Earth's core..
Ayon sa mga siyentipiko, ito ay isa sa mga bumubuong parte ng mundo. Ito ang pinakasentrong parte na nasa pinakailalim ng lupa.
Ito ay binubuo ng mainit at naglalagablab na elemento, kaya't hindi ka maaaring maparito kung hindi ay mamamatay ka sa mataas na temperatura..
Ngunit ang hindi natin alam..
Iba ang nalalaman natin tungkol sa core ng mundo..
..kumpara sa mga nalalaman ng mga nakatira dito.
Tama kayo ng narinig. May mga naninirahan sa loob ng ating mundo, sa core nito. Sila ay mga ordinaryong tao lamang na may ordinaryo ding pamumuhay.
Walang pinagkaiba ang pisikal na anyo ng kalupaan na nasa mundong ibabaw sa mundo sa ilalim.
May mga gusali, may mga sasakyan, may mga bundok, may malawak na karagatan, may mga tao na halos kapareho lang ng populasyon sa ibabaw.
Normal ang pamumuhay nila. Normal din ang takbo ng buhay sa ilalim. Ngunit ang hindi nila alam ay ang mga bagay na tulad ng araw, buwan, at bituin. Nababasa at nakikita lamang nila iyon sa maraming libro ngunit isa sa kanila ay hindi pa nakakakita kahit alin man sa nabanggit.
Ang langit nila ay may hangganan. Ito ay bato na nagtataklob sa buong sibilisadong mundong ilalim. Nagkakaroon ng umaga dito oras na mag-liwanag ang mga tipak sa bato, ibig sabihin ay dumadaan na ito sa araw na nasa mundong ibabaw. Iyan ang nalalaman nila tungkol sa umaga at gabi.
May isang gusali na nakatayo doon na halos daang taon nang ito ay ipagawa. Ito ay nakadugtong sa batong langit at pinaniniwalaan nilang ito ay nakadugtong sa mundong ibabaw. Taon taon ay may nagaganap na "Ekspidisyon" ang mga tao na naninirahan sa mundong ilalim. Papasok sila sa gusaling ito upang harapin ang tunay na mundo. Ngunit hindi ganoon kadali ang ekspidisyong ito. Sa bawat palapag ng gusaling ito ay may nakahandang pagsubok. Kailangan mo itong malampasan upang makatuntong sa susunod na palapag hanggang sa makarating ka sa pinakang itaas kung nasaan ang mundong ibabaw.
Handa ka na bang malaman ang tungkol sa mundong ito? At sa gusaling tanyag sa buong mundong ilalim?
Kung ganoon ay halika na at pasukin na natin ang mundo nila.
YOU ARE READING
The Core
Science FictionAlam niyo ba na may mga tao na naninirahan sa core ng earth? Pamilyar ka ba sa tinatawag na Agartha? Alam niyo ba na iba ang core na nalalaman natin kaysa sa core na nalalaman nila? Sapagkat ito ay natatangi at sibilisadong mundo para sa kanila.. H...