Agad kaming bumaba sa elevator nang bumukas ito. Nandito na kami sa ikatlong palapag ng gusali.
Tiningnan ko ang paligid at tumambad sa amin ang napakaraming maliliit na bulkan na bumubuga ng mga lava. May ilog din ng lava na malayang umaagos patungo sa kung saan. Napakainit ng paligid. Ano 'to? Impyerno?
Naglakad ang mga kasama kong nagawa ring makarating dito sa pangatlong palapag. Napasulyap ako kay Elizia nang lumapit siya kina Urphad, pero tulad kanina ay ganoon pa rin ang pakikitungo ng mga ito sa kanya. Hindi nila ito pinapansin at hindi man lang tinatapunan ng tingin.
Iginala ko ang aking paningin. Labing apat na lang kaming natitira.
"Bakit walang sumalubong na Proctor sa atin dito?" Bulalas ng isang babae na kasama namin. May hawak hawak siyang isang kadenang bakal na may di kalakihang bolang tinik sa dulo.
"Oo nga? Ano namang gagawin natin dito?" Sangayon ng isang lalaki na kalapit niya.
Nagsimula na rin akong magtaka kung bakit wala ngang sumalubong sa amin para magbigay ng pagsubok dito sa ikatlong palapag. Tsaka anong lugar ito ba ito? Dito ba gaganapin ang pagsubok?
Dala ng kuryusidad ay nagsimula na rin akong maglakad lakad sa buong lugar. Napadaing pa ako ng kaunti dahil sa daplis ng laser kanina sa aking balikat. Tumigil na ang pagdugo nito pero lapnos kung ito'y titingnan kaya medyo kumikirot pa. Pumunit ako ng kapirasong tela sa laylayan ng aking damit. Marahan ko itong idinampi sa aking lapnos upang matakpan, matapos non ay itinali ko ito ng mahigpit upang hindi ko masyadong maramdaman.
Napag-alaman kong isa pala itong kweba, sapagkat kongkreto ang mga pader nito sa paligid. Walang kahit anong malulusutan. At ang isa pa, itong mga maliliit na bulkan at ilog ng lava lang ang nilalaman nitong kweba.
"Guys.. I think i found something." Baritonong sambit ni Aaron sa dulo ng kweba. Nakatingala siya na parang may tinitingnan.
Lumapit kaming lahat sa kanya. At tulad niya ay tumingala din kami.
"Kung iisipin niyo ang taas ng butas na yan ay maiisip niyo na nasa loob tayo ng isang malalim na balon. May liwanag sa itaas kaya't sa tingin ko'y iyang butas lang na 'yan ang tanging labasan." Lintiya ni Aaron. Nagsasalita pala 'tong isang to?
Napatango kaming lahat sa kanyang sinabi.
"Anong plano mo Mr. Guiron?" Tanong ni Joaquin dito.
"Guiron? Anong koneksiyon mo kay President Guiron?" Biglang tanong nung babaeng may hawak na sibat.
Nakita kong kumunot ang noo ng tinatanong. Pangalawang beses na siyang natanong hinggil doon.
"We have the same surname." Taas kilay na sagot ni Aaron.
"You mean? Anak ka niya?" Nanlaki ang mata nung babaeng nagtanong. Ganyan din ang reaksiyon ni Joaquin kanina, may pagakbay pa ngang kasama.
"Tss." Tinalikudan siya ni Aaron at humarap sa aming lahat. "We need to go up there.. ng tulung-tulong."
Sumangayon naman ako sa kanyang sinabi. Pati ang iba ay wala ding nagawa kundi tumango na lamang.
Ginamit namin ang kadenang bakal na may bolang tinik nung babae na kasama namin dito na nagpakilalang si Deufri. Sinimulan naming ihagis pataas ang chain whip niya para kumapit ito sa kung saan mang makakapitan sa ibabaw nitong kweba.
Nakatatlong hagis kami bago tuluyang sumabit ang dulo ng kadena sa ibabaw. Sa wakas.
Unang pinaakyat ni Aaron si Deufri dahil siya naman ang nagmamay-ari ng chain whip. Dahang dahang umakyat paitaas si Deufri. Nasa kalahati na siya ng biglang gumalaw ang lupa, dahilan para makabitaw si Deufri sa chain whip niya at muling nalaglag sa amin. Matibay pa rin na nakalaylay ang chain whip kaya nakahinga kami ng maluwag.

YOU ARE READING
The Core
Science FictionAlam niyo ba na may mga tao na naninirahan sa core ng earth? Pamilyar ka ba sa tinatawag na Agartha? Alam niyo ba na iba ang core na nalalaman natin kaysa sa core na nalalaman nila? Sapagkat ito ay natatangi at sibilisadong mundo para sa kanila.. H...