MASUNURIN AKONG ANAK

9 0 0
                                    







Sabi ng nanay ko, "Huwag kang magboboyfriend." At the age of 23, I had my first girlfriend.

Sabi ng nanay ko, "Unahin mo ang pag-aaral mo." Kaya ayun, pinagbutihan kong pag-aralan kung paanong pasagutin ka.

Sabi ng nanay ko, "Follow your mind and not your heart." Ikaw ang tinitibok ng puso ko, tapos ikaw lang din ang laman ng isip ko, so syempre I followed you.

Sabi ng nanay ko, "Magfocus daw ako sa mga pangarap ko." Pangarap kong tumanda kasama ka, kaya please lang, ayaw ko ng distractions.

Sabi ng nanay ko, "Wag puro sarili mo lang ang iniisip mo." So yun, minsan ko na lang isipin ang sarili ko, madalas ikaw na.

Sabi ng nanay ko, "Maghanap ka ng taong kaya kang buhayin." Nung nakilala kita, langya, 'di mo lang binuhay yung katawang lupa ko, binuhay mo din pati buong mundo ko.

Tama nga pala sila, mothers know best. Buti na lang sumunod ako sa lahat. 😊

Pero hindi ko naman maintindihan..😥

Sa huli ako pa din daw yung suwail at matigas ang ulo.

Sabihin niyo nga, kelan ba ako hindi nakinig? Hayyy..

Y4w quOhH nA4hH.

Kbye.

-Bee🐝

Confessions of a BisexualWhere stories live. Discover now