Start ng Class, Second Year nako. Naging sobrang close na kami ni Paul,3rd Year na sya(madalas na kami magkausap Phone man o Personal-ang favorite tambayan namin?? Library 😂😂 Madalas nila nakikita kami lang dalawa ang magkasama, pag kakamalang kami na sa dalas namin magkasama, Crush ko sya?? Oo 😊 Mabait sya sobrang bait, Maalalahanin, Matalino, Gwapo, Maputi, matangkad (nababalitaan ko madaming nagkakagusto sa kanya, pero d sumagi sakin magselos 😊😊 in short sya ang naging first Bestfriend ko na lalaki), sya na ang napagkwekwentuhan ko ng problema, Simple man o malala, mga kwentong prof at kwento na nangyayari sa klase namin lahat alam nya. Halos Alam na nya lahat sa akin at ganon din ako sa kanya 😊
Naisip kong isave yung number na iniwan ni Chad, kung bakit hindi ko alam. Diko sya type sa totoo lang, walang special sa kanya maliban sa matalino sya, maputi, mataba, matangkad at mukang babaero, sya yun. Naisip ko syang itext sayang load ko non, wala akong katext. busy ata si Paul.
Habang magkatext, naglolokohan, as usual si Lance parin kinukulit nya sakin, hanggang sa lumipas ang araw linggo at buwan nawala na sa usapan namin si Lance at nararamdaman ko parang iba, parang may gusto na syang ipahiwatig. (may gusto na sya sa akin)
Alam ni paul na katext ko si Chad, sabi konga, lahat ng kwento ng buhay ko alam nya 😂😂. mga 2nd sem na nung naisipan ni Chad na magtapat. ayun may gusto nga daw sya sakin. ako namn nahulog, hanggang sa dumalas ang texan namin (excuse nya lang pala si lance para magpapansin). nagkikita kami pero ayaw ko lumapit sa kanya, tatabihan nya ko pero iiwas at lalayo ako, AWKWARD 😂😂.Hanggang sa ok na sana, Nahulog na ang loob ko ng biglang....
Morning noon, yung classmate kong saksakan ng chismosa e napakwento sakin. kilala nya pala si chad, nakakachat nya, actually wala namn something sa kanila ( si ateng girl kasi, kailangan kapag kilala mo, kilala nya dapat, ewan ko ba. hahaha sakit nya yun, ayus lang namn sakin at nalaman ko ang totoo dahil sa kanya). nakwento nya na may kwinekwentong ibang girl si Chad sa kanya, until that time daw nililigawan nya, syempre ako nagulat at napakwento nadin nung tungkol sa amin. after namin mag usap ni ateng girl. naiwan ang isip kong lumilipad, as usual wala akong mapag sabihang iba maliban kay Paul at tatalakan ako ng mga kaibigan ko.
Hindi ko alam kung paano ang next move na gagawin ko, naalala ko nasa library kami ni Paul nung kwinento ko sa kanya, mangiyak ngiyak ako habang sya namn nakikinig lang. yun pa ang maganda sa kanya, sobrang galing nyang makinig.. haha talent nya yon.. panay nako reklamo sya positive padin 😊 after non, Mejo malamig na kami ni Chad, dko na sya gaano kinakausap masyado, pero ramdam ko yung sakit, mahal kona kasi, marami na sya nabanggit at nasabi, gusto na nya ako ipakilala sa family nya ako lang ang may ayaw kasi hindi pa nga kami, pinag iisipan at nababanggit niya na kung paano nya ako madadala sa U.S. kasi after graduation lilipad na sya agad(pero late na nya nasabi yon, parang isa payun sa dahilan kung bakit ayaw ko syang sagutin, dahil Long Distance Relationship ang magiging Situation namin). gusto ko syang sagutin pero ayaw ng isip ko. Baka bglang ayaw nya na sa akin kapag nalaman nyang broken family kami. Madaming time na sa tuwing mag babanggit sya, gusto kong umoo pero panay ako "pag iisipan ko muna" 5mons na siyang nanliligaw ng mabalitaan ko yong kay ateng girl.
Naisip kong i confront sya, gabi non tumawag sya. kinwento ko yung kwinento ni ateng girl, sabi niya bat daw naniniwala ako sa kwento ng iba ( helo, bakit sana magsisinungaling yun sa akin, e pinakita nya pa yung chat'tan nila😢😭) so sya ayaw nyang aminin, hanggang sa ako na ang blineblame nya, umamin si g*g* , kaya nya lang daw nasabi yon e kasi naiinis sya sakin at d ko daw sya tinatawagan at tinetext. sinadya nya daw yun para makarating sakin. Sa puntong yon magulo na ang isip ko, d ko na alam ang tama at mali sa mga sinasabi niya,(bago kasi mangyari yun, mejo dko na talaga sya matext at matawagan ewan ko, wala sa isip ko na ganon na pala siya mag isip). Napaiyak ako...
kinaumagahan nalaman ko sa kaibigan kong kwinento ni Chad na iniyakan ko sya, ang tanong nila sakin bakit daw? e hindi pa namn daw kami, bakit ko na daw iniiyakan. ewan ko pero napahiya ako sa sinabi ng kaibigan ko. napatext ako sa kanya at napamura. tinanong ko kung bakit pati yon kailangan nyang ikwento. d sya nag reply.
walang explanation, nanlamig na sya. that time naniwala na ako kay ateng girl na totoo lahat ng sinabi niya. pero bakit ganun, muka parin akong tanga, kapag nakikita ko sya at nakakasama sa isang room pilit parin ako lumalapit sa kanya, ang sabi nung ibang kaibigan ko. tama na daw. muka na daw akong tanga ( that time kasi 3 silang nanliligaw sakin, pero sya lang inentertain ko).
hanggang sa narealize ko, bakit ako nag iinvest sa taong walang pakielam sakin, sa nanadyang saktan ako , hindi panga kami. Ako ba may kasalanan? masyado ko bang pinatagal, nasobrahan ba ako sa kaartehan, masyado ba akong nag isip. September yun, dumating ang october, november at hindi na kami nag usap, nagkikita kami pero nag iiwasan kami. nagpalit nadin ako ng number, saka ko sya blinock sa facebook sobrang affected ako.😂😂 wala akong naging ibang sandalan, kundi ang mga kaibigan ko at si Paul.
Dumating ang december na diko inaasahan ang mga sumunod na nangyari😇😇...
"Nakilala mo sya, hindi dahil nakilala mo lang sya, lahat ng taong dumadating at dadating ay pupuno sa istorya ng buhay mo para maging makulay, tiwala lang. sabi nga EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON" -rin
PLEASE VOTE AND COMMENT IF YOU LIKE THIS STORY 😊😊
BINABASA MO ANG
HER STORY (true to life story)
RomanceHi! I just want to share my story. Kung single, may boyfriend, o may asawa nako ngayon, malalaman niyo sa takdang panahon hehe. Para lang akong nagkwekwento sa inyo na magkaharap tayo 😊 Ako nga pala si RIN nice to meet you 😇😇, I'm 22 😇 I'm Chubb...