"Ano pong pangalan niyo ate?" Magiliw na tanong nitong batang Alex. Lumapit pa ito kay Elizia at hinawakan ang kamay nito.
"E-Elizia." Alanganing sagot ni Elizia dito dahil siguro ay nacri-creepyhan din siya dito.
"Yehey! Nanalo ka sa laro niyo ate! Ang galing galing mo po! Hikhikhik. Sabi ni Master sakin, sabihin ko daw sa'yo na pumasa ka daw sa pagsubok." Sabi ulit ng batang Alex.
"Ah, salamat. A-Anong pangalan mo?" Si Elizia naman ang nagtanong.
"Ako po si Alex! Hikhikhik." Malapad itong ngumiti at kumaway sa aming lahat. Nagawa niya iyon kahit bungal ang kanyang ngipin.
"Ano ang iyong apelido bata?" Sumingit si Joaquin.
"Llodlive po! Hikhikhik. Sabi ni Master ako daw ang sunod niyong kakalaruin." Sagot nito.
"Anong ibig sabihin nun?" Tanong ko sa bata.
"Hindi ko din po alam kuya, pero ang sabi ni Master kapag may nagtanong tungkol sa apelido ko, ang isagot ko daw po ay mirror." Sagot nito.
"Mirror?" Naibulong ko sa sarili ko. Anong koneksiyon ng mirror sa pagiging batang Alex?
"Sabi nga po pala ni Master, isa lang po ang kakalaruin ko dahil hindi pwede ang madami." Baling ng bata sa aming lahat.
"Teka, sino ba iyang Master mo? Bakit siya lahat ang may sabi sayo?" Tanong ni Eris dito.
"Si Master? Siya po ang gumawa sa akin. Siya din po ang nagbigay ng apelido ko. Andun siya kanina sa elevator, inihatid niya ako dito." Sagot niya dito. Medyo nagulat naman ako sa kanyang tinuran. Kung ganoon ay ang lalaki kanina na nakita ko sa elevator na naka-suit ay ang siyang tunay na proctor dito sa ikatlong palapag?
Nakita ko ang proctor.
"Mamimili na po ako ng kakalaruin ko. Hmmmmm." Inilagay pa ng bata ang kanyang kamay sa kanyang baba na akala mo ay malalim ang kanyang iniisip na pagpapasya.
"Ah! Alam ko na." Sabi nito tapos ay tiningnan kaming mga natirang hindi pa nakakalaban. "Kuya Caleb, Ate Deufri, Kuya Zandro, Kuya Strauss, Kuya Murphy at Ate Kate. Humanay po kayo dito." Sinunod namin siya at sunud sunod na humanay.
"Okay, kakanta na ako ha, makinig lang kayo." Sabi niya. Tapos ay nagsimula na siya habang itinuturo kami isa isa.
"Mini mini mayni mo! Milo milo milu ga! Babalik babalik sa kanya. Sino kaya ang makakalaban ko? Eto o eto? Iiiiiiito!" Tumigil ang kanyang hintuturo sa lalaking nagngangalang Zandro. May suot siyang knuckle bar o ulyabi sa magkabilang kamao.
Naunang pumunta sa stage ang bata habang kasunod naman niya si Zandro.
Nakita kong inihanda na ni Zandro ang kanyang kamao habang ang bata naman ay naglabas ng malaking kutsilyo. At itinaas niya ito sa kanyang kanan.
Para ngang si Chuckie. Nakakatakot.
Sumugod si Zandro habang nakaamba ang kanyang kamao sa bata. Sinuntok niya ito pero agad na yumuko ang bata kaya hindi natamaan. Tinalapid ng bata si Zandro kaya nadapa ito. Agad na tumakbo ang bata papunta sa likuran nito at sinakyan ito.
Itinaas niya ang kanyang kamay na may kutsilyo at walang habas na pinagsasaksak ang likod ni Zandro. Walang tigil sa pagsigaw si Zandro habang walang tigil naman sa pagtawa ang bata. Maraming beses niyang sinaksak ang lalaking nakadapa kaya't naghingalo na ito.
Ang bilis ng laban nila. Wala pa sigurong isang minuto.
Di pa nakuntento ang bata at sinipa niya ang lalaking nakadapa para makatihaya. Sinuntok niya muna sa mukha si Zandro bago muling tumawa. Inilabas niya ulit ang kanyang kutsilyo at dahan dahang iginuguhit sa mukha nito ang dulo ng talim ng kutsilyo. Simula noo pahalang pababa. Kagaya ng tahi sa kanyang mukha. Todo sigaw na naman ang maririnig kay Zandro dahil sa sakit na nararamdaman habang tuwang tuwa naman ang bata sa kanyang ginagawa. Pagkatapos maguhitan ay dumanak ang dugo ni Zandro sa buo niyang mukha.
YOU ARE READING
The Core
Science FictionAlam niyo ba na may mga tao na naninirahan sa core ng earth? Pamilyar ka ba sa tinatawag na Agartha? Alam niyo ba na iba ang core na nalalaman natin kaysa sa core na nalalaman nila? Sapagkat ito ay natatangi at sibilisadong mundo para sa kanila.. H...