/1/ - Hiling

45 1 0
                                    

       Hindi madali para sa akin ang iwanan ng mga magulang sa murang edad. Hindi mo alam kung saan ka dadalhin ng iyonh tadhana. Wala kang mahihingian ng pagkain kung ikaw ay nagugutom. Wala kang makakamtang pag-aaruga. Wala kang makakasama sa isang silungan kung sakaling umulan.

Mahirap.

Parang gugustuhin mo na lang na mamatay agad upang hindi na maranasan ang pagiging pulubi sa lansangan.

Pero hindi maaaring ganoon na lamang kadaling matapos ang aking buhay. Gusto kong makamit ang aking pangarap..

Pangarap na makita ang tunay na mundo..

Ang gusali..

Ito lamang ang magiging sagot sa aking problemang kinakaharap. Hindi ako magdadalawang isip na umatras kapag dumating na ang aking tamang edad.

Kapag tumuntong na ng labinwalong taong gulang ang isang mamamayan dito sa core, maaari na siyang pumasok sa gusali. Ngunit maaari din namang hindi, maaari mo pang sulitin ang buhay dito sa core at ipagpaliban na lamang ang pagpasok sa gusali. Maaari din namang hindi talaga, hindi ka papasok sa gusali sapagkat kuntento ka na sa buhay dito sa core.

Pero ako? Papasok ako ng walang pag-aalinlangan. Duwag lang ang hindi pumasok sa gusaling iyan. Tsaka walang saysay ang buhay ko dito sa core. Isa lamang akong hamak na pulubi na iniwanan ng mga magulang dahil mas pinili nila ang magbagong buhay sa tunay na mundo at ang pagpasok sa gusali ang daan para makamit iyon. Labin-isang taong gulang pa lang ako ng iniwan nila kaya't hindi nila ako maaaring isama sa gusali. Tandang tanda ko pa ang kanilang sinabi bago sila pumasok sa entrada ng gusali..

"Anak, tandaan mo na mahal na mahal ka namin.. Wag kang matatakot na harapin ang tunay na mundo anak.. Kapag nasa tamang edad ka na ay huwag kang magdadalawang isip na sundan kami sa itaas.. Ipangako mo na magkikita kita tayo sa tunay na mundo.. Anak.. Hihintayin ka namin.."

Iyan ang huling salita nila na siyang tumatak sa aking isipan. At hinding hindi ko sila bibiguin. Hinihintay nila ako roon. Bago sila lumisan, inihabilin nila ako sa aking tiyahing duwag na ginustong dito na lang tumanda sa core. Ngunit naging miserable ang aking buhay doon kaya't mas pinili ko na lang na maglayas at magpakalayo layo. At sa huli, naging pulubi ako sa loob ng anim na taon.

Tumingala ako habang dinadamdam ang malakas na hangin. Pinagmasdan ko ang batong langit. Umiilaw ang mga tipak nito kaya't may kaunting liwanag sa paligid. Siguro ay nagmumula ito sa araw. Ngunit ano kaya ang itsura ng araw? Pati ng buwan at bituin? Totoo bang may ganoong bagay?

Sa tunay na mundo ay paniguradong mayroon..

Bukas na bukas. Agad akong papasok sa gusali. Doon masasagot ang aking mga katanungan. Bukas na ang aking kaarawan sa pagka-labinwalong taon kaya't maaari na ako sa ekspidisyon.

Susundan ko ang mga magulang ko at magsasama sama kami sa tunay na mundo..

"Hoy Caleb! Nakikinig ka ba?" Napapitlag ako ng mapagtanto na hindi nga pala ako nag-iisa. Lumingon ako sa kanya.

"Seriously? Mukha ngang hindi ka nakikinig bwisit ka!" Maktol ng kasama ko. Siya si Xyrene. Hindi siya pulubi ngunit matalik ko siyang kaibigan. May pamilya din siya ngunit ayon sa kanya ay hindi siya itinuturing na anak sapagkat sinasabi sa kanya na isa daw siyang ampon. Naglayas siya noong nalaman niya ito. At noong oras ding iyon ay nagtagpo ang aming landas. Napakalungkot ng mukha niya noon, tapos nung makita niya ko bigla na lang siyang umiyak at walang pag-aalinlangan na yumakap sa akin kahit na noon pa lang kami nagkakilala. Noong oras ding iyon ay pinaghahanap pala siya ng mga pulis sapagkat ipinahahanap siya ng kanyang magulang kuno. Siya ay isang anak-mayaman. Ngunit hindi siya nasisiyahan dito. Simula noon ay naging magkaibigan na kami. Lagi niya kong pinupuntahan sa lungga ko sa tabi ng estero tuwing maglalayas siya. Kaya'y heto na naman siya at kasama ko.

The CoreWhere stories live. Discover now