We all have different reasons. Bawat isa saten may personal na rason kung bakit mas pinipiling itago na lang ang totoong sarili. Rejection; that's what we are all afraid of.Mas madami nga siguro sa populasyon natin ang hindi out kesa dun sa mga proud talaga. Ano nga ba ang mga kinatatakutan natin? Madami, and the list below sums up all the fears we have as bisexuals;
1. Religion
Kung nabibilang ka sa isang pamilyang relihiyoso (which is very likely lalo na kung nasa Pinas ka), alam mong nega na agad ang magiging reaction ng nasa paligid mo. Syempre ibabandera agad nila sayo yung lahat ng biblical quotes para maipaliwanag sayo kung paano daw unti-unting ginagawa yung bridge mo papuntang impyerno. Kapag nalaman nilang gay ka, automatic na tingin nila sayo eh hindi ka naniniwala sa Diyos.
2. Reactions
Ng pamilya mo. Ng mga kaibigan mo. Ng mga taong nakakakilala sayo. Yan yung mga bagay na sasagi sa isip mo. Syempre 10% lang ang dapat mong i-expect na tatanggapin ka nila ng fully, and the remaining 90%, expect mo na ikakahiya ka nila. Yung mga magulang mo nga, kung makapag-react dun sa kapitbahay nyong may jowang babae din eh sobra sobra na, pano pa kaya kung ikaw yung malaman nilang ganun diba? Nakakatakot mareject diba? Nakakatakot na mabago yung tingin nila sayo.
3. Stereotypes
Karamihan kasi sa tao, magaling maggeneralize. Like, they think na lahat ng bisexuals ay attracted sa lahat ng babae, at ang mga lesbians ay kailangang nakadamit panlalake, at ang mga taong nagiging bisexual daw ay yung mga sinaktan o inabuso. Like duh? 🙄 Sexual orientation is not a choice!
4. Loss
You fear you would lose your friends and your family's support. Mawawala na din yung respeto sayo ng iba. Madami kaseng taong bastos na ang tingin sa LGBT people ay mababang tao.
Nakakainis na sa mundong puno ng makasalanang tao, ang daming nagfifeeling perpekto. Ang daming obstacles sa buhay ng LGBT community, eh kung tutuusin we also deserve all the pleasures that the straight people get. Nakakasama ng loob na ang pagpapakatotoo lamang naman sa sarili ay inihahalintulad nila sa pagiging makasalanan. 😪 When in fact, sila ang nagiging makasalanan for judging the LGBT people.
Hayyy. San na naman ba ako humuhugot?
-Bee🐝
YOU ARE READING
Confessions of a Bisexual
RomanceI'm not good with speaking. I ain't good with shouting about my feelings. I'm glad writing was invented for people who are good with putting up words but can't voice them out. This is my diary. I'm writing out what I feel because that's the easiest...