Reflection one:
Valerie's tears..
Valerie’s POV
7:OO PM…
“ Uy ganda, bakit parang nagmamadali ka naman yatang tapusin yang presentation mo? May date ka noh?” tanong sa akin ng officemate kong si Carlota habang nagtatype ako sa table ko..
“ Natataranta na nga ako e, parang may kulang pero hindi ko maisip, anniversary kasi namin ng boyfriend ko at sosorpresahin ko siya mamaya, yun ang tumatakbo sa isip ko ngayon..”
kailangan perfect ang gabi na ito, ngayon ko lang siya isusurprise sa buong buhay ko, dapat nasa condo na niya ko bago mag-alas nwebe.
“ Day, makakapaghintay naman yun, mahal ka nun diba? Pero yang presentation mo, bukas na, at hindi mo naman siguro gugustuhing makita ang malamig pero kumukulo na palang reaksyon sa loob ni sir Darren kapag hindi niya nagustuhan ang ginawa mo diba?” hay oo nga pala..
“S-sige na nga, ito muna iisipin ko..” hinarap ko naman ulit ang presentation ko at chineck kung anong kulang habang…
“ Naku Carlota! tayo lang naman ang pinakikitaan ni sir ng ganyang reaksyon e, pero pagdating kay Valerie---- anong sabi mo Yvette?” parang narinig ko naman ang pangalan ko sa bulungan nila Carlota at Yvette kaya sumingit ako sa usapan..
“Ah e wala girl, naisip lang namin, b-baka hindi ka naman sungitan ni sir Darren kasi okay naman lagi ang presentation mo, hehe k-kaya wag ka na masyadong mastress dyan at may date ka pa diba?” nahihiya at nauutal na ewan namang sagot sakin ni Yvette.
“oo..hay sana nga..” sagot ko at itinuloy ko na ang ginagawa ko..pero naririnig ko parin silang nagbubulungan..
“Ikaw Yvette, gaga ka talaga mamaya marinig ka ni sir Darren, sisantihin ka pa nun!”- Carlota
“Sus! E si Valerie nalang naman yata ang hindi nakakaalam na---Na ano Yvette?” tanong ko ulit, ano kaya yung hindi ko alam kay sir?
“H-ha? aah na ano, na.. na may tattoo sa sir darren na korteng aluhipan sa likod! Hehe minsan na kasi namin siyang nakitang nakatopless sa loob ng opisina niya, at nakita namin may tattoo siya sa likod:P “ hay yun lang pala akala ko naman kung ano, “*ngisi* hay kayo talaga pinagtitsismisan niyo nanaman si sir, mabinggo nanaman kayo dun.”
“Ang hot naman kasi ni sir e! bachelor pa! sino ba namang babae dito sa opisina ang hindi siya pag-uusapan diba? kung wala lang siguro kong junakis at asawa, mag aapply akong jowa niya e! at kung wala ka lang sigurong----ARAY! Makabatok Carlota wagas?!-------tumahimik ka nga dyan! Napakaingay mo talaga!” hay ang dalawang to talaga wala ng ginawa kundi magbangayan, bahala nga sila, ang importante matapos ko tong presentation ko bago mag 9 pm--- “ Ehem..”-----“AY SUSMARYOSEP! S-sir Darren kayo po pala, hehe” tigil naman nung dalawa at napayuko sa mga lamesa nila, napailing – iling naman ako sa pwesto ko habang nagpipigil ng ngiti..
”Pwede ko bang malaman kung anong nangyayari dito’t rinig na rinig ko ang sigawan niyo sa loob ng opisina ko?” cold pero halatang inis niyang tanong sa dalawa..
“ Aah sir, k-kasi.. aah e.. nanunuod kami ng movie dito sa tab ni Yvette, yung “One more chance” ni John Lloyd at Bea, eh nakakarelate kasi kami kaya ayan, nacarried away kami, sorry po sir..”
“ tss.. nagambala niyo ang pagtulog ko alam niyo ba yun? And one more thing, sinong may sabing pwede kayong manuod while you’re in the middle of your work? Gawain ba yan ng matinong empleyado? Shut that off or else kayo ang isashut down ko pababa ng floor na to, Clear?” tumango naman sina Carlota at Yvette, at tinalikuran na sila ni sir, hay nakakatakot..
BINABASA MO ANG
Mirror, Mirror [Short story]
FantasíaPaano kung sa pagharap mo sa salamin, ibang repleksyon ng sarili mo ang makita mo at ibang tao rin ito? isang babaeng taliwas sa personalidad mo at naging bahagi ng mitolohiyang Romano na tutulong sayo upang ipamukha sa lalaking nanloko sayo ang pag...