"PARA SA GIRLFRIEND KONG SELOSA"

39 0 0
                                    



"Hi baby 👋🏻

Remember one time nung nagselos ka sa ex ko? Di ba binalikan mo lahat sa Facebook timeline ko? 😂😅 Ni-screenshot mo yung mga facebook posts ko na nakatag siya 3 years ago pa tapos sinend mo saken? Tapos tinanong mo pa ako ng, "Namimiss mo?" Binasa mo pa nga din lahat ng mga old messages niya.

Alam mo baby? Gustong gusto kitang yakapin nun. Sayang nga lang kasi hindi kita katabi nun. Ang sarap mo sana i-hug at sabihan ng, "Ang cute mo magselos." 😂

Kapag may nginitian ako na di mo kakilala, o kapag may nagchat lang saken, magkasalubong na agad yung kilay mo. 😡 😂😂😂

Eh yung time na tinanong kita kung nagseselos ka ba, tas sagot mo saken, "hindi noh, mas cute ako dyan eh," tanda mo din? Alam na alam ko kasi kapag nagseselos ka. Kapag bigla ka na lang tumahimik, alam kong may mali na. Kaya kapag nagseselos ka baby, wag mo na lang itanggi, kasi kung si Pinocchio humahaba ang ilong, ikaw humahaba ang nguso. ✌🏻😂 Minahal kita lalo dahil diyan, dahil sa pagiging selosa mo, dahil sa pagiging possessive mo.

Baby ko, hindi man ikaw yung first ko, wala man tayong memories tulad nung sa mga ex ko, pero promise ko sayo baby na yung relationship natin, sabihin man nila na abnormal, is the best relationship i've had. Sayo ko narealize na pwedeng gawing madali yung napakahirap. The world may be against us, but it's gonna be you and me against the world. There may be millions of people trying to put us down, but our love is greater than any kind of force in the earth. The struggle is real, pero kakayanin natin diba?

We can build more memories. Mas better pa. Kung may powers lang ako na burahin yung noon, at palitan ng puro ikaw lang, gagawin ko baby. Para ikaw lang laman ng memories ko, para di ka magselos. Pero andun na yun, kaya ang pwede ko na lang gawin eh gumawa ng mas madaming memories and moments with you. They may say no to forever, but I'm saying YES to a lifetime with you. 😘🤗"

Mention niyo na yung girlfriend niyong sobrang selosa. 😂 Remember, kung selosa ang girlfriend mo, magpasalamat ka. Pero iparamdam mo lagi sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Kung wala na yang pakelam, matakot ka. Baka may iba nang nagseselos para sa kanya.😉

Confessions of a BisexualWhere stories live. Discover now