"Are you crazy!?" Bago pa lang ako tatayo nang dinambahan agad ako nung babaeng may punyal na nakasama namin sa grupo papunta sa pangalawang palapag.
Nagulat ako sa ginawa niya kaya't di agad ako nakapagsalita.
"Ano sa tingin mo yung ginawa mo!? Baliw ka ba!?" Bulyaw niya muli habang kinukwelyuhan ako.
Sumingit yung lalaking may hawak na palakol at baston naman sa likod. "Tama lang yung ginawa niya, ikaw ang baliw." Naalala ko na naman kung paano niya nakuha yung palakol at baston na iyon. Kitang kita ko kung paano niya pinatay yung babae kanina.
Nabalik ako sa isip nang binitawan ako nung babae dahil sa lalaking nagsalita naman siya bumaling.
"Tama!? Inilayo niyo ko sa mga kaibigan ko! Anong tama doon?" Sigaw niya ulit.
"Kaibigan mo ba yung mga yun? Eh parang hindi ka naman belong dun. Mukha silang adik." Natawa ako sa sinabi ng lalaki.
Nagulat ako dahil siya naman ang kinuwelyuhan ng babae. Napaatras ako at lumapit sa isa pa naming kasama na walang kaemo-emosyon. Nakatingin lang ito sa kanila.
"Woah.. Woah.. Easy ka lang."
"Wag na wag mong huhusgahan ang mga kaibigan ko dahil mas kilala ko sila kaysa sa iyo! Kababata ko sila kaya alam ko! At isa pa mas mukha ka pang adik kaysa sa kanila!" Galit na galit na turan ng babae.
"Aba hinusgahan ko ba sila? Sinasabi ko lang yung totoo. At tsaka di din ako adik no, hindi mo ako kilala babe, mabait kaya akong tao." Inalis nung lalaki yung kamay nitong babae kaya't umatras ito papunta sa amin.
"Hindi babe ang pangalan ko ugok!" Sabi niya tsaka humarap sa pintuan ng elevator.
"Hindi ka kasi nagpakilala. By the way, Joaquin nga pala." Sabi nung lalaki habang inilalahad ang kamay sa nakatagilid na babae.
Walang nakuhang sagot ang lalaki na Joaquin daw ang pangalan kaya sa amin siya bumaling.
"Kayo anong pangalan niyo?" Nakangiti niyang turan. Napansin kong masayahin ang lalaking ito. Parang nakalimutan na niya yatang gustong gusto niya kong patayin kanina.
"Aaron Guiron." Maikling sabi ng katabi kong lalaki na wala pa ring makikitang emosyon sa mukha.
Teka? Guiron? Hindi kaya..
"Guiron? Kilala mo si President Guiron?" Nauna nang magtanong si Joaquin.
"He's my father." Sagot ni Aaron.
"Woah! Kasama ko ang anak ng presidente! Ang swerte ko." Inakbayan pa niya si Aaron na sa tingin ko ay hindi niya nagustuhan. "Bakit ka naman pumasok dito sa gusali? Alam ba ni Mr. President 'yan?"
Inalis ni Aaron ang nakaakbay na kamay sa kanya bago nagsalita. "None of your business."
"Sungit." Mahinang bulong ni Joaquin na narinig ko naman. Bumaling siya sa akin kaya nagpakilala na rin ako.
"Caleb. Caleb Gonzalo."
Nginitian niya ko habang nakalahad ang kamay. Tinanggap ko naman iyon.
Huli siyang bumaling sa babaeng nakaharap sa pinto ng elevator na waring hinihintay na bumukas ito.
"Ikaw babe? Anong pangalan mo?" Mapanuksong tanong ni Joaquin.
"Stop calling me like that! Nakakadiri ka!" Iritadong sambit nito.
"Anong itatawag ko sayo? Eh di ka naman nagpapaki--" naputol ang sinasabi ng lalaki.
"Elizia." Pakilala ng babae.
YOU ARE READING
The Core
Science FictionAlam niyo ba na may mga tao na naninirahan sa core ng earth? Pamilyar ka ba sa tinatawag na Agartha? Alam niyo ba na iba ang core na nalalaman natin kaysa sa core na nalalaman nila? Sapagkat ito ay natatangi at sibilisadong mundo para sa kanila.. H...