatawanan ko lang daw sya😂😂 (so lilinawin ko guys, mas nauna kaming naging close bago nya nalaman na kilala ko yung bet nyang girl) naisip nya lang itanong kung alam ko yung number, and napa hooray namn sya dahil kilala ko-nakita nya daw kasi minsan na kasama ko.

Balik tayo kay Jake- niyaya niya akong umattend ng meeting, Anime addicts ang member at org. sya sa school. Sabi niya sama lang daw ako, masaya daw yun at makakopya pa daw ako ng anime ng libre, ako naman go!!! walang mawawala.

Usapan, hapon ang meeting sa ganitong classroom. punta namn ako. Masaya nga! libre kumopya ng anime🎥 😇😇 so nauna ako humiram nung hard drive. yeah! hahahaha na parang yung lang talaga yung pinunta ko doon.😂😂

Low-bat yung laptop ko, nanghila ako ng upuan na malapit sa receptacle. nagulat ako may umupo sa harap ko-si jake, guys!!! first time!! kinausap nya ako ng personal!!😂😂 mga 5 mons na kaming magkatext noon at himala, first time nya talaga ako pansinin at kausapin. Kinukulit nya ako, ginugulo habang nag cocopy at inaasar, nagtatype sya ng word "SEX", "XXX" at kung ano ano pa sa laptop ko dahil baka may porn daw ako-sabay tatawa. Isa sya sa officer ng Org. nayun so yung iba lumapit samin at nag tatawanan. kung ano anong ginagawa nya at magulo sya promise!! as in ginugulo nya ako.

Nag start ang meeting, ako hinayaan ko yung laptop ko sa kanya at lumabas para mag c.r. Hindi ko inaasahan yung mga sumunod na nangyari pagbalik ko. 😱😱

"Kaibigan-masarap ipagyabang na marami ka nyan, masarap isipin na hindi mo sila mabilang, pero kapatid mag isip ka! Iba ang kaibigan sa kakilala lang"-Rin

PLEASE VOTE AND COMMENT IF YOU LIKE THIS STORY 😊😊

HER STORY (true to life story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon